Kabanata 2

157 3 0
                                    

Kabanata 2

Nagmadali akong bumalik ng classroom at taglay ang ngiti sa aking labi. Naguumapaw ako sa tuwa dahil mukhang inaayunan ako ngayon ng tadhana. At sa tingin ko'y hindi na ako guguluhin no'ng babaeng iyon.

Pagpasok ko sa room ay nadatnan kong nagsisilabasan na ang iba kong mga kaklase. Samantalang bumungad naman sa aking harapan si Adrien na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Tapos na ang klase?" Tanong ko kahit nahalata ko naman na.

"Ano pa nga ba, Pre? Saan ka bang CR pumunta, umuwi ka pa ba sa inyo? Pambihira, kala ko kinaain ka na ng inidoro sa sobrang katagalan mo." Aniya.

Alam ko nang sesermonan niya ako. Dinaig pa nga niya si Dad, e.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Ganito kasi ang nangyari, Ad-"

"Pabalik ka na sana ngunit may humarang na naman sa iyong babae at kinulit ka na naman, tapos ang ending nagka-amnesia ka ulit? Tama ba?" Sabi niya sabay ngumisi ng nakakaasar.

I nodded. "Ganoon na nga, pero iba ito dahil totoong hindi ko siya kilala. Hindi ko pa nga nakikita 'yong babaeng 'yon. At never ko siyang pinatulan at papatulan!"

"Sus! Huwag ako, pre. Alam na alam ko na ang mga ganyang linyahan mo. Motto mo na kumbaga. E, kahit puno basta't sinuotan ng wig at palda, walang anu-ano papatusin mo. Haha!" Pangaasar niya.

"Alam mo, Pre? Ang sama mo sa akin. Masyado mo naman akong pinapasama ng sobra. Daig ko pa ang kriminal sa iyo, e."

"Nako! Kung krimen lang ang pagiging playboy? Malamang nakakailang labas-masok ka na sa kulukan."

"Pero alam mo bang naisahan ko iyong babaeng mukhang bisugo kanina? Haha, buti na lang at hindi ako minalas ngayon." Proud na proud pa ako habang nagsasalita.

"Oh, ano namang kalokohang ginawa mo at naisahan' mo 'yong sinasabi mong babae kanina aber?"

Umupo muna kaming dalawa at Kinuwento kong lahat sa kanya ang mga pangyayaring naganap kanina.

Muli niya akong pinagtawan at hinampas ako sa aking tagiliran. "Magaling ang naisip mo, huh? Buti na lang at hindi ka sinuntok at sumakay pa sa siya kalokohan mo?"

"Hindi ko din naman inaasayang makikisama siya sa akin. Hindi lang tagala ako malas ngayong araw, isipin mo Pre ha, pati ata tadhana nakikiayon na sa akin ngayon. Haha." Pagmamayabang kong tugon.

"Para atang nagkakamali ka, Baste. Mukhang hindi uso sa iyo ang salitang 'Suwerte'."

"What do you mean?"

"Pinapatawag ka ni Mrs. Aquino sa kanyang office."

"Bakit daw ako pinapatawag?" Kinakabahan kong tanong.

"Hindi ko alam ang dahilan. Pero sa tingin ko? Malabo atang ipapasa ka niya kaya humanda ka na. Ang dami mo na kayang na-missed sa subject niya." Sagot niya.

Patay. Ang ngiting nakaguhit sa aking labi ay mapapalitan ng pait.

"Hindi ako noon ibabagsak dahil bayad na ako sa tuition ko. Full pa nga, e. Kaya malabo ata ang tingin mo. Kailangan mo nang magpasalamin."

"Nakuha mo pa talagang magbiro. Hoy! Baka nakakalimutan mong college na tayo  at hindi na high school para ipasang-awa. Kahit bayaran mo pang lahat ang tuition ng mga estudyante dito, kung bagsak ka, bagsak ka."

"Anong gagawin ko?"

"Edi puntahan mo na si Mrs. Aquino para malaman mo!"

"Pre? Kung ikaw na lang kaya ang kumausap?"

"Pambihira ka naman talaga! Gusto mong isumbong na talaga kita kay Tito?" Pananakot niya.

Oo nga pala, kapag nalaman na naman ni Dad na may bagsak na naman ako, baka pabalikin na naman niya ako sa America at ayokong mangyari iyon. Ayoko nang mamalagi doon, lalo lang akong magpagiisa.

Maya-maya lang ay hindi ko na pala namamalayan na natulala na ako kaya naman binatukan ako ng napakalakas ng kontrabida kong kaibigan.

"What the hell, Ad! Bakit bigla bigla ka na lang namamatok!?" Sigaw ko sa kanya.

"Ano ba dapat? Nagpaalam ba muna ako?" Pangaasar pa niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Sorry, Pre. Ginawa ko lang naman iyon dahil lumilipad ang isip mo." Aniya. "Tsaka, puntahan mo na si Mrs. Aquino." Dagdag niya.

"Oo basta't dumaan muna tayo sa cafeteria. Gutom na ako." Aniko.

Tumango siya at tuluyan na kaming lumabas ng room.

"Oh, saan tayo pupunta? Akala ko ba sa cafeteria?" Nagaalangang tanong niya nang umiba ang daang tinatahak namin.

"Sa CR. I need to pee." Tugon ko.

Narinig ko ang ipit niyang pagtawa. "Pff! Kagagaling mo lang 'di ba? CR Boy." Aniya ngunit hindi ko na lang pinansin dahil sa naninikip kong pantog. 

Saglit lang ako sa CR dahil baka may ma-encounter na naman akong kung sino at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung nagkataon man.

Paglabas ko ay nilapitan ko na si Adrien na nakatayo sa hindi kalayuan. Nagsimula na kaming maglakad at nagtungo na sa cafeteria. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok pero batid ko nang maraming estudyante ang nasa loob. Crowded kaya parang nakakatamad nang bumili.

Inakbayan ako ni Adrien at sinimulan na naming pumila upang umorder ng aming kakainin. Hindi kami nagtagal sa loob ng cafeteria dahil kailangan kong pumunta sa faculty ni Mrs. Aquino.

"Mr. Garcia, ako'y suko na sa iyo. Wala akong pakialam kung anak ka man ng kung sino. Kolehiyo ka na, hindi ka na elementary o 'di kaya ay high school. Grow up, mag seryoso ka naman sa pagaaral." Ani Mrs. Aquino na ngayon ay sinesermonan ako sa loob ng kanyang faculty.

"Bibigyan kita ng tutor. He's a 4th year student at talaga namang magaling siya. Nakausap ko na siya tungkol dito. Bukas na bukas ay papakilala ko na siya sa'yo para makapagsimula na kayo sa lalong madaling panahon."

Tumango tango na lang ako kahit hindi ako interesado sa mga pinagsasasabi niya. Lumabas na ako sa kanyang faculty at nagtungo sa susunod kong klase.

"Talaga? Bibigyan ka ng tutor ni Mrs. Aquino?" Hindi makapaniwalang tanong ni Adrien nang i-kuwento ko sa kanya ang paguusap namin kanina ni Mrs. Aquino.

Tumango ako. "Tsk. Oo."

"Pero bakit parang hindi ka masaya? 'Di ba dapat natutuwa ka dahil may magtu-tutor sa'yo? Malay mo makatuluyan mo pa ang tutor mo."

Mas lalong akong na frustrate nang maalala ko iyong sinasabi kanina ni Mrs. Aquino. "Lalaki ang tutor ko, hindi babae." Paglilinaw ko sa kanya.

"Kaya ba malungkot ka?" Aniya sabay halakhak. "Bakit ka pa kasi nag accounting kung hindi naman pala ito ang gusto mong kurso?"

"Ito ang gusto ni Daddy na kuhanin kong kurso. Alam mo naman si Dad, lagi na lang nasusunod. Kung susuwayin ko siya, malamang ipapatapon niya ako sa America. Ayoko doon!" Aniko.

"Kaya kung ako sa'yo, mag seryoso ka sa pagaaral. Alam kong nakakasira ng ulo itong accounting pero no choice ka."

Napasabunot ako sa aking ulo. "Shit! Ni hindi ko nga ma-identify kung sa assets, liabilities or equity ba ilalagay. Basta ang cash sa assets pero iyon lang ang alam ko! Baka mas mauna pang magpantay ang paa ko bago ako makapag-balance."

"Don't worry, Sean. May tutor ka na. Siya na ang bahala sayo, iyon ay kung makakaya at mapagtiyagaan ka niya? Sa sobrang gago mo malamang sumuko na iyon wala pang ilang minuto. Haha!"

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon