Seventeen

6.6K 245 40
                                    



A/n: Published na po 'yung prologue ng Better than Fiction. Bago kong story. Sana mabisita niyo :) Heto po 'yung link: http://www.wattpad.com/myworks/43203589-better-than-fiction-bxb-soon. Thank you :)


Gusto ko rin po sanang ipaalam na pasukan na namin sa Lunes, kaya mababawasan na talaga ng time ko sa pagsusulat. Pero sana kahit ganoon, anjan pa rin kayo :) 



***



"Hoy. Kanina ka pa pangiti-ngiti jan ha? Akala mo hindi ko napapansin. Bakit ha? Sino ba 'yan?" at pilit na inagaw sa'kin ni Melo 'yung cellphone ko. Pero kaagad ko rin naman itong nailayo.




"Ba. Ganyan ka na ngayon ha? Samantalang dati, nung hindi pa iPhone  'yung cellphone mo, kahit kunin ko ng walang paalam, wala kang pakialam." parang batang naghihimutok na wika niya pagkatapos mabigong makuha mula sa akin 'yung cellphone ko. 




"Ulol. Tumigil ka nga jan. Para kang tang* eh." medyo natatawa-tawa ko pang tugon.




"Eh bakit ba kasi ayaw mong ipahiram 'yan? Titingnan ko lang naman ah? Siguro may porn ka jan ano? Lalaki sa lalaki?" 





Kaagad ko naman siyang pinandilatan ng mata at mabilis na napatingin sa paligid. Baka kung ano pang isipin ng mga tao jan eh. Kahit na bisexual ako, ayoko namang isipin nila mahilig ako sa mga ganun 'no. Hindi naman purket bisexual ka eh sex na lang ang habol mo. Siyempre, tao pa rin kami. May pangalang inaalagaan, may dignidad na ayaw madungisan. Ewan ko ba kung bakit ganun ang tingin ng karamihan sa lahat ng kasapi sa LGBT, sex ang habol. Kapag kasali sa LGBT matakaw agad sa sex? Geez. People nowadays... ay ewan. Napapa-english tuloy ako. 





"Porn agad? Hindi ba pwedeng personal property ko 'to kaya ayokong ipahiram?" tugon ko. 





Tungkol nga pala duns a practical namin, ayun, hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko talaga sablay na ako eh. Akala ko hindi na siya darating. Pero talagang perfect ang timing ni Bro, dumating si Yves sa tamang oras. At instant naging celebrity din siya dahil halos lahat ng classmates ko, finafollow na siya sa twitter. Napag-usapan nga din namin 'yun ni Yves. Ang gag* naman, parang wala lang, tamang kipit balikat lang. Sanay na daw siya. HAHAHA. Ang yabang lang ng datingan pero believe me, ang sarap niyang tingnan. Parang 'yun 'yung pagyayabang na hinding hindi mo kaiinisan? 

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon