Kabanata 34

66 3 0
                                    

Kabanata 34

"Uy, nandito na pala ang boyfriend mo!" Ani Nathan.

"What the fuck are you doing here?" Tanong ni Evo.

"Like what I've said, Kayo lang ba ang may karapatang pumunta sa lugar na ito?"

"Let's go, Evo!" Aniko dahil walang saysay kung bibigyan pa namin ng pansin si Nathan.

"Teka teka!" Pagpigil niya samin. "Gusto ko lang kayong i-congratulate dahil magkasintahan na pala kayo. At gusto ko lang din kitang batiin Sean ng belated happy birthday." Aniya.

"Tapos ka na? Dahil kung tapos ka na, aalis na kami." Aniko.

"Masyado ka namang nagmamadali, Sean. Ngayon lang ulit tayo nagkita. Namimiss ko na ang mukha mo, namimiss na kita. Kaso may nagmamay-ari na pala sa iyo."

Para siyang abnormal.

"Oy, captain! Ano? Magaling ba siya? Masarap ba siya? How about his kisses? His tongue? His coc-" Naputol ang kanyang sasabihin nang biglang lumapit si Evo kay Nathan at ito siya'y hinawakan sa kwelyo.

"Stop!" Nanggagalaiting sambit ni Evo.

"Chill, captain. Tinatanong lang naman kita. Ang bilis mo lang kasi, naunahan mo pa ako kay Sean!" Bigla siyang humalakhak. "Pati kapatid mo inungusan mo!" Mas lalo siyang tumawa.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Evo sa kwelyo ni Nathan. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Ang isa niyang kamay ay nakayukom na para bang nagbabadyang manuntok anumang sandali.

"Huwag mong isasali ang kapatid ko sa usapan."

Ngumisi bigla si Nathan. "Huh? Bakit? Hindi ba niya alam na kayo na?"

Walang nakaimik sa aming dalawa ni Evo.

"Oh, I feel sad for Belle. Hindi pala niya alam na iyong kuya niya, boyfriend pala ng lalaking kinababaliwan niya."

"Stop!" Pinigilan ko si Evo.

"Alam mo bang hinahanap ka ng kapatid mo? Hindi ka daw nagrereply o sumasagot sa mga tawag. Nagaalala siya sa iyo. Kulang na lang ipaggawa ka ng missing poster at ikabit sa mga poste. Pero iyon pala, kasama lang pala ng kuya niya ang taong pinapangarap niya. Paano na lang pala kung malaman niya ang totoo? I'm sure, she'll get mad and frustrated."

"Shut the fuck up!" Aniko.

"Relax, Sean. Don't worry, hindi ko naman kayo isusumbong. Naniniwala naman ako na walang sikretong hindi nabubunyag." Aniya. "Nga pala, balitaan mo na lang din ako Evo kapag break na kayo ni Sean para naman ako ang mag comfort sa kanya. I'll take care of him instead. Tsaka hindi ko itatago ang aming relasyon kung sakali mang maging kami." Dagdag pa niya at muling ngumiti ng nakakaloko.

"Fuck you! You asshole!"

Susugurin na sanang muli ni Evo si Nathan ngunit inawat ko siya agad. Hinawakan ko siya sa kanyang braso dahil nanginginig siya sa galit. Kailangan ko siyang pakalmahin.

Umalis na si Nathan. Kami naman ay nagpalipas muna ng galit bago sumakay sa aking motor.

Tinanong ko si Evo kung gusto niyang ihatid ko siya sa kanila ngunit tumanggi siya. Napagdesisyunan niyang hindi muna ulit umuwi at sa amin muna ulit magpalipas ng gabi.

Pagdating namin sa bahay ay nagbihis na kami bago humiga sa kama.

"Sigurado ka bang hindi ka uuwi sa inyo?"

"Ayokong iwanan ka. Gusto kong kasama kita. Ayokong nalalayo sa iyo." Aniya.

"Pero, paano ang kapatid mo? Paano kung alam na pala niya ang totoo tungkol sa atin? Paano kung pumunta iyon dito?"

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon