A/n: Published na po 'yung prologue ng Better than Fiction. Bago kong story. Sana mabisita niyo :) Heto po 'yung link: http://www.wattpad.com/myworks/43203589-better-than-fiction-bxb-soon. Thank you :)
***
Bago kami maghiwalay noong araw na 'yun, sinabi niya sa'kin na lalabas kami kinabukasan. Icecelebrate daw namin 'yung pagkapanalo ko. Eh sinabi ko naman, hindi naman 'yun contest at saka wala akong pera para pang-gastos namin kung sakaling matutuloy nga kami bukas. Pero isang makahulugang tingin lang ang ibinigay niya sa'kin.
"Alam mong hindi naman problema 'yang pera diba? Pera lang 'yan eh. Mas mahalaga 'yung oras na... kasama kita, masaya. Ganun." walang pag-aalinlangan niyang wika sa'kin.
Kahit ilang beses na niyang ginagawa 'to sa'kin, 'yung pagiging sweet niya sa'kin, 'yung pagbibitiw niya ng mga salitang maari kong bigyan ng kahulugan, hindi pa rin ako nasasanay. Nabibigla't nabibigla pa rin ako. Ganun pa rin 'yung tibok ng puso ko, at as usual, ilalaglag ako ng mukha ko, pumupula kasi masyado.
"E... oo, alam ko naman 'yun. Kaso parang... parang ang sama na kasing tingnan. Palagi na lang ikaw 'yung gumagastos. Diba? Alam mo 'yung feeling na ano... ano..." pero hindi ko masabi 'yung gusto kong sabihin.
" 'Yung feeling na baka sabihin ng iba, pineperahan mo lang ako?" natahimik ako. 'Yun kasi 'yung gusto ko talagang sabihin.
"Alam kong hindi ka ganun, Baby." yea. Simula nung sabihin kung "Ikaw bahala" doon sa tanong niya, 'yun na 'yung tinawag niya sa'kin. Though hindi niya sinasabi kung bakit, ok lang sa'kin. Ayoko ng tanungin pa. Ok na 'to. Baka kapag nalaman kong wala lang pala 'to, masaktan pa ako. "And can you please stop worrying about what others might say? Alam mo kasi, kahit ano pa ang marinig ko galing sa kanila, hindi ako maniniwala. Kasi kilala kita eh. Kilala na kita. You have my trust. Kaya sana magtiwala ka rin sa'kin na naniniwala ako sa'yo." taimtim niyang wika.
"So... sorry." dahil sa na-overwhelm ako sa mga sinabi niya, 'yun na lang ang nasabi ko.
"At saka diba, sa beauty pageant..." bahagya naman akong natawa. "Ok, it's so gay pero diba sa beauty pageant, ilang percent ang audience impact?"
"10?"
BINABASA MO ANG
I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]
RomanceI hate you, don't leave me. I hate you, please love me. Book cover: @yuukieee