Kabanata 4

146 2 0
                                    

Kabanata 4

Nakatunganga ako at parang nakalutang sa hangin nang biglang basagin ni Sky ang namumuong katahimikan.

"Evo? Akala mo ba you will never accept Mrs. Aquino's favor? But, what just happened?"

Hindi ko din alam. Noong una ay ayaw na ayaw ko at talagang labag sa aking kalooban ang hinihiling pabor ni Mrs. Aquino ngunit tila ba ayos na sa akin ngayon at hindi na ako aangal pa.

"Sean..." Wala sa sarili kong binigkas ang kanyang pangalan.

"Sean?"

Napakurap ako nang ulitin ni Sky ang aking sinabi. "What I mean is, saan. Saan nga pala sunod nating klase?"

Nakatingin siya sa akin ng diretso at sinusuri akong mabuti. "Anong nangyayari sa'yo, Evo? Tila ba'y lumulutang ang iyong isip. Alam kong nai-stress ka dahil doon sa pabor sa'yo ni Mrs. Aquino at batid kong napilitan ka lang dahil nahihiya kang tumanggi pero may oras pa naman para umatras ka."

"Maari kang gumawa ng dahilan. Tutulungan kita. Sabihin natin na graduating na tayo tapos varsity player ka pa kaya hindi mo na kayang mag-tutor." Dagdag niya.

Shit, paano ko ba sasabihin sa kanya na I'm alright at ayos na ayos lang sa akin kung mag-tutor ako?

Naglalakad na kami ngayon patungo sa susunod naming klase nang may makasalubong kami sa hallway.

"Evo!" Si Lea na kaklase ko sa isang subject.  "I need to talk to you..." Aniya nang makalapit siya sa akin.

"About what?"

"Kinausap ka din pala ni Mrs. Aquino about doon sa tutor thing sa first year guy, tama?"

"Yeah, why?"

"Ako kasi iyong una niyang kinausap tungkol doon but I refused. Vinolunteer kita ngunit ang sabi ni Mrs. Aquino ay baka hindi ka din sumangayon. Pero ngayon, ayos na sa akin kung ako na ang maging tutor ni Sean dahil alam ko namang labag ito sa iyong kalooban hindi ba?" Mahaba niyang salaysayin.

Napakunot ang aking noo. "Bakit nagbago ata ang iyong isip?"

"Noong una'y ayaw ko kasi nahihiya ako dahil sobrang gwapo niya pero ngayon, okay na sa akin. Chance ko na ito to know him more." Aniya na parang kinikilig.

Naramdaman ko ang pagkalabit ni Sky sa aking balikat. "Bro, chance mo na ito. Sumangayon ka na sa kanya. Ito na ang pagkakataon upang tanggihan mo ang pabor sa iyo ni Mrs. Aquino." Bulong niya sa akin.

Nilingon ko si Sky. "Pumayag ka na, Bro. Ayaw mo naman ito 'di ba?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sasangayon ba ako kay Lea o hindi? Fuck, I don't know.

"So, kakausapin ko na ba si Mrs. Aquino?" Suhestiyon niya.

"Tinatanong ka, hoy!" Ani Sky.

"Alright then, sasabihin ko kay Mrs. Aquino na ako na ang magtu-tutor kay Sean-"

"No!" Pagputol ko sa kanyang sinasabi. "Hindi mo na kailangang magtungo kay Mrs. Aquino dahil nagkalinawan na kami. Ako ang magiging tutor ni Sean...

I'll be his tutor." Aniko.

Nabigla siya sa sinabi ko. Maging si Sky ay ganoon din. "Huh?" Sabay nilang bigkas.

"Uh...ganoon ba? Sige." Napawi ang ngiti ni Lea.

"Anong ibig sabihin noon, Bro?" Si Sky nang umalis si Lea. "Okay lang sa'yo na i-tutor mo iyong first year? Akala ko ba you're not interested? Hmm..."

Ngumisi siya ng nakakaloko. Hindi ko alam kung ano ba'ng iniisip niya ngunit alam kong madumi ang kayang utak at lahat ay binibigyan niya ng kahulugan.

"What?" Naiirita kong tanong.

"So, paano na iyan? Kaya mo bang pagsabay sabayin lahat? Isipin mo, hindi pa tayo tapos sa thesis natin. Next sem OJT na natin. Varsity player ka pa. Tapos ngayon, magtu-tutor ka pa ng first year? Sobrang hectic na ng schedule mo, Bro. Kakayanin mo pa ba iyon?"

