Twenty Two

4.5K 162 11
                                    



A/n: Pasensya na sa matagal na paghihintay. Gusto ko lang ipaalala na ito nga pala ay Short story lang. Mabilis 'yung transition ng kwento at hindi siya magiging kasing haba ng BID/ HS. 


GUYS. MAY TANONG AKO! SINO PO ANG NAKAKAALAM NG PANGALAN NG PARTNER NI DADDY HECTOR? MAY NASABI NA PO BA AKONG PANGALAN? PAKI-INFORM NAMAN PO AKO. TINATAMAD AKONG MAG-BACKREAD. HAHAHA. :) Anyway, thank you sa paghihntay ng update :) Enjoy. Kahit kalawangin na akong magsulat :)



***






*Carlisle






Tatlong araw matapos 'yung pangyayari sa bar, parang wala namang nagbago. Siya, wala pa ring alam sa mga nangyayari. Ako naman, buong buo ang plano kong sirain pa rin 'yung pamilya niya. 





"Ehh, sige na. Sasaglit ka lang naman dito eh. Hindi naman tayo magtatagal. Ipapakilala lang kita sa mga kababata ko." pakiusap ko sa kanya sa telepono.




"Hindi talaga pwede, Layl eh. Death anniversary kasi ng tatay ni Daddy Hector eh. Andito relatives ko kaya hindi ako pwede." tugon niya mula sa kabilang linya.





Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may okasyon nga sa kanila. Sa katunayan, alam na alam ko nga ito dahil personally, inimbitahan pa nga ako nina Tito na dumalo sa death anniversary ng tatay niya. Pero sorry na lang kasi... may iba akong plano. 





"Sus. Ayaw mo lang ata eh." wika ko ng may boses ng pagatatampo.




"Hindi naman sa ayaw ko ka..."




"Hindi." pagputol ko sa kanya. "Naiintinidihan ko naman. Alam ko naman na kung gusto mo, sa isang iglap, wala ng sabi sabi pa... nandito ka na eh. At saka, sino ba naman ako diba?" *cross fingers* sana gumana. 




"Hindi mo kasi naiintindihan Layl eh. Hindi naman sa ayaw kong pumunta jan. Gusto ko, kaso..."

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon