Kabanata 26
"Kumusta ang oplan selos?" Ngiting aso ni Adrien sa akin.
Busangot akong humarap sa kanya. "Useless. Ako ang nagselos, hindi siya."
"Baka naman kasi hindi sapat ang mga ginawa mo para magselos siya. Baka kulang."
"Hindi ko alam. Hindi niya masagot sagot ang tanong ko kung gusto niya din ba ako. Pinagpipilitan niya na ang kapatid niya ang para sa akin at hindi daw kami ang para sa isa't isa."
"Kaya hindi niya masagot, kasi gusto ka din niya. Siguro para sa kanya, kapag umamin siya ay parang sinaktan na din niya ang kapatid niya. Mas iniisip niya iyong kapakanan ni Belle kaysa sa sarili niya. 'Di bale nang masaktan siya, huwag lang ang kapatid niya."
"Ngunit ako din nasasaktan at nahihirapan."
"Bakit sa tono nang pananalita mo, parang sumusuko ka na agad?" Aniya.
"Eh anong gagawin ko? Mukhang hindi kayang ipaglaban ni Evo ang kanyang sariling kaligayahan. Mas mahal niya ang kapatid niya kaysa sa akin kaya wala akong laban doon."
"Eh ikaw? Kaya mo bang pakawalan si Evo nang gano'n gano'n na lang? Ngayon lang kita nakitang seryoso ng ganito. Ang Sebastian Angelo na kilala ko ay hindi basta basta sumusuko dahil lahat ng gusto niya, nakukuha niya."
Hindi ko kayang pakawalan si Evo. Mahal ko siya, ang taong gusto ko ay dapat nakukuha ko. Kung hindi niya kayang ipaglaban ang pagmamahal niya sa akin, puwes ako ang gagawa ng paraan.
Sa sumunod na araw ay niyaya ako ni Adrien na pumunta sa kanila upang maglaro ng mobile games. Nagkainuman kami ng konti. Sa paraan na iyon ay medyo nalilibang libang ako.
Belle:
Hi, Sean. I miss you na. Btw, Kuya insisted on sending you an invitation kaya ako na lang ang mag i-invite sa'yo para sa dinner at 6pm tomorrow. I am hoping na makapunta bukas dahil may special announcement sina Kuya at Ate Trixie.
Iyon ang nabasa ko sa text ni Belle sa akin. Special announcement?
"Baka naman sasabihin na mag jowa na sila ni Trixie."
Bumusangot ang mukha ko. Shit, hindi maari.
"Pero malay mo naman hindi naman pala iyon ang sasabihin nila, baka may iba pang announcement. Kaya dapat pumunta ka bukas para malaman mo ang totoo."
"Ayaw nga akong makita ni Evo."
"Si Belle naman ang nag invite sa'yo eh. Tsaka kunwari hindi naman siya ang gusto mong makita kung 'di iyong kapatid niya. Ikaw na bahalang dumiskarte. Ang mahalaga magawa mo pa din iyong plano natin, i-level up mo na lang para naman magising na iyang si Evo sa katotohanan."
Nakauwi na ako kinabukasan dahil inabot na kami ng umaga sa paglalaro ni Adrien. Natulog ako ng tanghali kaya halos napabalikwas ako ng bangon nang makita kong mag a-alas sais na ng gabi.
Nagmadali akong naligo at nag-ayos ng sarili. Kung ano na lang ang makita ko sa cabinet ko ang aking sinuot dahil wala nang oras para mamili pa. Alas sais y media na nang makaalis ako.
Nakusot lang ako ng simpleng polo shirt na puti, maong pants at rubber shoes. Dahil sa traffic, nakadating ako ng pasado alas siete na. Kung motor lang ang dala ko malamang kanina pa ako nakarating.
Kinakabahan akong pumasok sa loob ng kanilang bahay. Hinatid ako ng kanilang kasambahay papasok. Pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ni Belle ng mahigpit na yakap.
"Thank God dumating ka na, Sean. Nagsisimula nang kumain sina Kuya. Let's go," Aniya.
Hila hila niya ang kamay ko papunta sa dining. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon. Pagdating namin sa dining ay tumama agad ang mata ko kay Evo. Alam kong katabi niya si Trixie ngunit wala akong pakialam sa kanya at tila hindi siya nage-exist.
BINABASA MO ANG
A Love Like Ours (BoyxBoy)
Teen FictionBaste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as a playboy. He is inconsistent, he's too confident about himself, he isn't the marrying type, becaus...