Mas problemado pa siya kasya sa akin.

"Kaya kong gumawa ng paraan, Sky. Kung maari ay magku-quit na ako sa basketball team." Aniko.

Nalaglag ang kanyang panga. "Wait, are you serious, Bro? What were you thinking? Isa-sacrifice mo ang passion mo para lang diyan sa pag tu-tutor mo? Are you out of your mind?"

Yeah, am I out of my mind? Am I crazy? Siguro nga'y oo.

Hindi na ako nagsalita pa. Pagkatapos ng huli naming klase ay agad akong nagtungo sa gym. Kakausapin ko si Coach.

"Contreras, are you sure? Magku-quit ka? Aalis ka sa team?" Pinaulanan ako ng maraming tanong ni Coach nang sabihin ko ang plano kong pag-alis sa basketball team.

"Coach, alam niyo namang 4th year na ako. Marami na akong pinagkakaabalahan. Kailangan ko nang isantabi ang paglalaro upang bigyan ng oras ang aking pagaaral. Labag man sa aking kalooban ngunit iyon ang nararapat." Sabi ko.

"Evo, ikaw ang aming team captain at aming best player kaya hindi ka pwedeng mawala o umalis sa team." Aniya at hinawakan ako sa aking kanang balikat. "Batid mong nalalapit na ang basketball tournament, hindi ka maaring mag quit. Ayokong may umalis sa team kahit sino man sa inyo...lalong lalo ka na."

"Coach-"

"Desidido ka na ba diyan sa gusto mo? Last year mo na ito, ngayon ka pa ba magku-quit? Pagisipan mo munang mabuti at huwag kang magpadalos dalos." Tinapik niyang muli ang aking balikat pagkatapos noon ay tinalikuran na niya ako.

Napabuntonghininga ako. Tama si Coach, masyado siguro akong napapadalos dalos. Kailangan kong pagisipan ng mabuti ang aking binabalak na pag-alis sa basketball team.

Pagdating ko ng bahay ay agad akong sinalubong ng aking kapatid. Napapadalas ang kanyang pangungulit sa akin nitong mga nakaraang mga araw dahil sa lalaking kanyang kinalolokohan.

She's turning 19 kaya naman nasa tamang edad na siya para sa mga ganoong bagay. Ayoko man sanang mag boyfriend siya ngunit hindi ko naman pwedeng hadlangan ang kanyang puso na umibig.

"Kuya JC, he's driving me crazy." Aniya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Base sa tono ng kanyang boses, hindi siya masaya. "I think, he's really avoiding me. After we kissed... he started to ignore me."

Nanlaki ang mata ko. "Teka, he kissed you? At nagpahalik ka naman?" Tumaas ang boses ko.

"Correction kuya, I kissed him." Pagtama niya. "At ang sabi niya, I'm a good damn kisser." Dagdag niya na animo'y kilig na kilig.

"Hey, Joseah Chrisabelle. Hindi kita pinalaki ng ganyan! Hindi dapat ikaw ang naghahabol sa lalaki, you shouldn't make the first move. Wait for him to make the first move either." Sabi ko.

"Paano ako maghihintay kung para namang wala siyang balak na gumawa ng first move?"

"You know what? Hindi ko gusto ang lalaking iyan dahil hindi maganda ang epekto niya sa'yo." I said.

"One more thing, hindi ka niya gusto. Dahil kung gusto ka niya, una pa lang hindi ka na niya pakakawalan. You've said, he's avoiding you right? So, you should stop na. Hindi kayo ang para sa isa't isa." Diretsahan kong sambit.

"Kuya naman eh! 'Di ba dapat sinusuportahan mo ako? 'Di ba lahat ginagawa at binibigay mo sa akin? Kuya, I really like him."

"What do you want me to do... then?"

"Wala kang dapat gawin. All I need is your support." She said. "I'll introduce him to you as you soon as possible. Alam kong magugustuhan mo din siya, kuya."

Halos ako na ang tumayong ama niya kaya kilalang kilala ko na ang aking kapatid. Kung saan siya sasaya, doon ako. Kahit pa kaligayahan ko ang kapalit, I'll do anything just to make her happy.

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon