Three

8K 267 16
                                    

"Oh? Sino na naman 'yun? Bagong chika babes mo?" taas kilay kong tanong kay Melo.



"Selos ka naman jan?" confident niyang sagot na siyang nakapag-paawang ng bibig ko ng sandali.



"Tigas talaga ng mukha mo eh 'no?" natatawa kong sagot. "'Di bro, seryoso. Kung may balak kang patusin 'yang chick na 'yan, mag-isip-isip ka tsong."



"Bakit naman?" nagtataka niyang tanong.



"Eh balita ko parang bubble gum na pinagpapasa-pasahan ng mga varsity player ng basketball at badminton 'yang babaeng 'yan eh."




Hindi na siya tumugon. Ako naman ay nag-concentrate sa pag-iisip ng gagawin ko sa practical.



Isang linggo na ang nakalipas at sa awa naman ng Diyos, tapos na akong magsulat ng kanta. Sa katunayan ay nilalapatan ko na ng tono. Malapit na rin akong matapos. Nagpatulong ako 'dun sa isa kong ka-banda na magaling mag-gitara. Siya 'yung gumawa ng melody noong first hanggang second stanza kaya heto, bridge na lang ang iisipin ko at kung paano matatapos 'yung kanta.



"Eh bro, ano? Nakapag-isip ka na ba?" out of the blue, bigla siyang nagsalita.



"Tungkol saan?" sagot ko ng hindi tumitingin.



"Kung siya ba 'yung kukunin mong mag-iinterpret dun sa song mo? You know... 'yung Yves?" taas-baba pa 'yung kilay niya habang tinatanong ako.



"Ayun pa nga eh, isa ko pang problema 'yun." tugon ko.



"Eh bakit naman? Sabi mo, bagay na bagay 'yung boses noong tao dun sa kanta mo. Magaling pang-tumugtog ng gitara. Tapos ang lamig lamig ng boses. Napapapikit ka pa nga noong kinekwento mo 'yun sa'aki.. aray!" sinikmuraan ko ang put*. Mahina lang naman.



"Kailangan pang ipaalala 'yun?" wika ko habang nakatingin sa kanya ng matalim. "At saka isa pa, hindi rin naman ako noon pagbibigyan. Una, may atraso pa ako dun sa tao. Pangalawa, hindi pa naman kami ganoon lubos na magkakilala at pangatlo, anak mayaman 'yun. Base dun sa school I.D. niya, sa Enfield University nag-aaral 'yung ungas na 'yun."



"Rich kid pala ang amputs." tugon niya.




Hanggang sa pag-uwi ko sa'min, iniisip ko pa rin kung sino nga bang pwede kong hingan ng pabor. Hangga't maari, ayoko dun sa ungas na 'yun 'no. Yabang eh. Kala mo kung sino. Marami pa naman akong kakilala dito sa may amin na magagaling kumanta. 'Yun na lang ang pipiliin ko kaysa magkaroon pa ng utang na loob dun sa ungas na 'yun.

I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon