Kabanata 32

43 1 0
                                    

Kabanata 32

"Birthday mo na sa isang araw, anong plano mo?" Tanong ni Adrien pagkatapos naming maglaro.

"As usual, edi wala!"

"Pambihira, magpainom ka naman! Kahit ako na ang sagot sa pulutan."

"Oh siya, pagiisipan ko."

"Pambihira, bakit pagiisipan mo pa? Bakit ba parang wala lang sa'yo ang birthday mo?"

Hindi ko din alam kung bakit. Simula kasi noong mawala si Mom, hindi na katulad ng dati ang kaarawan ko. Para bang ordinary day na lang siya, parang christmas at new year. Parang hihintayin mo na lang lumipas yung araw na iyon dahil wala ka namang kasama.

"'Di ba last year nasa america ka? Doon ka pa nga nag celebrate sa mga tita mo?" Aniya.

"Pero sila lang naman ang masaya noon. Parang sila iyong may birthday. Ako nagkulong lang sa kwarto." Sagot ko.

Nasira kasi iyong araw ko noon dahil hindi man lang ako naalalang batiin ni Dad. Iyon bang naghihintay ka na batiin ng taong mahal mo pero kahit sa text wala kang natanggap. Doon ko lalo naramdaman na nagiisa ako, na magisa ako.

Hindi na ako nagpagabi kina Adrien. Nagpaalam na agad ako sa kanya at napagdesisyunan ko nang umuwi.

Kinabukasan ay araw ng biyernes, simula kagabi ay wala pang text akong natatanggap mula kay Evo at hindi ko alam kung bakit. Kinakabahan ako na parang gusto ko siyang puntahan agad.

Katatapos lang ng klase. Nagmamadali akong maglakad upang puntahan sana si Evo sa kanyang classroom nang makasalubong ko si Belle sa hallway.

Lilihis sana ako ng daan para makaiwas sa kanya ngunit may matang lawin nga pala siya pagdating sa akin kaya nakita niya ako agad.

"Sean!" Tawag niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Where are you going?"

Takte, sasagutin ko ba siya na pupuntahan ko ang kuya niya? Bahala na.

"Sa kuya mo. Magpapaturo sana ulit ako e."

"Oh, really? Sayang wala pa naman si kuya ngayon."

"Ha? What do you mean?"

"He's absent. May aasikasuhin daw siyang importante at hindi ko alam kung ano iyon."

Kumunot ang noo ko. May aasikasuhin si Evo na importante? Ano kaya iyon? Baka iyong thesis nila? Pero bakit wala man lang siyang sinabi sa akin na aabsent siya ngayon? Tsk.

"I see," Aniko. Tatalikuran ko na sana siya nang pigilan niya ako.

"Uhm, Sean? May tatanong lang sana ako?"

"Tungkol saan?" Iritado kong sagot.

"About kuya, may kakaiba sa kanya ngayon. Kahit kasi busy siya sa mga school works niya, hindi siya umaabsent at mas lalong hindi iyon nakikitulog sa ibang bahay. I think, he's hiding something."

"What are you trying to say?"

"Sa tingin ko, hindi lang school works ang pinagkakaabalahan niya. Malakas ang kutob ko na may girlfriend na siya kasi may password na ang cellphone niya, dati naman wala."

"Iyon ang basehan mo?" Tanong ko.

"Of course! Siguro kaya absent si kuya ngayon, nakipagkita iyon sa babae niya! Gosh, I don't think na si Ate Trixie iyon and I feel sad for her."

"Walang babae si Evo!" Tumaas ang boses ko.

"Ganyan naman kayong mga lalaki, mabilis magsawa at mabilis makalimot. Katulad mo, Sean. Ginamit mo lang ako. Pinaglaruan at tinapon na lang basta kasi nagsawa ka na."

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon