Simula
"Babe!" Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong hallway.
Nagkibit balikat na lang ako sa aking narinig. I need to pee. Kanina ko pa ito pinipiit at talagang sasabog na ang aking pantog.
"SEAN!" Napatalon at halos madapa ako sa aking paglalakad dahil sa malakas na pagtawag sa pangalan ko.
Agad naman akong napalingon dahil sa boses na aking narinig.
"Do I know you, Miss?" Pagpapa cute kong tanong sa babae na nasa aking harapan ngayon.
She laughed. "Uhm... I think so? Ganoon ka ba kabilis makalimot? I'm Belle, remember?"
Pinanliitan ko siya ng mata. I'm so confused. "Belle?" She nodded. "Sorry pero hindi kita matandaan." Sabi ko dahil totoong hindi ko siya mataandaan o maalala.
"Ohh...come on, Babe. Don't be shy. You said that I'm a good damn kisser right? I'll never forget what you've said at alam kong ganoon ka din naman sa akin." Sabi niya sabay lingkis sa aking braso.
"Shit." Bulong ko sa aking isip.
Wrong timing naman oh! I really need to pee and I can't control this anymore. Tumingin ako sa babaeng nakapulupot sa akin. She's beautiful and sexy at hindi ko iyon maikakaila pero hindi na ako interesado sa kanya at wala na akong panahon para siya'y bigyang pansin.
"Uhmm... Bye, I need to go." I said at tinanggal ang naka lingkis niyang kamay sa aking braso.
"Hey, Wait! Where are you going, babe? Can I come with you? Wala pa naman akong klase." She said.
"Pupunta akong CR." Sagot ko. Siguro naman hindi na siya sasama pa.
"I can come with you pero hindi hanggang loob. So, I'll wait you na lang sa labas. Let's go?" pagyaya niya.
Nanlaki ang mata ko. At talagang hihintayin niya ako? Ibang klase! Napakamot ako sa aking ulo at iginala ko ang aking mata sa buong hallway at tamang tama nang makita ko si Adrien.
Kung sinu-swerte nga naman oh. Nagkatinginan kami mata sa mata. Kinunotan niya ako ng noo samantalang pinanlakihan ko siya ng mata at tinuro ko sa kanya iyong babaeng nakalingkis sa akin gamit ang aking nguso. Mukhang alam na niya ang dapat niyang gawin.
"Woy, Pre! Where have you been? We're late. Kanina pa kita hinahanap dahil magsisimula na ang klase." Ani Adrien nang lapitan niya ako.
Ngumisi ako ng marahan. "A-ahh, ganoon ba?" Pagsakay ko sa kanyang sinabi.
Hindi ko na nagawang magpaalam dito sa babaeng nag ngangalang Belle dahil lumapit na ako nang tuluyan kay Adrien at siya'y aking hinila papunta sa aming classroom.
"Thank god, pre at dumating ka! Kung hindi? Nalintikan na." Sambit ko sabay apir sa kanya.
Humagalpak siya ng tawa at ako'y kanyang hinarap. "Mukhang sumabit ka na naman ah?"
"Ganoon na nga."
"Nice one, Baste! Mukhang iba pa iyon sa kasama mo kahapon ah. Iba ka talaga. Haha."
"Well...Ganoon talaga." Sabi ko sabay ngisi ng nakakaloko.
"Demonyo ka talaga. Hindi ka man lang ba magsasawa sa pagiging player mo pagdating sa mga babae? You're a real casanova, Baste." aniya sa akin.
Iyan ang araw araw niyang sinasabi sa akin at talagang nakasanayan ko na.
"Iyong totoo, nag-aral ka lang ba para lang mangisda at manghuli ng mga babae? Tapos gusto mo pang ibat ibang putahe kada araw. Isipin mo ha? Kahit isa man lang wala ka pang sineryoso."
"Pre...hindi ko naman kasalanan kung ipinanganak akong gwapo. Tsaka sila naman iyong lumalapit at nagpapakita ng motibo sa akin."
"Sus! Rason pa. Alam mo, hindi na ako magtataka kung isa't isang araw maka-karma ka sa ginagawa mo. Baka may kalugaran ka, kaya tigil tigilan mo na iyang katakawan sa babae."
Natigilan ako. May point naman talaga ang sinasabi niya sa akin at talagang makabuluhan ang lahat ng iyon ngunit....alam niyo iyon? Tuwing sinasabihan niya ako ay parang wala lang. Papasok sa aking tainga at lalabas din sa kabilang tainga. Hindi ko na maalis sa akin dahil consistent na ako sa pagiging ganito. Sa babae lang talaga ako inconsistent.
Hindi ko alam kung bakit at anong rason. Basta may hinahanap akong hindi ko mahanap hanap.
"Oh ano? Hindi ka talaga tinatablan ng words of wisdom ko? Bahala ka pre."
"Palibhasa kasi may jowa ka na. Eh ako? Wala."
"Ang hirap kasi sa iyo, lahat ng putahe gusto mo nakahain sa iyo, pagkatapos lahat gusto mong lantakan. Siguro kung sports ang pagiging playboy? Hindi lang pang international ang mararating mo, baka malampasan mo pa pati ang universe. Haha." Banat niya.
"Whatever, Adrien. Basta ako? Ie-enjoy ko lang ang buhay single ko."
"Sige lang enjoy mo lang iyan, sa ngayon. Sinasabi ko sa iyo Player Sebastian Angelo Garcia. Makakahanap ka din ng makakatapat mo bahala ka."
"Makakahanap ako ng makakatapat ko? Really huh? Hmm, let's see. Hindi ko siya uurungan baka jowain ko pa siya. Tsaka walang babaeng umaatras sa akin pati straight kaya kong palambutin at gawing bakla." Medyo maangas at may pagmamayabang kong sagot.
Muli lang niya akong tinawanan at tinapik sa aking balikat. "Baka sarili mong tinuran, kainin mo. Kung maloko ka, mas maloko ang tadhana."
Maloko ang tadhana sa akin? Pwes, makikipaglokohan ako. Wala akong inuurungan, wala akong aatrasan. Kahit sino pang poncio pilato iyan, wala akong pakialam. Si Sebastian Angelo ata 'to!
BINABASA MO ANG
A Love Like Ours (BoyxBoy)
TeenfikceBaste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as a playboy. He is inconsistent, he's too confident about himself, he isn't the marrying type, becaus...