Isang OFW caregiver si Selena Matabungkay taga probinsya siya.Dahil sa mahirap ang buhay niya sa bansang dubai.Naisipan niyang tanggapin ang offer sa isang mayaman sa Manila.Di niya alam kung gaano kayaman pero ayaw na niyang bumalik ng Dubai.Sabi ng mga magulang niya mag asawa na daw siya.Para di na siya mahirapan pa sa pang araw araw na pamumuhay.Half German dog daw siya dahil nabuntisan ang Inay niya ng German Sheperd daw.Binuntisan pero binasura lamang.2 years graduate lang sa TESDA pa si Selena bilang isang caregiver nga.Totally isang pulubing dalaga siya.Looks lang pinagmamalaki lang yata niya.Sa dubai din binabastos din siya ng amo niya.Di siya pumayag na gagawin kabit.Ang motto niya ok lang mamatay na matandang dalaga wag lang siya maging kabit.Nagbus lang siya dahil sa Tarlac lang naman ang probinsya niya.Kung maltratuhin siya sa Manila.Mabilis siya makauwi at mag aasawa na lamang siya ng magsasaka kung yon talaga ang kapalaran niya.
"Dumating na ba iyong katulong na mag aalaga kay Darcey.?"paulit ulit na tanong ni Neyo na laging nagmamadali sa buhay.
"Neyo anak kami ni Darcey ang pipili ng yaya niya.Umalis ka na masisindak sayo ang bagong yaya ng apo ko.Syempre everyday trapik sa Manila.Alangan liparin niya papunta dito."naiirita si Imelda sa perfectionist na anak.Kaya iniwan ito ng Ina ni Darcey dahil sobra ang ugali talaga.Bumibisita lang si Sabrina sa anak na 9 yrs old na.Pero totally ayaw daw nitong makipagbalikan pa kay Neyo.Independent din kasi na babae si Sabrina.Ayaw nitong kinokontrol daw ni Neyo lage.
"Mama anak ko ang apo mo.What if masamang tao ang maging yaya niya.?Its ok nagleave ako buong araw."naupo na lamang si Neyo pero di niya alam kung bakit excited siya makita personally ang nasa picture na half german daw.
"Yon naman pala bakit parang nagmamadali ka.Darating na daw siya panay text sa akin na naiinis din siya sa trapik.Gusto niyang lakarin na lang daw papunta dito.Kaso may mga dala siya na prutas at gulay para daw sa akin.Kay sweet naman ng yaya mo Darcey.Teka video call ko nga.Buti na lang nagtaxi siya papunta dito."tinawagan na ni Imelda si Selena.
"Hello po Madam malapit na daw kami sa wakas papasok na kami sa subdivision ninyo.Anong kulay ng bahay ninyo po.?Malalaki bahay naraanan namin nang kuya ko."magalang na ani ni Selena.
"Tange yong address mo Seling mansion yan.Alam ko dahil may gf ako yaya ng sa kabilang malaking bahay din.Kaswerte mo na Seling wag mong tarayan ang amo mo.25 yrs old ka na pero virgin ka pa.Abnormal ka na nilalang sa totoo lang."kantyaw ng kapatid ni Selena na si Sunny.
"Ay kung makalait sa isang virgin wagas.Yon lang ipagmamalaki ko sa maging asawa ko balang araw.Ayoko sabay sa uso mas ok iyon kesa babae na may anak pero tatakasan responsibilidad bilang Ina."yon ang prinsipyo ni Selena na di mababali pa.
"Exactly like my real mother yaya Selena.She have many alibi para makatakas sa responsibilty niya."biglang sabad ni Darcey.
"Ay dalagingging na kuya ang alaga ko.Buti naman di na ako mahihirapan magtimpla ng gatas at magpalit ng diapers."tuwang tuwa pa si Selena sa alagain niya.
"Yong father daw ng bata sobrang suplado at ano bang tawag doon perfectionist ba iyon.?Madami daw umiiyak na katulong lumabas ng mansion na iyon.Dahil parang terorista yong Mr.Neyo San Miguel.Parang pinaglihi daw sa sama ng loob sabi nila."pasiuna ni Sunny.
"Di naman siya alagaan ko yong magandang dalagingging na ito.Madam nasa tapat na kami ng gate.Pwede ba pumasok si kuya.?Di ko mabuhat itong pinadala nina Inay na isang sako ng gulay at prutas."sabi ni Selena kaya naman pinatay na niya ang celpon niya.
Sinalubong naman ni Darcey nang bulaklak si Selena.
"Ay sweet naman ng aalagaan ko.Thank you kuya pakipasok na iyong gulay.Hello po Madam ako po si Selena Matabungkay."magalang pakikipagkamay ni Selena sa Madam na naghire sa kanya.
