Please read:
Officially, nag-simula na ang nominations for the first ever Watty wards for Filipino BxB writers and stories. The nominations will end at exactly 10PM of June 13. Para sa mga interesadong sumali, punta lang kayo sa link na ibibigay ko at the end of this note. Mas marami, mas masaya. Walang kailangang accounts. Basta fill-up niyo lang, kahit hindi kumpleto, then submit it. Counted na 'yun. Kaya tara na!
Link: http://goo.gl/forms/iYx33ZEEbd OR https://docs.google.com/forms/d/1psbS7NX3GVqWKWdhVpvEbSencwolSunH1nb6-YEp2OY/viewform?c=0&w=1
***
"Salamat ha?" at saka ko siya binigyan ng pinaka-sincere na ngiting pwede kong ibigay. Kahit doon man lang, makabawi ako.
"Ok lang." medyo nahihiya niyang sagot.
"At saka kuya, alam mo ba?" hinimod niya muna 'yung ice cream na binili ni Yves. At pagkatapos, saka siya nagatuloy magsalita. "... pinagtanggol niya ako doon sa mga umaaway sa akin sa may kanto."
Napukaw noon 'yung atensyon ko. Doon na gumana 'yung pagka-kuya ko.
"Bakit? Anong ginawa sa'yo 'nong mga 'yun? Gag* 'yun ah." hindi ko na napigilan 'yung sarili ko. Basta tungkol sa mga mahal ko, sensitive ako.
"Eh ang baho baho ko daw po, tsaka 'yung damit ko sira sira." nakatungo niyang sabi.
Biglang may kumurot sa puso ko. Kung hindi lang sana ganito 'yung kalagayan namin, siguro hindi 'to nararanasan ng kapatid ko. Pinagmasdan ko siyang mabuti. 'Yung tindig niya, 'yung suot niya, 'yung postura niya, 'yung kabuuan niya. Nakakalungkot isipin na kailangan niyang maranasan 'yung mga ganitong klaseng bagay. Pwede namang hindi na eh. Kung buhay lang sana si Tatay, baka baliktad ang sitwasyon. Pero hindi eh. Gustuhin ko mangprotektahan 'yung kapatid ko sa mga taong katulad nila, hindi ko magawa. Kasi nag-aaral ako. Hindi naman parati, nasa paningin ko siya.
Wala na akong nagawa kundi akapin siya. 'Yun lang naman ang tangi kong magagawa sa ngayon.
BINABASA MO ANG
I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]
RomanceI hate you, don't leave me. I hate you, please love me. Book cover: @yuukieee