Kabanata 20

87 2 0
                                    

Kabanata 20

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan pauwi ng bahay. Ewan ko ba bakit ako nakaramdam ng kakaiba. I mean, hindi pa ako kailanman nakaramdam ng ganito. Ngayon lang.

Naka-upo ako sa kama ko sa mga oras na ito. Iniisip ko kung anong ginagawa niya ngayon, kung na saan siya ngayon. Malamang kasama niya iyong Trixie na iyon.

Sa ilang minuto kong pagmumuni muni, biglang may kumatok sa aking pinto. Baka si Manang. Tatanungun niya ako kung anong gusto kong ipaluto sa kanya.

“Come in, Manang!” Sigaw ko.

Nagtatanggal ako ng sapatos nang biglang may tumabi sa akin sa kama at ako’y inakbayan nito. Nagulat ako dahil doon.

“Hi,”

“Evo?” Nalalaki ang dalawa kong mata nang makita ko siya. “What are you doing here?” Tanong ko.

“I came here to see you.”

Mabilis niyang hinawakan ang isa kong kamay at maging ang mukha ko ay hinipo niya habang sinusuri niya ang kabuoan nito. “I’m glad you’re fine now. Mapapanatag na ako.” Aniya pa.

Kumalabog ang dibdib ko sa sobrang lapit niya sa akin. Nakaakbay na siya ngayon habang hawak hawak pa din ang isa kong kamay.

“Bakit ka nandito? ‘Di ba mag ce-celebrate pa kayo noong Trixie?” Aniko.

He sighed heavily. “She’s with Belle,”

“Dapat kayong dalawa ang magkasama. Para saan pa ang paguwi niya at paghihintay mo sa kanya ng matagal kung pupunta ka lang dito?”

“What do you mean?” Pansin ko ang gulat at pagtataka sa boses niya.

Shit. Bakit ko ba nasabi iyon? Bahala na.

“Siya iyong bumasted sa’yo ‘di ba? Kaya nga hindi ka nagpagupit ng ilang taon dahil sa kanya?” Diretsahan kong sambit.

“How did you know that? Si Sky ba ang nag kwento sa iyo? That motherfucker,” Aniya.

“Ngayong nandito na siya, what are you doing here? Dapat siya ang kasama mo, hindi ako.”

“Why are you upset?”

“I’m not.”

“I don’t like her anymore. At kahit bumalik na siya, I don’t fucking care dahil hindi ko na siya gusto.”

Hindi ako nakaimik. Basta bigla na lang ako nahimasmasan. Kanina kasi may mabigat sa dibdib ko at hindi ko mawari kung ano iyon. Para bang nagseselos ako na ewan. Ah basta!

“Are you hungry?” Tanong niya.

Tumango ako.

“What do you want to eat? Adobo?”

Tumango ulit ako sa ikalawang pagkakataon. Sinamahan ko siya sa baba. Muli ko siyang pinanood magluto. Nakatunganga ako sa kanya habang abala siya sa kusina.

“Bakit hindi mo pa din iyan hinuhubad? You like wearing my jersey?” Aniya.

“May balak ka pa bang kuhanin ito sa akin?”

“May balak ka pa bang isauli iyan sa akin?” Pabalik niyang tanong.

“Wala na. Akin na ‘to!” Sabi ko.

“Okay.”

Mabilis lang naluto ang adobo dahil manok lang naman ito. Naghain na ako at inayos ang lamesa para makakain na kaming dalawa.

“May pupuntahan ka ba bukas?” Tanong ko habang kumakain kami.

“Uhm, wala naman. Bakit?”

“Yayain sana kita sa rest house namin sa tagaytay.” Aniko.

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon