Kabanata 18

70 1 0
                                    

Kabanata 18

Kunot noo akong naglakad papunta sa kotse ko. Pagkasakay ko ay pinaandar ko na ito. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang hindi mapatanong sa aking sarili kung sino ba iyong babaeng kasama ni Belle kanina.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa kwarto ko at nahiga. Nakatingin ako sa kisame habang pinipilit na sagutin ang katanungang namumuo sa aking isipan.

Trixie ang kanyang pangalan. Gaya nang sinabi ko kanina, maganda siya at sophisticated. Narinig ko din na matagal itong nawala dahil galing ito sa Cebu. Tsaka base sa paguusap nila ay para bang atat na atat silang puntahan si Evo.

Sino kaya siya? Kamag-anak nila? Gulong gulo ang isip ko ngayon. Para akong tangang sinasabunot ang sarili ko.

"Iyong first love niya. Kaso wala na siya dito sa Manila, nasa Cebu na siya."

May kung anong nag flashback sa aking utak dahilan para mapabalikwas ako ng bangon.

"Shit! Siya iyong first love ni Evo?" Sigaw ko sa loob ng kwarto ko.

Napainom ako ng tubig nang mapagtanto ko kung sino iyong babae kanina. Para akong engot dahil masyado akong apektado samantalang wala naman akong karapatan para nakaramdam ng ganito. Wala namang kami.

Teka, bakit ko naiisip na magkakaroon ng 'kami'? Ano ako bakla? Hindi! Hindi ako bading!

Bumalik muli ako sa kwarto ko at kinuha ang aking cellphone para sana maglaro ngunit biglang nag-ring ito.

Biglang kumabog ng matindi ang dibdib ko nang mabasa ko ang tumatawag sa akin.

Evo is calling...

Sinagot ko ang kanyang tawag nang may panginginig ang kamay. Para talaga akong tanga sa mga kinikilos kong 'to.

Ako: H-hello?

Nauutal pa ako lintek na iyan!

Evo: Hi.

Kinilabutan ako sa boses niya. His voice was husky.

Ako: Uh...hi! Uy congrats nga pala sa pagkapanalo niyo! Ang galing mo talaga!

Hindi agad siya sumagot.

Ako: Ibig kong sabihin, ang galing niyong lahat. Oo kayo.... Pero ikaw ang pinakamagaling.

Bwiset na bwiset ako sa sarili ko dahil sa paraan ng pagsasalita at pagsagot ko.

Evo: Thanks. I really did my best because you were there. You were watching that's why I was more inspired and I don't want to disappoint you.

Dahil doon sa sinabi niya ay sinuntok suntok ko ang kama ko. Shit, bakit ganito ang nararamdaman ko?

Ako: Alam ko namang una pala lang mananalo na kayo. Malakas ang kumpiyansa ko sa inyo, lalong lalo na sa iyo.

Evo: I just want to hear your voice kaya ako tumawag. I was looking for you pero hindi na kita nakita kanina sa campus.

Ako: Umuwi na ako kasi baka makadagdag abala pa ako sa inyo kanina. Tsaka alam ko namang maraming estudyante ang nakapalibot sa inyo. Lalo ka na, marami kang fans, ayoko nang makipagsiksikan pa.

Evo: Sa akin, hindi ka magiging abala. Wala din akong fans. At kung meron man, alam kong ikaw lang iyon. You're my number one fan.

Fucking shit! Bakit ganito siya? Yes I'm straight pero...bakit ganito? Bakit may kakaiba siyang ibinibigay sa akin. Ganito pala ang pakiramdam noon. Hindi ko alam kung pangbobola ba ito, pero sana hindi. Ganito kasi ako sa lahat ng mga babaeng nakilala ko, mabilis ko silang nakukuha sa pamamagitan ng mga pambobola, pagpapa-cute, mga banat at pick up lines. Hindi ko batid na aatlab pala sa akin iyon.

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon