Kabanata 11
Nasa loob kami ngayon ng cafeteria ni Adrien para bumili ng bottled water. Katatapos lang ng P.E. class namin at ito na ang last subject namin ngayong araw. Actually, P.E. lang ang namumukod tangi kong subject na wala akong absent.
"You know what, Pre? Kahit halos mapatay mo na iyong pinsan ko, lagi ka pa din niyang kinukusmusta sa akin." Aniya.
Hindi ko inintindi ang sinabi niya. Hindi ako interesado lalo na't tungkol ito sa gago niyang pinsan.
Mabuti na lang at dalawa ang gymnasium dito sa campus kaya hindi ko siya nasilayan habang nag te-training.
"Tinatanong ko siya kung ano bang naging atraso niya sa'yo ngunit hindi niya ako sinasagot. Kahit ikaw hindi mo ako masagot kung bakit ka galit na galit sa pinsan ko, e okay naman kayo dati. Lagi ka ngang nasa kanila 'di ba? Ano bang nangyari sa inyo?"
Hindi ko na kayang balikan ang mga pangyayari noon. Tuwing naalala ko ang nangyari ay hindi ko mapigilang hindi manggalaiti sa galit.
"Basta, mahabang kwento. Tsaka ko na lang isasalaysay sa'yo kapag kaya na ng sikmura kong mag kwento. Baka hindi mo masikmura ang ginawa sa akin ng pinsan mo." Aniko.
Hindi na siya nakasagot. Nagtungo ako sa CR upang magpalit ng t-shirt. Basa kasi ng pawis iyong P.E. shirt ko dahil sa ginawa namin sa P.E. class kanina.
"Uuwi ka na, Baste?" Tanong ni Adrien.
"Oo-"
"Ah, sabagay wala namang magtu-tutor sa'yo."
Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?"
"Wala si Evo. Maaga daw umuwi sabi ng ka team niya. Hindi ka ba na-inform ng tutor mo?"
Sa totoo niyan ay hindi ko alam na wala na dito si Evo sa campus. Ibig sabihin hindi siya nag training ngayon? Siguro nga'y hindi. Kanina lang ay nag text siya sa akin. Pinaalala niya iyong usapan namin kahapon na pupunta ako ngayon sa kanila. Ayoko mang sumipot at pumunta sa kanila ngunit nakapangako na ako. Tsaka siya naman ang nag-imbita sa akin kaya nararapat ko lang siyang paunlakan.
"Ah, alam ko naman, kaya nga uuwi na ako." Aniko na lang.
"Nice! Tara sa bahay? Laro tayo?!"
"Ha? Hindi pwede, pre. May pupuntahan ako e." Pagsisinungaling ko.
"Sige, pre."
Tinanguan ko siya. Nagtungo na ako sa parking lot at sumakay na sa aking kotse. Nagsimula na akong magmaneho, muli kong timingnan ang address na binigay sa akin ni Evo. Isang village sa makati. Alam ko ang village na ito dahil dito din nakatira iyong gagong pinsan ni Adrien.
Mahigit isang oras din ang tinagal ng biyahe dahil sa traffic. Madilim na ang langit at kunukulo na ang tiyan ko sa gutom. Pumasok na ako sa loob ng village. Nakakatawa pa nga dahil kilala pa din ako ng guard dito.
Tumigil ang sasakyan ko nang tumapat ako sa kanilang bahay. Bumusina ako para iparating na nandito na ako. Ilang saglit lang din ay bumukas ang gate kaya nakapasok na ako sa loob.
"Hello po, Sir. Nandito na ho pala kayo. Hinihintay na po kayo ni Sir JC sa loob." Sinalubong ako ng isang kasambahay pagkababa ko sa kotse.
Kumunot ang noo ko. Sinong JC? Si Evo ba iyon?
Sinundan ko iyong kasambahay papasok sa loob nitong mansyon. Mayaman din pala sila at hindi naman iyon lingid sa akin.
Dinala ako ng kasambahay sa may dining area at doon ko naabutan si Evo na naghahanda ng pagkain. Nakasuot siya ng apron habang nilalagay ang platong may laman na ulam.
BINABASA MO ANG
A Love Like Ours (BoyxBoy)
Teen FictionBaste Garcia is a college freshman. He is excited to start his university life to find his ideal girl of his dream. His friend Adrien, defined him as a playboy. He is inconsistent, he's too confident about himself, he isn't the marrying type, becaus...