Kabanata 12
Nandito pa din ako sa loob ng kanyang kwarto. Nakahiga ako sa kanyang kama samantalang nakaupo namam siya sa may paanan ko. Daig ko pa ang nasa sarili kong kwarto na para bang ako ang nakatira dito at akin itong silid niya.
Ganito ako sa bahay nina Adrien. Madalas ako pa ang nakahiga sa kama at siya naman ay nasa sofa o kaya nasa sahig. Siguro gano'n ako kapag komportable ako sa isang tao. Aamin ko, I'm very comfortable with him. Para bang ang gaan gaan ng pakiramdam tuwing kasama ko siya.
"Tama ang kapatid mo, you're good at everything. Matalino ka, you're handsome, you know how to cook, you're talented. Halos lahat kaya mong gawin. Halos lahat na sa'yo na. I wish I was you. I wish I could be like you." Sabi ko.
"Siguro proud na proud sa'yo ang parents mo." Dagdag ko.
Napalingon siya sa akin. Tiningnan niya lang ako. He didn't say anything.
"Nasaan nga pala ang parents mo? Kayo lang dalawa ng kapatid mo ang magkasama?"
Hindi na naman siya nakasagot agad. Nagtiim bagang ako. I suddenly feel like I shouldn't ask him that much.
"My parents are too busy with their businesses abroad. Bihira lang silang umuwi at kung minsan, napipilitan pa. Hindi ko alam kung may balak pa ba silang umuwi."
At looked at him. Ramdam ko ang bigat ng kanyang boses.
"Pareho pala tayo, workaholic din ang Dad ko. Parang mas importante pa sa kanya ang negosyo niya kaysa sa akin. Bihira lang siyang umuwi ng bahay. Uuwi lang siya para sermonan at pagalitan ako."
"What about your Mom?" He asked.
"Uhm, edi kayo lang pala ang ng kapatid mo ang laging magkasama dito sa bahay niyo?" I changed the topic.
"Yeah. Ako na din ang halos tuwayong Ama't Ina niya. How 'bout you, sinong kasama mo sa bahay mo kapag wala ang Dad mo?"
"May mga kasambahay kami kaya hindi ako literal na nagiisa. Pero syempre, iba pa din iyong may nakakausap ka kaya madalas akong pumupunta kina Adrien para tumakas sa lungkot at sa pagiging mag-isa."
Magkatinginan kaming dalawa. "If you're feeling lonely, when you feel alone, I am always here with you. I can be your shoulder to lean on, my ears are open to listen." He said.
Naestatwa ako. Walang anumang salitang lumabas sa bibig ko. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko ang sinseridad sa mga winika niya at sumaya ako dahil doon.
Pagkatapos ng gabing iyon ay umuwi na din ako. Pasado alas onse na ng gabi nang makarating ako sa bahay. I don't feel tired or what kaya naglaro muna ako ng mobile game pampa-antok.
"Nalalapit na ang exam natin, balita ko nire-review ka nang husto ni Evo sa FAR. Baka naman pwede mo akong pakopyahin? Wala akong naintindihan sa mga tinuro ni Mrs. Aquino." Ani Adrien nang pumasok ako kinabukasan.
"Kahit kumandong ka pa sa akin sa exam, walang mangyayari sa ating dalawa." Aniko.
"Kung magpa-tutor na din kaya ako kay Evo, pre? Sa tingin mo?"
Mabilis akong napalingon sa kanya. "What!? No freaking way! Busy na siya, hindi ka na niya kayang asikasuhin pa!"
"Bakit ang taas ng boses mo?"
"Hindi ah!" Pagtanggi ko.
Tiningnan niya ako ng nakakaloko. Hindi ko na siya pinansin pa at tinuon ko na lang ang atensiyon ko sa paparating naming Prof.
Nang matapos ang huling klase ay nakatanggap ako ng text mula kay Evo kaya mabilis ko itong tiningnan.
Evo:
BINABASA MO ANG
A Love Like Ours (BoyxBoy)
Teen FictionBaste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as a playboy. He is inconsistent, he's too confident about himself, he isn't the marrying type, becaus...