Third Person's POV
"Tungkol sa'yo... at sa asawa ko."
Halos magiba ang buong pagkatao ni Carlisle ng marinig 'yun. Idagdag mo pa 'yung seryosong aura ni Janine ng mga panahong 'yun. Hindi niya alam kung anong gagawin ng mga oras na 'yun. Aaminin ba niya? Pagtatakpan? Magagalit ba siya? Lalaban ba siya o kung ano. Ang daming gumugulo sa isip niya. Hindi na rin siya mapakali. Nagsimula ng mag-butil-butil ang mga pawis niya sa noo at sa likod.
"Hoooy. Nakikinig ka ba sa'kin?" para naman siyang binuhusan ng tubig ng tapikin ni Janine 'yung mga kamay niya.
"Ah... ano... Janine, mabuti pa siguro umuwi na ako. Mad...madami pa kasi akong gagawin eh." tatayo na sana si Carlisle ng hawakan ni Janine 'yung kamay nito.
"Ano bang problema mo, Martin? Parang takot na takot ka jan ah?" takadong tanong ni Janine.
"Eh kasi di..." hindi pa nakakatapos mag-salita si Carlisle nang muli na namang mag-salita si Janine.
"Gusto ko lang naman sanang mag-sorry dun sa ginawa ko noong nakaraang araw." mahinahon na sabi ni Janine. Si Carlisle naman ay nag-salubong ang kilay. Sorry? Diba dapat siya ang nag-so-sorry at hindi si Janine dahil siya ang may atraso dito? " 'Yung naudlot niyong lunch ng asawa ko?"
"A...Ah" naalala na ni Carlise. " 'Y...'yun ba 'yung sasabihin m...mo sa'kin?" medyo alangan pa ring tanong ni Carlilsle.
"Oo." para namang nabunutan ng tinik si Carlisle ng mga oras na 'yun. Ang buong akala niya kasi eh nahuli't nabuko na sila ng asawa ni Yves. "Nakakahiya talaga. Akala ko kasi may kerida 'yung asawa ko kaya ko nagawa 'yun." hinawakan naman ni Janine 'yung kamay ni Carlisle. Si Carlisle naman ay medyo nailang kaya naman kaagad niya itong inalis. "Ay sorry. Pasensya ka na, touchy talaga ako eh."
"Ah ano... sorry din. Baka kasi... may makakita. Baka kung ano pang isipin nila tapos makarating pa ho kay Yve... kay Sir Cantomayor." pagpapalusot niya dito pero ang totoo'y hindi niya kayang hawakan ni mapalapit ng matagal sa taong ito, ang asawa ng kanyang mahal.
BINABASA MO ANG
I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]
RomanceI hate you, don't leave me. I hate you, please love me. Book cover: @yuukieee