Kabanata 5
SEAN'S POV
Umuwi ako sa bahay pasado alas otso ng gabi. Kumain na kasi kami ni Adrien sa labas. Ngayon ay nakatunganga ako kay Daddy na palakad lakad sa aking harapan. Hindi siya pumunta dito para kumustahin ako, pumunta siya rito para sermonan ako.
"Sebastian Angelo, you clearly haven't learned your lesson! How many times do I have to tell you na college ka na at hindi na elementary!? Hindi na uubra ang salapi natin para lang makapasa ka!" I always got scolded by him kaya sanay na ako.
"Alam mo bang hindi lang isang Prof ang nagrereklamo sa akin dahil sa'yo? Lahat sila problema ka! Lagi kang late, kung hindi late ay kung nasaang lupalop ka para maghagilap ng iba't ibang babae na paglalaruan at lolokohin mo."
Kung saan saan ako tumingin at nag kunwaring walang pakialam sa kanyang mga sinasabi.
"Noong unang linggo mo pa lang diyan sa school na iyan ay nahuli ka nang may kahalikan. Pati mga babae mo ay ginugulo ako dahil kinukulit ka nila sa akin."
"Noong sumunod naman ay nakipag away ka at halos mapatay mo pa ito. Gusto ka pang idemanda ng magulang noon pero mabuti na lang at na areglo ko."
Hindi ko siya inintindi. Pinagpatuloy ko pa din ang paglingon lingo sa kung saan para makaiwas sa sermon niya.
"You heard me but you're not listening to me, Sean. Hinahamon mo talaga ako? Fine, ipapatapon kita sa America. Doon ka sa mga Tita mo para madala ka. Doon, hindi ka makakaganyan at paniguradong magtitino ka."
My eyes widened kaya bigla akong napalingon kay Dad nang sabihin niya iyon. "But, Dad-"
"Iyon ang sa tingin kong nararapat sa'yo para magtino ka." Dad cut me off.
"Dad, I promise, magbabago na ako. Magaaral na akong mabuti 'wag mo lang akong ipatalsik sa America."
"Ilang beses mo nang nasabing magbabago ka na at magaaral ka na ng mabuti, pero ano? Puro ka lang usap, puro ka lang pangako. Huwag kang puro salita, gawin mo!"
"Dad, alam mo namang hindi ito ang gusto kong kurso 'di ba? Hindi mo ba alam na nahihirapan ako? Puro na lang ikaw ang nasusunod-"
Muli niyang pinutol ang sasabihin ko. "Of course! Dahil alam ko kung anong mas makabubuti sa'yo. Sundin mo na lamang ako, balang araw ay mapagtatanto mo na nasa tamang direksyon ka ng tinatahak. Lahat naman natututunan. Hindi ka mahina, Sean. Matalino ka, sadyang tamad ka lang."
"Nga pala, batid kong may magtu-tutor sa'yo. Nawa'y matuto ka sa kanya at huwag mo siyang bibigyan ng sakit ng ulo."
Tungkol nga pala doon sa magiging tutor ko. I still can't believe na iyong lalaking pinakilala ko na peke kong boyfriend ay siya palang magiging tutor ko. Nakakatawa lang isipin na napakiliit pala talaga ng mundo.
Sana'y mapaintindi niya sa akin ng husto ang mga nakakahilong lessons na nagpapasakit sa aking ulo. Sana'y matuto ako sa kanya kahit papaano. At tsaka sana, hindi niya ako sukuan.
Pumasok ako sa school kinabukasan. Wala namang pinagbago dahil late pa din ako. Pero at least late lang ako ng 20 minutes para sa una naming subject.
"Sean!?" Muling umalingawngaw ang boses ng isang babae na pamilyar na sa aking tainga.
Agad akong napalingon sa aking likuran. Shit! Siya na naman? Mabilis akong naglakad para siya'y takasan ngunit sadyang mabilis siya kaya't naabutan niya ako. "I knew it! Ikaw nga!" Aniya.
Napakamot ako sa ulo nang dahan dahan ko siyang hinarap. "Iniiwasan mo ba ako?"
"Isn't it obvious?" Pamimilosopo kong tugon.
BINABASA MO ANG
A Love Like Ours (BoyxBoy)
Novela JuvenilBaste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as a playboy. He is inconsistent, he's too confident about himself, he isn't the marrying type, becaus...