Thirty Nine

4K 132 42
                                    



Third Person's POV





Nakatingin ngayon sa salamin ng kwarto niya si Carlisle. Pinagmamasdan ang mga pasa, bukol, galos at sugat na nakuha niya kaninang nag-away sila ni Yves. Habang pinagmamasdan niya ang sarili, naitanong niya, kung kilala niya pa ba 'yung taong nakikita niya sa repleksyon ng salamin. Maaring oo, maaring kung ang pagbabatayan ay pang pisikal na anyo, maaring walang masyadong nagbago sa kanya, wika niya sa kanyang isipan. Pero sa likod ng kaanyuang ito'y isang puso, isang pagkatao na sa dinami-rami na ng sakit at hirap na pinag-daanan ay hindi na alam kung paano pa muling makikipagkilala sa kanyang sarili. Minsan nga ay pumasok sa kanyang isip na kung makikita ba siya ng kanyang sarili noong siya ay sampu o labing isang taong gulang, kung saan iyon ang panahon na nabubuo sa kanyang isip ang kanyang mga pangarap at ang pag-abot sa magandang kinabukasan, naiisiip niya, magiging proud kaya ito sa kanya ngayon? Magugustuhan kaya ng 10 o 11 years old self niya kung ano na siya ngayon?




Natural hindi. Noong bata pa siya, hindi niya inisip na aabot siya sa ganitong sitwasyon sa buhay kung saan kinakailangan niyang magtago, kailangan siyang itago para lang makakuha ng kaunting oras, ng kaunting pagmamahal. Oo't malayo na sila sa buhay na katulad ng sa kanila dati na halos isang kahig isang tuka. Oo nga't may bahay silang yari sa semento at hindi sila pumapalya sa pagkain ng tatlong beses isang araw hindi tulad dati, pero naging marahas naman ang kapalit nito.




Bigla na lang siyang napapikit at muling inalala 'yung nangyari kanina....






Flashback






"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?! Balak mo ba talagang sirain ako?!"  galit na galit na wika sa kanya ni Yves. 




"A...anong sina... sinasabi mo, Babe... teka... hindi a...ako makahinga ano ba, nasasaktan ako!" at dahil sa pagsigaw niyang iyon ay tila ba natauhan si Yves sa kanyang ginagawa pero hindi pa rin naibsan nito ang galit na nagliliyab sa kanyang mga mata.




Lumayo si Yves at inihilamos ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha kasabay ang pagsabunot sa kanyang sarili. Sa bawat bagay na makikita niya'y pinagsisipa niya ito dahilan para magsipagbasagan at magsikalat ang mga gamit sa hotel. Si Carlisle naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nagawa sa kanya ni Yves kaya naiwan siyang tulala sa tabi. Napabalik na lamang siya sa ulirat ng muntik na siyang matamaan ng sinipang bangko ni Yves. 




"Ano bang problema mo, Yves ha? Bakit ka ba galit na galit?" clueless pa ring tanong ni Carlisle. 

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon