Nineteen

5.7K 218 28
                                    



Magandang Hapon!



May nakakakilala pa kaya sa'kin dito? May magbabasa pa ba ng update ko? LOL. Pasensya na kayo kung ang tagal-tagal ko ng mag-update. Sobrang busy kasi talaga. Hindi ko nga alam kung paano ko tatapusin. Nainspire lang talaga ako sa #ALDUBEBTAMANGPANAHON episode. HAHAHA.



PS. Hindi ko po ito inedit. Maraming errors. Kayo na lang umintindi. HAHAHA. At hindi din ito maganda, nangangalawang na ako sa pagsusulat eh.



***




*Carson




"Happy Birthday, sungit." pagkulbit ko sa kanya habang siya'y nakatingin sa pamilya niya at sa pamilya kong masayang nag-uusap.




Birthday niya nga pala. Ilang taon? Ilang taon nga ba? HAHAHA. Grabe. Hindi ko man lang alam kung ilang taon na siya (A/n: Realtalk 'to! HAHAHA. Nalimutan ko na po. Kaya naman sa mga nakakaalam ng edad nila, please, please and please, let me know. Kung wala pa man akong nasasabi, ipaalam din po sa'kin. May dedication po ang makakagawa.) Pero kung itatanong niyo kung paano namin icinelebrate 'yung birthday niya, simple lang. Isang simpleng salo-salo lang, ika nga ng parents niya. Pero para sa'min ng pamilya ko, fiesta na 'to! May spaghetti, isang bilao. May cake na malaki, may buko salad, ang daming masasarap na putahe... ehh tuwing piyesta lang namin 'yan nararanasan eh. Nung mga panahong buhay pa 'yung tatay ko. Kaso, ayun, kinuha na siya ni God kaya madalang na namin 'yang maranasan. Kaya naman si Carson, hanggang ngayon... nakaupo pa rin sa table nila Yves. Si Nanay naman, nakikipagkwentuhan sa magulang ni Yves. Si Tito Ian naman, kausap 'yung mga trabahador nila. Para kaming isang malaking pamilya dito.



Napansin kong hindi matapos-tapos ang pagtitig niya sa mga nangyayari sa harap niya. At 'di nagtagal ay sumilay ang isang ngiti... matamis na ngiti sa labi niya.




"Uyy. Iiyak na 'yan." pang-aasar ko sa kanya.



"Baliw. Hindi 'no. Masaya lang talaga ako." sagot niya ng hindi pinuputol ang tingin sa mga tao sa harap niya. "Hindi ko lang akalain na ganito pala 'yung feeling kapag maraming kaibigan, kapag maraming tao... 'yung ano, aist... basta. Diba? Alam mo naman ako, dakilang loner sa buong mundo. Kaya heto... parang bano ako sa feeling na magcelebrate ng birthday na may kasamang iba kasi usually ako lang, o kaya sina Papa lang kasama ko."



"Ikaw lang kasi 'tong mahilig magtaboy sa mga taong nagmamahal sa'yo eh." ako naman ang tumingi sa tinitingnan niya. Sa peripheral vision ko, alam ko nakatingin siya sa'kin.

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon