Kabanata 10

81 2 0
                                    

Kabanata 10

Hindi ako makagalaw sa aking kitatayuan. At hindi ko din alam kung lilingunin ko ba siya.

"You're finally here! Kanina pa ako naghihintay dito!" Reklamo nitong babaeng nasa harapan ko.

Nakakairita ang kaartehan niya.

Napansin kong naglakad si Belle sa may likuran ko.

"Who's that guy? Bakit mo siya kinakausap?" Narinig kong tanong ni Evo sa hindi kalayuan.

Tila hindi ako pamilyar kay Evo. Dahil siguro nakatalikod ako at malayo ako sa kanya. Malabo pa naman ang mata niya.

"Oh my god! This is it! Today is the perfect day para ma meet mo na siya...."

"SEAN!" Tawag sa akin ni Belle.

Walang pagaalinlangan akong lumingon. Hinarap ko silang dalawa. Agad na napansin ko ang nakapulupot na kamay no'ng Belle sa braso ni Evo. 

"Sean?" Hindi makapaniwalang tanong ni Evo nang makita niya ako.

"Kilala mo siya, Kuya?"

Kumunot ang noo ko. Kuya?

"Kuya?" Tanong ko.

"Yeah, he's my brother." Sagot niya sa akin. "Magkakilala kayo?"

"Yes. I'm his tutor." Si Evo ang sumagot sa tanong ng kanyang kapatid "Kayo, magkakilala ba kayo? Kilala mo siya?" Tanong niya dito.

"Of course kilala ko siya, Kuya! Siya iyong kinu-kwento kong crush ko na gusto kong ipakilala sa'yo."

Crush? Seryoso siya? Crush niya lang ako sa lagay na ito? Unbelievable!

Nakatingin sa akin si Evo ng seryoso. Titig na titig siya. Nag-iba din ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tila hindi siya masaya.

"So, magkakilala na din pala kayong dalawa? Gosh! I'm so happy!" Galak na galak siya. Tsk! "And I can't believe na siya pala iyong kinu-kwento mong tinu-tutor mo na super good looking guy!? You're right kuya, Sean is super handsome!"

Kinu-kwento ako ni Evo sa kanyang kapatid? Sinabi niya din na good looking ako? At hindi lang good looking, super good looking pa! Pero teka, bakit natutuwa ako doon? Ang babaw ko naman kung ganoon.

Panandaliang nanaig ang katahimikan. Kitang kita ko ang mata ng magkapatid na nakatingin sa akin na para bang nagpapaligsahan sa pagtitig sa akin.

"Let's go, Belle-" Pambasag ni Evo sa katahimikan.

She rolled her eyes. "Fine, kuya. Bye, Sean-"

Biglang pinutol ni Evo ang sasabihin ng kanyang kapatid. "I said, let's go!" Tumaas ang boses niya.

Hinila ni Evo si Belle papunta sa kotse niya. Kumakaway pa ito habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Bago pa man sila makapasok sa sasakyan ay biglang hinarang ni Evo ang kanyang sarili sa kanyang kapatid upang hindi ako nito makita.

Nagtungo na ako sa aking sasakyan nang mapansin kong ako na lang mag-isa ang nakatayo dito sa gitna ng daan. Agad akong pumasok sa loob at pinaandar ko na ang kotse.

Binato ko ang aking bag sa sahig ng aking kwarto nang makadating ako sa bahay. Pagkatapos ay binagsak ko naman ang aking sarili sa kama ko. Ang bigat ng mga mata ko dahil wala pa akong tulog simula pa kagabi.

Napatulala ako sa kisame, naalala ko ang mukha ni Evo kanina. Bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. Tila ba hindi siya masaya nang malaman niya na ako ang kinababaliwan ng kanyang kapatid.

Siguro dahil hindi niya ako gusto para sa kapatid niya. Well, hindi ko din naman gusto ang kapatid niya. It's a tie.

Kinabukasan, maaga akong pumasok. Nakatulog ako ng maayos kagabi kaya hindi ako na-late ng gising.

A Love Like Ours (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon