Kabanata 13

88 3 0
                                    

Kabanata 13

"I'm bisexual. At nagawa ko lamang iyon because I like you. Gusto kita, Sean. Gustong gusto kita."

Ngumisi ako hindi dahil sa tuwa, kung 'di ngising nanggagalaiti ako sa galit. Walang anu-ano ay sinuntok ko ulit siya sa may ibabang labi niya. Sa kabila naman para pumantay. Natumba na siya sa suntok ko na iyon.

"Fuck you! Hindi rason na gusto mo ako para gawin mo sa akin iyon! Gago ka!"

Halos pumutok ang litid ko sa leeg sa sobrang galit.

"Umalis ka na baka mapatay na kita nang tuluyan." Sambit ko habang nakayukom pa ang dalawa kong kamao.

Hindi siya natinag. Nakipaglabanan pa siya ng titig sa akin. Kaysa bugbugin pa siya, napilitan na lang akong sumakay ng kotse. Hindi ko na aaksayahin ang panahon ko sa gagong 'to.

Nagiinit pa din ang ulo ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Gustong gusto ko nang gilitan ng leeg iyong Nathan na 'yon. Gusto ko mang burahin sa isipan ko ang ginawa niyang kahayupan sa akin ngunit tila hindi na maaalis sa isip ko iyon lalo na't iisa lang kami ng pinapasukang school at napakaliit ng mundo na aming ginagalawan. Makikita at makikita ko pa din siya.

Sa sumunod na araw ay maaga akong pumasok sa school dahil nagkaroon kami ng long quiz na nakakamatay sa hirap ang mga tanong. Mabuti na lang ay may tinama ako kahit papano.

"Baste!" Tawag ni Adrien sa akin nang matapos ang klase namin sa huling subject.

Lumingon ako sa aking likuran. Agad naman niya akong nilapitan. "Oh, bakit?"

"Ano, tara na? Laro tayo sa bahay bago mag exam. Doon na rin tayo mag review."

"Hindi pwede, pre. May tutoring session kami ni Evo ngayon. Ito na nga at nagtext na siya sa akin."

"Talaga? Tila inaraw araw na niya ang pagtututor sa iyo? Buti hindi ka niya sinusukuan at pinagsasawaan?" Aniya sabay humalakhak ng nakakaloko.

"Ewan ko sa'yo!" Babatukan ko sana siya ngunit agad siyang umilag.

"Pero sabagay, hindi naman siya tatagal sa'yo kung sakit ka sa ulo. Tsaka ikaw, hindi ka din naman tatagal sa kanya kung hindi mo siya gusto 'di ba?"

Napatingin ako sa kanya ng diretso. Ewan ko kung anong gusto niyang iparating o sadyang ako lang ang gumagawa ng kahulugan sa sinabi niya.

"What do you mean?" Tanong ko. Gusto ko kasing linawin ang sinabi niya.

"Hindi ka naman tatagal sa kanya kung 'di mo siya gusto bilang tutor mo. Kilala kita pre, mukha ka lang lokoloko pero mailap ka sa ibang tao. Pwera na lang siguro kung kilala mo na at kung talagang magaan ang loob mo sa taong iyon."

Hindi ko na siya inintindi pa. Mahilig siyang magbigay at gumawa ng kung anu-anong mga kathang isip.

Nagtungo muna ako sa CR bago magtungo sa gymnasium kung saan kami magkikita ni Evo. Ayoko sanang pumunta sa gym ngunit hindi ako pwedeng magreklamo. Ako ang nararapat na mag adjust, hindi siya.

Nang matapos akong mag CR ay nagmadali na akong naglakad patungong gym dahil baka naiinip na si Evo. Kanina pa siya nag text sa akin kaya naisip ko na baka tapos na ang training nila.

Hinanap agad ng mata ko si Evo nang makarating ako sa gymnasium. Tapos nga ang kanilang training dahil nagliligpit na sila at naghahanda na sa kanilang pag-uwi.

"Sean!" Narinig ko ang isang boses.

Nilingon ko kung sinong tumawag sa akin. Iyong kaibigan pala ni Evo na si Sky.

"Oy, pre!" Bati ko sabay apir sa kanya.

"Sakto ang dating mo, katatapos lang ng training nila. Hintayin mo lang iyong tutor mo. Pero, kailangan muna kitang ma-interview."

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon