Kabanata 16
"Baste! Pambihira ka, iniwan mo ako-"
Hindi ko na siya pinatapos. Sinalubong ko siya at madiin siyang sinikmuraan.
"Aray, pre! Bakit bigla bigla ka na lang naninikmura!" Daing niya habang namimilipit dahil sa ginawa ko.
"Hindi kita sisikmuraan kung hindi mo binigay ang number ko sa gago mong pinsan!"
"Eh hiningi niya e!"
"At binigay mo naman!? Napakamasunurin mo naman."
"Ang gusto ko lang naman ay magkaayos kayo. Ang sabi niya sa akin ay may nagawa siyang hindi maganda sa'yo na siyang naging rason para magalit ka sa kanya."
"Ano bang ginagawa mo dito?" Pagiiba ko ng usapan.
"Manunood ako ng practice nila. May problema ba?"
"Bakit, may sinabi ba ako?"
Tinawanan niya lang ako.
Binaling ko ang tingin kay Evo na ngayon ay nag i-stretching maging ang mga ka-team niya. Nakanguso ako habang pinapanood siya sa 'di kalayuan. Wala kaming tutoring session ngayon. Siguro baka hanggang sa matapos ang basketball tournament. Pero hindi bale, makikita ko pa din naman siya. Maaari naman akong pumunta dito para panoorin at bisitahin siya araw araw.
At tsaka puspusan ang kanilang traning kaya naintindihan ko iyon. Kailangan niyang mag focus sa training nila dahil alam kong gusto niyang ipanalo ang darating na laban at alam kong kaya nila iyon, kayang kaya niya iyon. Siya pa?
Nagsimula na ang kanilang practice. Nakaupo kaming dalawa ni Adrien sa bleachers at napansin kong maraming estudyante ang nasa loob nitong gymnasium upang manood.
"Panoorin mo iyang pinsan ko. Kahit siya ang bulilit sa grupo, siya ang shooter sa kanila."
Nakita kong pinasa ng isang teammate ang bola kay Nathan. Pagkatapos ay bahagyang tumingkayad si gago at pina-shoot ang bola sa ring.
"Kita mo na? 3 points!" Bilib na bilib na sabi ni Adrien sa akin.
Inikutan ko siya ng aking mata. Oo, magaling ang pinsan niya kahit na hindi ito katangkaran. Hindi ko naman itatanggi iyon. Siya ang pinakamaliit sa grupo pero halimaw din siya kung maglaro.
"Paano mo naman makikita, nasa iba naman ata kasi ang tingin mo." Aniya.
Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon ang atensiyon at tingin ko kay Evo. Nasa kanya na ang bola at dini-dribble niya ito. Biglang nagtama ang aming matang dalawa at ako'y kanyang kinindatan.
Shit! Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako. Pero imposible namang guni-guni ko lang iyon lalo na't kinilabutan ako sa ginawa niya.
Tumakbo siya habang dini-dribble ang bola then he jumped high through the air and he threw the ball down through the basket gamit lang ang isa niyang kamay.
Damn! Napanganga ako sa ginawa niya. Kahanga hanga ang pinakita niyang kagalingan. Totoo nga na magaling siya. Walang anu-ano ay pumalakpak ako. Hindi ko mapigilan na palakpakan siya dahil pinahanga niya ako.
"Hoy pre! Walang kalapati dito! Haha." Pangaasar ni Adrien sa akin.
Wala akong pake kung ako lang ang bukod tanging pumalakpak. Basta ang alam ko lang ay nagustuhan ko ang ginawa ni Evo.
"Insan! Galing ng 3 points mo ah!" Papuri ni Adrien sa pinsan niya.
Lumapit si Nathan sa amin nang matapos ang kanilang practice. Nag-apir nilang mag pinsan.
"Galing ko bang magpa-shoot, Sean?" Baling ni gago sa akin.
"Oo, sanay na sanay ka no? Kaya pala nashoot mo agad sa loob nang hindi ko namamalayan." Binigyan ko ng meaning ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
A Love Like Ours (BoyxBoy)
Teen FictionBaste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as a playboy. He is inconsistent, he's too confident about himself, he isn't the marrying type, becaus...