Kabanata 1

210 4 1
                                    

Kabanata 1

"Pst, pre?" Pagtawag ko kay Adrien na nakikinig sa Prof namin na nagsasalita sa unahan.

Agad siyang napatingin nang marinig niya ang pagtawag ko. Tinaasan niya ako ng isa niyang kilay.

"Bakit?" Halos pabulong na niyang tanong.

"Punta akong CR" Sagot ko.

Kumunot naman agad ang noo niya. "Oh, tapos? Edi pumunta ka!"

"Samahan mo ako?" Ani ko sabay kamot sa aking ulo.

Narinig ko ang marahang tawa niya. "Pambihira naman, Baste! Hindi ka babae para magbitbit ng alalay. Tsaka bakit kailangan pa kitang samahan? Tagapagpag ng ano mo? Haha."

"Hindi. Alam mo na, baka may aberya na naman na mangyari tapos hindi ko-" Hindi niya pinatapos ang aking sasabihin.

"Eh paano ba naman, ikaw naman kasi ang gumagawa ng ikapapahamak mo. Tsaka pwede ba pre, magseryo ka naman kahit minsan? Kahit hindi na sa babae dahil mukhang malabo nang mangyari iyon, kahit sa pagaaral man lang. Okay? Sige na, baka maihi ka pa diyan." Sambit niya sabay balik ng atensyon sa unahan.

Tsk! Wala na akong nagawa kung hindi ang tumayo at lumabas ng classroom. Nagmadali akong pumunta sa CR dahil hindi ko na kaya pang pigilan.

Habang naglaakad sa hallway, napansin ko na wala gaanong estudyanteng nasa labas. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Baka kasi pagnagkataon ay makita kong muli iyong babae na hanggang ngayon ay patuloy pa din akong kinukulit.

Tinungo ko ang aking ulo habang patuloy na binabagtas ang daan. Alam kong nandito lang iyong babaeng 'yon dahil dinaig pa niya ang kabote na bigla bigla na lang sumusulpot.

Nang makarating ako sa CR ay wala gaanong tao bukod sa isang lalaking nagbibihis. Ah varsity player. Nice!

Lumabas na ako. Napatigil naman ako sa aking paglabas nitong CR dahil sa pagaayos ng aking slacks. Halos mapatalon ako nang bigla na lang-

"Sean? Baby!" Hiyaw nito sabay lingkis sa akin.

Fuck shit! Kung lagi ka nga namang minamalas. Nilingon ko ang sawang nakalingkis sa akin. Halos matuyuan ako ng dugo sa mga oras na ito.

Pambihira! Sino naman ang isang ito?

Hindi siya iyong laging nangungulit sa akin nitong mga nakaraang araw. Sa pagkakaalam ko ay Belle ang kanyang ngalan. Ngunit sino ang isang ito?

Adrien! I need your help! Bulong ko sa aking isip.

"I was right! Tindig at kilos mo pa lang alam kong ikaw na iyan at hindi nga ako nagkamali. Hi baby. Did you miss me?" Maarte niyang sambit.

"A-hh...Of course!" (Not)

"So, as far as I know, patay na patay ka sa akin."

The heck? No!

"Kaya ngayon, sinasagot na kita!"

"WHAT!" Sigaw ko sa sobrang gulat.

"What I mean is, boyfriend na kita at girlfriend mo na ako." Kitang kita ko ang malapad niyang nginit.

Iba pala ang apog ng babaeng ito! E, hindi ko pa nga ata siya nakikita o nakilala man lang! Hindi siya ang tipo ng babaeng gusto ko. Hindi siya ang type ko. Malayo siya sa hinahanap ko.

"Hey! Aren't you happy, Baby?" Tanong niya.

Hindi ba niya nahahalata sa mukha ko?

Ugh! I need to do something, I need to think something!

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon