Kabanata 6

115 5 0
                                    

Kabanata 6

Kasabay ko siya sa pagsakay ng elevator. Hanggang sa makarating kami ng parking lot ay magkasabay pa din kami. May sarili din pala siyang kotse.

Sa aking tingin ay nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita sa aming dalawa kaya naisipan kong ako na lang ang babasag ng awkwardness. "Uh...bye!" Aniko.

Bahagya siyang natigilan. "B-bye..." Mahinahon niyang sambit ngunit may konting panginginig sa kanyang boses.

He smiled. I can't help but smiled back.

Nagtungo na ako sa aking sasakyan at sumakay na. Pagkasakay ko ay naaninag ko ang isang sasakyan na dumaan sa harapan ng kotse ko at ito'y bumusina ng tatlong beses. Siya siguro ito kaya bumusina din naman ako.

Pagkauwi ko sa bahay ay naligo ako saglit para maging presko ang aking pakiramdam. Tapos na akong kumain, nakahiga na ako sa aking kama habang naglalaro ng mobile games.

Wala si Dad. Well, lagi naman siyang wala dito sa bahay. Lagi siyang nag a-out of town at abala sa kanyang negosyo. Bilang lang sa isang taon ang pamamalagi niya dito sa bahay dahil hindi niya kayang pumirmi dito kasama ako.

Tanging mga kasambahay lang ang kasama ko dito. Kung minsan ay nagpupunga ako kina Adrien at sa iba kong mga tropa para lang may makausap at may makasama ako.

Sa aking paglalaro ay biglang tumunog ang hawak kong cellphone. Gusto ko sanang tingnan kung sino ang nag text ngunit hindi ko magawang itigil ang paglalaro ko.

Unknown number:

"Good evening Mr. Garcia,

I'm Evo, your tutor. Kindly read our next lesson in advance. I just want to remind you in case you'd forgotten.

I'll see you tomorrow afternoon. Goodnight."

Iyon ang nabasa ko sa kanyang text. Alas tres na pala ng madaling araw ngunit ngayon ko lang nabasa ang mensahe niyang iyon. Katatapos ko lang kasi sa paglalaro.

Bahala na, bukas ko na lang babasahin ang susunod na lesson kasi kailangan ko nang matulog dahil maaga pa ang pasok bukas. Paniguradong late na naman ako nito.

Pero at the back of my mind, natawa ako sa text niya. Masyado formal at sobrang seryoso.

Ako:

Alright. See you tomorrow!

I replied pagkatapos ay natulog na.

Kinabukasan ay nakarating ako sa school pasado alas siete ng umaga. As usual, late ulit ako. Pero kahit late na ako ay dire diretso pa din akong pumasok sa loob ng silid kahit na nagsisimula na ang klase.

"Wow! Thug life na thug life ka talaga, Pre ah!" Si Adrien nang tabihan ko siya.

Tinawanan ko lamang siya. Mas addict siya sa akin sa paglalaro ng mobile games at kung minsan ay wala na siyang tulog ngunit bihira lang siyang ma-late. Bilib ako sa kanya dahil napagsasabay niya ng mabuti ang paglalaro at pagaaral. Hindi gaya ko.

Nakatalikod ang Prof namin habang nagsusulat ito sa white board. Siniko ako ni Adrien kaya napaharap ako sa kanya.

"Kumusta ang tutor mo? Ano, ayos ba?" Tanong niya. "Anong nangyari kahapon? Mag kwento ka naman."

"Okay naman." Matipid kong tugon.

"Ha? Iyon na iyon? Boring naman."

"Malamang tinuruan niya ako. Ano bang ine-expect mong gagawin namin?"

"Oh, naintindihan mo ba naman ang tinuro niya? Hmm, ako na sasagot sa tanong ko. Hindi noh?" Humalakhak siya.

Tsk, kilalang kilala na talaga niya ako.

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon