Twenty Six

4K 173 41
                                    



*Yves





"Y ahora, te declaro, marido y mujer. Damas y caballeros, les presento a usted, Sr. y la Sra Yves y Janine Cantomayor. [ And now, I pronounce you, husband and wife. Ladies and gentlemen, may I present to you, Mr. and Ms. Yves and Janine Cantomayor. ]" at umalingawngaw ang masigabong palakapakan sa loob ng simbahan.





Walang pagsidlan ng tuwa ang bawat isa. Bakas sa mga mukha ng bawat taong nakasaksi sa pag-iisang dibdib namin ni Janina ang kasiyahang tumatagos hanggang sa kaibuturan ng kanilang pagkatao. Lalong lalo na sa aming mga pamilya, sa dalawa kong daddy. Siyempre, alam kasi nila lahat lahat ng pinagdaanan ko at alam nilang hindi madali 'yun. Kaya naman siguro, tuwang tuwa sila, na sa wakas, sa dinami-dami ng ibinatong hamon ng buhay, may isang tao na rin akong hahawakan ang kamay sa tuwing manghihina ang aking loob, may isang tao na rin akong aakapin sa tuwing nalulungkot at nilalamig ako sa gabi at may isang taong tatayo at sasama sa akin sa pagharap sa mga panibagong hamon na ibibigay ng mundo. 




Matapos ang kasal ay dumiretso kami sa reception hall. Siyempre, parang tradisyunal pa rin na kasal sa Pilipinas. May mga seremonyas at mga iba't ibang pakulo kagaya ng saluhan ng boquet at garter at marami pang iba. Naging masaya at talagang hindi pkalimut-limot ang mga sandaling iyon. Maging ako, hindi ko malaman kung saan ko na ilalagay pa 'yung ligayang patuloy na bumabaha sa aking kalooban. Iba eh. Iba talaga. 




Kinagabihan, habang kami'y magkatabing nakahiga sa kama...





"Salamat, Yves. Tinupad mo 'yung pangarap ko, alam mo ba 'yun?" masaya niyang sabi.




"Ano ka ba, Hon. Wala kang dapat ipagpasalamat. Kung mayroon mang dito na dapat magpasalamat, ako 'yun. Biruin mo, sa lahat-lahat ng nalaman mo tungkol sa'kin, tinanggap mo pa rin ako ng buong buo at walang pag-aalinlangan. Kaya gagawin ko ang lahat para masukliain lahat ng kaburihan mo sa'kin, Hon. Hindi ko maipapangakong magiging ok tayo lagi, o hindi kita mapapaiyak. Pero isa lang ang masasabi ko, ikaw na at ikaw lang ang buhay ko ngayon." nakita ko namang napatulo ang luha niya. 




"Hon naman eh." maktol niya habang pinupunas 'yung luha niya. "Pagpasensyahan mo na't iyakin ang asawa mo. Masaya lang kasi ako." 





Pinagsaluhan namin ang buong gabing iyon hindi bilang magkaibang indibidwal kundi bilang dalawang tao na pinag-isa ng pagmamahal. Sa bawat yakap, sa bawat dampi ng halik at sa bawat gawin namin, sinisugurado naming ito'y bunga ng aming pagmamahal sa isa't isa. Tila naging musika ang mga boses, ang bawat ungol at bawat pagsusumamo ng bawat isa sa'min. Ang bawat pagtagaktak ng aming mga pawis sa aming katawan ay tanda kung gaano kainit at kung gaano nagbabaga's nag-aalab ang aming pagnanasang maging isa at ang aming pagmamahalan. 

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon