Kabanata 24
"What?" Para akong nabingi sa sinabi niya.
"What did you say, Evo?" Tanong kong muli dahil hindi sinagot ang una kong tanong.
"We're not for each other. We cannot be together. Hindi tayo maaring magmahalan because-"
"Because what? Dahil pareho tayong lalaki? Shit, I don't even know what is my sexuality right now. I mean, kissing you was actually one of the things that made me realize I don't like kissing girls."
"Hindi tayo pwede." Paguulit niya.
"Bakit nga?! Tell me why? Anong dahilan bakit hindi tayo pwede?"
Huminga siya ng malalim. "Ayokong masaktan ang kapatid ko. She loves you. Hindi ko kayang saktan siya."
"So, iyon ang rason ng pag-iwas mo sa akin? Nilalayuan mo ako dahil ayaw mong masaktan ang kapatid mo?"
"She loves you."
"I don't care!"
"I want you to love my sister back."
"What the fuck, Evo! Ikaw ang gusto ko! At alam kong gusto mo din ako!"
"Please, Sean. Hindi ko magagawang saktan ang kapatid ko. I will do anything to make her happy."
"Kahit na kaligayahan mo ang kapalit? Kaligayahan natin ang kapalit? I'm sure naiintindihan naman niya kung anong meron sa atin. Sasabihin ko sa kanya na ikaw ang gusto ko."
"No, don't do that. Ayokong masaktan siya, ayokong magalit siya sa akin, sa atin."
"What about me? What about us?"
"Stop loving me, then. I know you're just confused right now. Mawawala din iyang nararamdaman mo sa akin."
"Sa tingin mo ganoon lang kadali iyon? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, Evo. Sa iyo ko lang naramdaman ang lahat ng ito kaya masakit at mahirap para sa akin ang gusto mo. If I said I love you, I really mean it. Now, tell you love me too."
Hindi siya sumagot. Iniiba niya ang usapan tuwing tinatanong ko kung mahal niya din ba ako.
"Kaya mas makakabuti kung hindi muna tayo magkita, nang sa gayon ay makalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin."
"I can't believe na natitiis mo ako ng ganito. Mahirap bang sabihin na gusto mo din ako? Mahirap ba sa'yong aminin iyon? Fine, I'll let you avoid me, you can ignore me all you want pero hindi kita titigilan. Hindi kita susukuan." Sabi ko.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na siya. Nagtungo na ako sa parking lot at sumakay na sa kotse ko. Mabilis ko itong pinaharurot
Pagdating ko sa kwarto ay winaras ko ang bag ko kung saan. Hinagis ko din ang sarili ko sa kama at pinagsusuntok ito.
Naalala ko ang sinabi niya noong nasa tagaytay kami na gagawin niya ang lahat para sa kapatid niya. Ito na iyon. Nakakalungkot isipin na mas uunahin niya pa ang kaligayan ng kanyang kapatid kaysa sa sarili niya. Oo naiintindihan ko siya, alam kong mahal na mahal niya si Belle subalit kung ipagpapatuloy niya ito, lahat kami masasaktan at mahihirapan. Baka lalo lang lumala ang sitwasyon.
Sa sumunod na araw ay hindi ko nakita si Evo maghapon sa school. Talagang pinanindigan niya ang pag-iwas at paglayo sa akin kaya naman wala akong kagana gana sa buong maghapon na iyon.
Nagtataka na din si Adrien sa mga ikinikilos ko. Nakakailang tanong na din siya kung ano bang problema ko. Ewan ko ba pero tuwing nagtatanong siya ay lagi niyang binabanggit ang pangalan ni Evo na para bang may gusto siyang patunayan. Siguro'y nakakahalata na siya. Kilala ko si Adrien, pagdating sa akin ay malakas ang tamang hinala niya kaya wala akong kawala sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Love Like Ours (BoyxBoy)
Roman pour AdolescentsBaste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as a playboy. He is inconsistent, he's too confident about himself, he isn't the marrying type, becaus...