Twenty Eight

4.2K 159 44
                                    



"Oh? Anyare? Ba't para kang nalugi jan?" bungad sa'kin ng Misis ko ng makauwi ako. 





Tiningan ko lang siya habang naghahanda ng kakainin namin. Sasabihin ko ba? Bigla kong naalala 'yung promise namin sa isa't isa na magiging honest kami parati dahil walang bagay kaming hindi kayang ayusin, basta maging tapat lang kami, walang kasinungalingan. Pero... pero iba 'to eh. Hindi ko alam kung bakit ayokong sabihin sa kanya. Siguro ayoko lang siyang masaktan. Siguro? Siguro nga.





"Hon, kanina pa kita tinatawag. Ok ka lang ba talaga?"  kita ko 'yung pag-aalala sa mukha niya. 





'Yan. 'Yan ang dahilan kung bakit ako nahulog at kung bakit ko siya minahal. 'Yung pagiging ma-alalahanin niya, 'yung pagiging ma-alaga niya... lahat 'yun. Kaya kung ano 'yung rason kung bakit ko siya minahal, ito rin 'yung rason kung bakit nag-dadalawang isip ako ngayon kung sasabihin ko sa kanya. Siyempre, may dilemma ako ngayon. As much as possible gusto kong maging totoo sa kanya kasi ito 'yung pangako namin sa isa't isa na noon ko pa ipinagdidiinan pero ano ba, hindi niya deserve na masaktan at alam ko, kahit hindi niya sabihin, kapag sinabi ko, masasaktan siya. 





"Ok lang Hon. Pagod lang siguro talaga." ngumiti naman ako ng pilit. 




"Halika na, Hon. Kumain ka na muna. Pagkatapos mo, iwanan mo na lang jan, ako nang bahala. Mag-pahinga ka na lang muna sa kwarto." tinitigan ko lang siya habang ginagawa niya 'yung mga duties ng isang asawa. 




"What?" medyo namumula't nahihiya niyang tanong. 




"I love you." tugon ko naman, pero isang taimtim na halik lang ang itinugo niya sa'kin. Hindi na niya kailangan pang sabihin, ramdam ko naman. Ramdam kong mahal na mahal niya ako





At doon nabuo ang desisyon sa isip ko. Sorry Hon, ayoko lang bahiran ng sakit 'yung mata mong puno ng ligaya sa ngayon. 





***





I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon