Fifteen

5.4K 229 13
                                    

MUST READ!

Para sa mga supporters ni Gray and Reggo, may good news ako. Nominated ang Brothers in Disguise para sa category na Best Debut Novel sa The Wattpad BxB Awards Ph. Para sa mga interesadong bumoto, may dalawang (2) paraan po tayo.

1. Through Facebook - Pumunta lang po kayo sa facebook at hanapin 'yung page na "The Wattpad BxB Awards Ph". Naka-post po dun 'yung mga nominees para sa iba't ibang categories. Hanapin ang category na Best Debut Novel at makikita niyo roon ang Brothers in Disguise. Ang gagawin niyo lang ay i-like 'yung picture ng story na gusto niyong iboto. Kung iboboto niyo naman po 'yung BiD, punta na lang po kayo dito sa link na ito --> https://www.facebook.com/1447336855563265/photos/ms.c.eJw9yskNACAMA7CNUAK9sv9iSBT4WqY5EqDKAzNs8EKxtFz6ED3ywdIZWQ8MDX8YG2IDDYsUYQ~-~-.bps.a.1450700041893613.1073741829.1447336855563265/1450700181893599/?type=1&theater

15% ang factor niya sa criteria for judging.

2. Through wattpad - punta lang po kayo sa profile ng "The Wattpad BxB Awards Philippines" () at hanapin ang "Nominees for the first wattpad BxB Awards: Literary Awards" Hanapin lang po 'yung story na gusto niyong iboto at i-click ang vote button sa upper right corner ng page. Pwede rin kayong magbigay ng komento. Katulad ng pagboto sa facebook, 15% din ito. Ito naman po 'yung link para iboto through wattpad ang BiD --> http://www.wattpad.com/139662165-nominees-for-the-1st-wattpad-bxb-awards-literary

Bale magkaiba ang pagboto sa FB at wattpad. Hindi ibig sabihin na bumoto ka na sa facebook ay nakaboto ka na rin sa wattpad. Magkahiwalay po sila.

Maraming salamat :)


And bago ko po makalimutan, gusto ko pong ipaalam na may changes nanangyari dito sa IHYDLM. Simula po ngayon, 'yung degree program na kinukuha ni Carlisle ay Bachelor of Music major in composition habang si Yves naman ay Bachelor of Music major in Voice Performance. Naiedit ko na 'yung first six chapters na may nakalagay na AB in Music. Kung may makikita kayo na may nakalagay pa rin na AB in Music, ipagbigay alam niyo lang. Ano po?






***







Natutulala na lamang ako sa tuwing may tinatawag na pangalan at pagkatapos ay ipeperform noong mga kaibigan o kakilala nila 'yung song na ginawa nila. Hindi ko lubos maisip na galing sa amin 'yung mga kantang 'yun. Ang gaganda. Ang lalalim. Ang bibigat ng laman. Parang hindi mo akalain na bilang isang estudyante, umaabot na pala sa ganoon kataas na antas ng pagsusulat ng kanta ang kaya naming maabot. Considering na estudyante pa lang kami at wala pang gaanong mga karanasan sa buhay para pagkunan ng ganito kabibigat na kanta, talagang nakakahanga. At the same time, talaga rin namang matitindi ang tenga ng mga kaklase ko. 'Yung mga kakilala nilang pangmalakasan ang talagang inimbitahan nila dito. Walang itulak kabigin sa mga boses ng mga 'to eh. Talagang mapapa-nganga ka na lang.



Pero hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanila. Gustong gusto ko din eh. Gustong gusto ko rin sanang iparinig sa kanila 'yung kanta ko, kaso imposible. Hindi nakisama sa'kin 'yung panahon. Wala si Yves diba? Though deep inside naiinis ako, pero iniisip ko na lang, hindi naman siya nangako at hindi naman siya obligadong pumunta rito. 'Yung mga mukha noong mga kaklase ko tuwing kinakanta noong mga kaibigan nila 'yung kantang isinulat nila, priceless! Alam mong puso't kaluluwa gawa 'yung kantang 'yun kaya naman nag-uumapaw hindi lang 'yun proud kundi pati na rin 'yung saya. Hayy. Hayaan na. Kung papalarin naman, mararanasan ko pa rin 'to, next year na nga lang kasi bagsak ako.

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon