(A/n: HELP! Paki-comment naman kung may nailagay na akong pangalan ng Nanay nina Carlisle. Kung wala pa eh 'di ok. Kung meron na eh paki-comment niyo para mai-edit ko.)
Third Person's POV
Samantalang nagpapakasasa si Yves at Carlisle sa pag-ibig na kahit kailan ay hindi pwedeng maging tama sa mata ng lahat gaano man nila kamahal ang isa't isa ay ang isang babaeng nahihirapan din. Isang babaeng hindi alam kung ano nga ba ang mas pipiliin niyang panigan. Ang kasiyahan ng anak o ang tamang gawin.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog ang nanay ni Carlisle. Hindi niya kasi maiwasang mag-alala sa anak. Alam niya kung anong sitwasyon ngayon ang sinuong ng kanyang anak at aminin man niya o hindi, disappointed siya sa ginawang desisyon ng anak niya. Tumingin siya sa orasan at pasado alas dose na ng gabi. Maari ngang kulubot na ang balat niya at may katandaan na siya pero hindi naman siya tanga para hindi malaman kung bakit nitong mga nakaraang gabi eh palaging nalalate ng uwi ang anak niya. Naalala niya tuloy 'yung isang beses na una niyang nalaman na nagkabalikan na ang anak niya at si Yves.
*Flashback...
"Nay! Akin na 'yan." pagbawi ni Carlisle sa telepono niya habang ang nanay naman niya ay hindi makapaniwala sa kanyang nabasa.
"Si... si Yves ba 'yung... 'yung nasa telepono?" hindi makapaniwalang tanong ng nanay niya.
"Naaay. Gabi na oh. Matulog ka na. Hindi maganda sa'yo 'yung nagpupu..." marahang sabi nito pero naputol siya ng biglaang tapikin ng ina niya ang kamay nitong nakapatong sa balikat nito.
"Sagutin mo ang tanong ko, anak. Si Yves ba 'yang kausap mo?" kahit medyo may kataasan ng ang boses ng matanda ay bakas pa rin ang kahinaan ng pangangatawan nito.
"Naaaaay."
"Sa.Gu.Tin.Mo.Ako Carlisle!"
"Opo, Nay. Si Yves po." pag-amin ni Carlise para mapayapa na ang loob ng nanay niya. Masama rin kasi dito ang tumataas ang boses at na-stress.
BINABASA MO ANG
I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]
RomanceI hate you, don't leave me. I hate you, please love me. Book cover: @yuukieee