Four

5.8K 236 10
                                    



*Yves




"Cantomayor?" banggit ng professor ko sa Apelyido ko. Itinaas ko ang kamay ko bilang tanda na nandirito ako sa klase niya.





Kung hindi niyo na itatanong, hindi naman ako 'yung taong madaldal. Hindi din ako 'yung taong palakaibigan, kaya madalas mag-isa. Hindi naman sa sinasabi kong wala akong naging kaibigan. Marami. Marami sila dati. Ayoko na lang sanang pag-usapan kung bakit sila nawawala. Basta. Sana lang, hindi sa ganitong buhay ako nabuhay. Kung pwede lang sana akong mamili ng buhay ko bago ako ipanganak, hinding hindi ko pipiliin ang ganitong buhay. Ok lang kahit hindi mayaman. Basta nakakain ng sapat at nakakaraos naman sa bawat araw, sapat na sa'kin 'yun.




Habang nagkaklase 'yung instructor namin, nakatingin lang ako sa labas. Tinitingnan ko 'yung mga kagaya kong wagas kung makatawa, kung makapag-kwento, kung makapag-tulukan, kung kiligin kapag nakikita 'yung mga crush nila. Minsan, hindi ko maiwasang hindi itanong sa sarili ko kung bakit hindi ako nabigyan ng pagkakataon na maranasan 'yung mga ganoong bagay.




Inilibot ko 'yung tingin ko sa klase, marami akong nakitang nagte-take down ng notes. 'Yung iba, tutok na tutok sa sinasabi ng instructor namin. 'Yung iba naman, wala lang. 'Yung iba, tulog. Wala naman akong reklamo sa mga kaklase ko. Mababait naman sila. Hindi sila bullies. Pero hindi nila matanggap 'yung klaseng buhay na mayroon ako. Siguro, pinakikisamahan lang, pero hindi tanggap. Magkaiba 'yun.




Nakita ko na lang 'yung sarili ko na papalabas na ng room. Ni hindi ko napansin na tapos na pala 'yung klase. Kung hindi lang nabunggo noong isa kong classmate 'yung bangko ko, baka hanggang ngayon nagdedaydream pa rin ako. Naglalakad ako noon sa corridor ng school namin papunta sana doon sa tinatambayan ko ng may biglang makakuha ng atensyon ko.





"Yves? Yves Cantomayor? Hello... Yves? Naririnig mo ba ako?" rinig ko sa speaker ng school





Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko. Yves? Yves Cantomayor? Ako 'yun ah! 'Yung mga classmate ko sa unahan ko biglang napatigil at napatingin sa akin. Parang nagtatanong. Nagkipit balikat na lang ako dahil maging ako, hindi ko kilala 'yung boses na 'yan.





"Yves! Alam ko naririnig mo ako. Si Carlisle 'to..." Carlsile?



I hate you, don't leave me. [BxB] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon