*Yves
Nakatanggap ako ng text message galing kay Daddy, gusto niya akong papuntahin sa office. May importante daw diyang sasabihin. Kaya naman dali-dali akong umalis ng school pagkatapos ng klase ko. As usual, all eyes were on me. At kahit hindi nila sabihin, alam ko kung anong iniisip nila. Kung pwede lang pumatay eh. Bakit ba ang judgmental ng mga tao? Bakit ang daming taong makikitid ang utak? Urgh.
Everytime I call them 'Daddy', palagi akong nao-awkward. Alam niyo na kung bakit diba? Hindi naman normal na nakikita mong sweet and dalawang lalaki diba? Hindi tayo sanay na nakikita silang naglalambingan, naghoholding at hands at... err. Pero ewan ko ba. Kahit ilang taon ko na silang nakikitang ganyan, hindi pa rin ako masanay-sanay. Sa tuwing gigising ako, o kaya uuwi galing eskwela noong bata ako, palagi kong hinihiling na sana pag-uwi ko babae naman 'yung hahalik kay Daddy, babae naman 'yung magluluto ng pagkain para sa'min, babae naman 'yung sasalubong sa'kin pag-uwi ko at tatanungin ako kung kamusta ang pag-aaral, na sana may nanay na sasalubong sa'kin. Dahil iyon naman talaga ang gawain ng nanay. Kaso, huli na ng matanggap kong 'mga' daddy ang mayroon ako at wala akong nanay.
All of a sudden, biglang nag-flash sa'kin 'yung mukha nung psycho slash stalker na palagi kong nakakabangga. Napaisip lang ako, mukhang hindi niya yata ako ginugulo 'no? Mabuti naman. Hindi ko na kasi alam ang pwede ko pang magawa sa kanya kapag hindi pa siya tumigil eh.
Sa totoo lang, hanga ako doon eh. Isipin mo, matapos lahat ng ginawa ko, matapos lahat ng panlalait at pagtataboy ko sa kanya, kung ituring niya pa rin ako, parang wala akong ginagawang masama? Hindi naman kasi siya mukhang masamang tao eh. May hitsura siya sa totoo lang, at may magandang pangangatawan. Pero ayoko lang talagang mapalapit 'yung loob niya sa'kin. Baka kagaya rin siya noong iba kong kaibigan eh. Eh 'di mas ok na 'to. Wala akong kaibigan, wala ding mawawala sa'kin. Wala ring dahilan para masaktan ako. Ang isa ko lang ikinakataka, bakit ako? Bakit ako 'yung napili niyang mag-interpret ng song niya? I mean, alam kong related din sa music ang course niya, kagaya ko. Ang akin nga lang, Bachelor of Music major in Voice Performance at base sa mga pictures niya sa twitter, oy hindi ako nang-stalk, na-curious lang, may banda siya! Eh paniguradong marami siyang kilalang magaling kakanta, baka nga mas magaling pa sa'kin pero bakit ako?
Sa hinaba haba ng pagmumuni-muni ko sa tabing daan, biglang umilaw 'yung kulay pulang ilaw ng stop light, hudyat na pwede na kaming tumawid. Inihanda ko na 'yung isa kong paa para humakbang papatawid ng biglang...
BINABASA MO ANG
I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]
DragosteI hate you, don't leave me. I hate you, please love me. Book cover: @yuukieee