Kabanata 27
Nagdaan pa ang ilang magkakasunod na araw na para bang nakakaubos na ng ganang pumasok at pati na din mabuhay. Ganado na akong pumasok nang dumating si Evo sa buhay ko. Maraming nagbago sa akin dahil sa kanya. Ngunit para bang nawalan din ng saysay ang lahat.
Kahit na tamad na tamad akong pumasok ay pumapasok pa din ako pero agad agad din akong umuuwi at dumiretso sa bahay.
Pansin kong may silbi iyong plano namin ni Adrien. Sa tingin ko ay umubra iyon ngunit para bang hindi din ako natuwa lalo na't hindi niya magawang piliin ang sarili niyang kaligayahan. Mas mahalaga pa din ang kapatid niya, na akin namang nauunawaan.
"Pre, si Evo iyon 'di ba?" Ani Adrien nang pumunta kami sa cafeteria.
Nilingon ko ang daliri niyang nakaturo kung saan. Nakita kong si Evo nga iyon. Kasama niya si Sky at bumibili sila ng kung ano.
Tumango lang ako.
"Oh, hindi mo ba siya lalapitan o tatawagin man lang?" Tanong niya.
"Para saan pa? Para ano pa? Napapagod na din ako, Ad. Hindi ako sanay na ako iyong naghahabol dahil nasanay akong ako iyong hinahabol."
"Oo, pero iba naman ito e. Hindi mo na ba siya gusto?"
Napabuntonghininga ako. "I still love him. Kaya lang napapagod na din akong ipagpilitan ang sarili ko. Hindi ko alam kung mahal niya ba ako. Minahal niya ba ako? Baka nag feeling lang ako na gusto niya din ako. "
"So, iniiwasan mo na din siya?"
"Iyon ang gusto niya e. Tsaka ayoko nang kulitin siya dahil lalo lang akong masasaktan kung ipagpupumilit ko lang ang sarili ko."
"Ah nag-iwasan na kayong dalawa? Alam mo Baste, wala lalong mangyayari kung parehas kayong susuko. Bahala na kayo!"
Ilang minuto lang ay narinig ko ang pagtawag sa aking pangalan.
"Sean!"
Mabilis ko iyong nilingon. Si Sky pala. Nakangiti siya at tinanguan ako. Tinanguan ko din siya pabalik. Ngayon ay hindi na siya nakatingin sa akin kung 'di kay Adrien. Nakasimangot siya. Oo nga pala, naalala ko iyong nangyari sa kanila.
Binalik ko ang tingin ko sa kanila. Kumabog bigla ang dibdib ko nang makitang nakatingin sa akin si Evo. Parang may kakaiba sa binabanggit ng kanyang mga tingin na tila ba nangungusap.
Mabilis ko namang iniwas ang mata ko sa kanya. Sinipa ko si Adrien sa kanyang binti. Tumayo na ako kahit hindi pa ako tapos kumain.
"Huy, Sean! Teka lang! Hindi pa ako tapos!" Sigaw niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Iniwan ko si Adrien dahil dumiretso na ako sa room namin.
Hindi ko gusto ang ginagawa kong ito. Ayokong iwasan siya at mas lalong ayokong layuan siya ngunit sa tingin ko ay okay na din ito para naman hindi na siya makulitan sa akin. Miss na miss ko siya subalit may tao siyang higit na pinapahalagahan.
Sa sumunod na araw ay nakipagkita ako kay Belle. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong dinner sa kanila dahil pati siya ay akin na muling iniiwasan kaya wala siyang tigil katatawag at katetext sa akin.
Pinuntahan ko siya sa kanilang classroom. Hiniling ko na kaming dalawa lang maguusap dahil madalas siyang may kasamang kaibigan. Sinabi ko na gusto ko siyang kausapin.
"Sean," Aniya nang pumasok ako sa loob ng silid. Mabilis niya akong niyakap.
Inilis ko ang pagkakayapos niya sa akin kaya naman nagulat siya sa ginawa ko.
"I missed you. Hindi mo sinasagot ang text at tawag ko sa iyo."
Nanatili akong tahimik.
"By the way, bakit mo ako gustong makausap? Tungkol saan? Sa atin ba?" Nanlaki ang mga mata. "Gosh, I'm always ready for that! Are you going to ask me if I want you to be my boyfriend? Of course!"
BINABASA MO ANG
A Love Like Ours (BoyxBoy)
Teen FictionBaste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as a playboy. He is inconsistent, he's too confident about himself, he isn't the marrying type, becaus...