Thirty One

3.9K 257 47
                                    


A/n: Ok. Before the update, may sasabihin muna ako. MAGCOMMENT NAMAN KAYO! HAHAHAHA. Alam ko, hindi naman ako kagalingang author para magdemand ng mga number of votes at comments kaya hindi ko 'yun gagawin. Ang sa akin lang, nakakalungkot naman na 4 comments lang 'yung last chapter (Chapter 30). Sayang naman 'yung ilang kwentong binasa ko at ilang movies na pinanod ko, na heartbreaking pa ha! Para lang umabot sa puso ko 'yung emosyon para makapag-update. Hayy. So sad. Tsaka dagdag inspirasyon na rin diba? 


***





*Yves





"Sir, Good Morning po." bungad ni Andeng sa opisina ko.




Kasalukuyan kasi akong abala sa mga pagrereview ng mga data ng past transaction ng company. Gusto daw makita ni boss kaya napaaga talaga ako dito sa opisina. 




"Good Morning din." bati ko sa kanya at saka ngumiti ng tipid pagdaka'y muling ibinalik ang aking atensyon sa aking ginagawa. "What's your concern?" walang tingin tingin kong tanong sa kanya. 



"Ah Sir, nasa labas po si Mr. De La Vega..."  nung narinig ko pa lang 'yung surname niya, bigla akong nahinto sa ginagawa ko. Parang biglang hinila 'yung atensyon ko papunta sa kanya. 'Yung kaninang sipag ko sa pagsesend ng reports sa company namin sa Barcelona, parang nahinto. Parang ang gusto ko munang unahin eh 'yung gustong sabihin ni Andeng. And what? Nasa labas siya ng opisina ko... parang nagkaroon ng karera sa loob ng katawan ko. Excited? Ewan. Bakit naman din ako ma-eexcite? Tss."...gusto daw po kayong makausap about dun sa furnitures. Dala daw po niya 'yung mga image sample."




Furnitures. Tama. Furnitures nga. Ano pa bang ibang dahilan.




"Oh, what's the problem? Sige, papasukin mo." simple kong tugon. 




Iniiwasan kong magpakita ng kahit anong senyales ng emosyon. Hindi naman sa ayoko, limot ko na, o natatakot akong may makahalata. Hindi na lang naman kasi kailangan pa. 




"Eh Sir, wala po kasi siyang appointment eh." natawa na lang ako. 



"It's ok. Wala naman akong masyadong gawa ngayon..." napatingin siya sa tambak na reports na nasa table ko. "... well, meron pala. Pero... I can manage. Ayoko namang pinaghihintay siya dun." wala sa sarili kong nasabi. 

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon