Kanabata 17
Isang oras lang niya ako naturuan sa paggigitara dahil anong oras na din at kailangan na niyang umuwi.
"Bakit hindi ka na lang dito magpalipas ng gabi? Ipapahanda ko ang guest room para sa'yo." Suhestiyon ko.
"I want to stay here with you tonight. I want to be with you all day. It's just that, kailangan ako ng kapatid ko. Hindi ko siya kayang iwanang mag-isa. Malamang hinahanap na niya ako ngayon."
"Pero may mga kasambahay naman kayo 'di ba? Tsaka ngayong gabi lang naman. Anong oras na, malayo layo pa naman ang inyo." Aniko.
Hindi siya nakasagot. Hindi ata uubra ang pamimilit ko sa kanya. Gusto ko siyang dumito muna magpalipas ng gabi pero mukhang hindi ko na siya mapipilit pa.
"Alright, hatid na kita sa baba." Sabi ko.
Bubuksan ko na sana ang door knob nang bigla niya akong hinawakan sa braso at ako'y hinarap sa kanya.
"Sorry, I need to go. But I promise sa susunod na punta ko, I'm gonna sleep here. Magdadala na ako ng damit at muli kitang ipagluluto ng paborito mong ulam." Aniya habang mata sa matang nakatingin sa akin.
Sinaulo ko ang mga sinabi niya kaya kahit papaano ay nahimasmasan ako. Ang lambing ng kanyang boses na nagpagaan sa pakiramdam ko.
Tumango ako. Desisyon niya iyon kaya wala akong karapatang umangal. Tsaka sino ako para pigilan siya.
Bumaba kaming dalawa at hinatid siya papunta sa kanyang kotse. Nang makaalis siya ay nagba-bye ako sa kanya at gano'n din naman siya sa akin.
Simula noong naging tutor ko siya, may nag-iba sa akin. May nagbago sa akin. Hindi na ako napapasabak sa anumang gulo, hindi na ako naghahanap ng iba't ibang babaeng paglalaruan at paaasahin ko. Lagi na akong inspired sa pagaaral at hindi na ako nale-late sa pagpasok sa school.
Kinabukasan ay pumasok ako. Hindi pumasok si Adrien sa unang subject kaya sa sumunod na subject ko siya hinarap para kausapin tungkol doon sa sinabi ni Evo kahapon.
"Sinong nagsabi sa'yo?" Tanong niya sa akin matapos ko siyang interviewhin.
"Hindi na mahalaga kung sinong nagsabi sa akin. Ang gusto kong malaman, totoo bang inagaw mo iyong syota ni Sky? 'Di ba may girlfriend ka?"
"Teka teka, sino ba kasing nagsabi nito sa'yo?"
"Sagutin mo na lang ako kung totoo ba o hindi!" Tumaas ang boses ko.
"Oo, totoo."
"Si Faye? Iyong girlfriend mo? Paano na siya?"
"Hindi ko naman talaga siya mahal, ginamit ko lang siya. Si Irish ang totoong mahal ko at mahal niya din ako. Pinagkasundo lang siya ng Daddy niya doon sa Sky na iyon dahil business partners ang kanilang parents. At tsaka hindi ko siya inagaw, binawi ko lang ang tunay na akin."
Hindi ako naka-imik.
"Si Evo ang nagsabi sa'yo nito noh? Nagsumbong siguro iyong Sky na iyon sa kaibigan niya. Ito namang si Evo, sinumbong ako sa'yo. Pakielamero din pala iyang tutor mo, nakikisali siya samantalang wala naman siyang alam."
"Huwag mong pagsasalitaan si Evo ng ganyan. Hindi siya pakielamero, hindi siya nakikisali. And obviously, concerned lang siya sa kaibigan niya."
"Eh ikaw? Kanino ka ba mas concerned, kay Evo o doon sa kaibigan niya? Kung ipagtanggol mo iyang tutor mo wagas ah?"
"Hindi ko siya pinagtatanggol, tsaka bakit sakin napunta ang usapan?"
"Oh siya, ako nga pala ang may issue dito. Hindi ko na din isasama sa usapan si Evo dahil baka magalit ka pa at baka tayo pa ang mag-away."
BINABASA MO ANG
A Love Like Ours (BoyxBoy)
Teen FictionBaste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as a playboy. He is inconsistent, he's too confident about himself, he isn't the marrying type, becaus...