"Mas maganda ka pala sa personal iha.At matangkad ka din sobra."tiningnan ni Imelda ang kabuuan ni Selena tuloy ang plano niyang ipaasawa ito sa anak niya.Since ayaw ng Ina ni Darcey maikasal sa anak niya.Humahanap siya ng perfect wife para sa anak niyang perfectionist.Yong Ina din kasi ni Darcey gusto ng freedom gumala at may night bar pa.Tumira iyon 1 year sa mansion nila ng mabuntis kay Darcey.1 time uminom ba naman ng alak at nagnight disco pa.Syempre nagalit ang anak niya sa isipin di iniingatan ni Sabrina ang bata sa sinapupunan nito.Sobra ang away nila at naririndi si Imelda lage.Kaya pagkapanganak pinalayas din niya si Sabrina Morales.Tipikal na mayaman lang ito 2 yrs ang tinagal lang nang relasyon nila Neyo at Sabrina.Sabi ng anak niya di din pa sobrang inlove si Neyo sa mother ni Darcey.Kaya madali itong nakamove on.Pero bumibisita iyon madalas sa anak.Kunwari ulirang Ina.Habang lumalaki si Darcey she hate her mother for being abandoning her.Ngayon nakikita pa nito na may kinakasama ito.Gustong kunin nga si Darcey pero nahihirapan si Sabrina kumbinsihin mismo ang anak.Last year nakunan daw ito at di na makaanak ulit.Ang sabi sabi sa sobrang alak nasunog bahay bata ni Sabrina.Wala na itong ovary ngayon.Gusto ng kalive in partner nito ng anak.Kaya kinukuha niya si Darcey.Subalit may isip na ito syempre nagkulang si Sabrina bilang Ina.Kaya naman she deserve ng neglection towards her only daughter.
Simple ang suot ni Selena tshirt lang at maiksing shorts lang.Subalit sobra sobra ang sex appeal nito.Lalo na kung ngumingiti feeling ni Neyo gumagaan ang paligid.Napapailing siya dahil yaya ito ni Darcey.Pinagalitan niya ang sarili niya dahil nag iimagine yata siya ngayon.
"Seling nasa kabilang lang si Aning kong may problema ka magtext ka lang daw."paalam ni Sunny sa kapatid mamasada pa kasi siya.Plano na nila Anne na magpakasal kahit sa Mayor lang ng bayan sa Tarlac.Konting salo salo at magrent sila ng apartment sa Manila.Kaya todo kayod ngayon si Sunny.
"Selena at Anne pangalan namin.Wag mo kaming tawagin sa badoy na nickname na iyan Sunny boy.Tsupe I hate you bro."biro ni Selena sa kapatid biglang ganti ng heart sign pa ito.Sobrang makulit na kuya ito sa kanilang apat na magkakapatid.Si Sunny Hapon daw ang ama.Laging sawi sa pag ibig ang Inay Melba nila.Buti naman nahanap niya ang soulmate nito.Konsehal sa bayan ng Tarlac.Kahit mataba ito pero responsableng ama si Konsehal Miggy.Ang kinikilalang Papa nila Selena at Sunny.
"Are you half German right.?May experience ka sa pag aalaga ng bata.?"seryosong tanong ni Neyo.
"Opo Sir yong kapatid ko dalawa at nanghihiram ako ng mga babies sa mga kapitbahay kung nasa bahay lang namin ako.Sa Dubai mga matatanda naman ang inaalagaan ko doon.Siguro kaya ko pong alagaan ang anak mo."magalang na sagot ni Selena.
"Ano natapos mo.?"parang pulis si Neyo kung magtanong kay Selena.
"Pakibasa po sa resume ko Sir.Sure po ako binasa na ninyo diba.?"sarkastikong ani ni Selena.
"Ganyan ka ba sumagot sa amo mo ha Inday.?"nainis agad si Neyo.
"Di pa ako nagsisimula po kaya di ko pa kayo amo siguro.Sabi ni Madam tanggap na daw ako ngayon.Di ko inaasahan may interview pa pala."di natitinag si Selena kay Neyo.Kung suplado ito siya naman mataray at sarkastikong nilalang.Di porket di sila mayaman magpapaapak lang siya ng sinuman.Wala sa bokabularyo niya iyon.
"Ako ang Daddy ng alagaan mo kaya dadaanan ka talaga sa akin.Ano ba iyang dala mo bakit may amoy.?"ngiwing ngiwi si Neyo sa isang sako na prutas at gulay daw ang laman.
"Di po iyan durian di maamoy ang hinog na langka at guyabano siguro Sir.Yong mga gulay fresh iyan sa pananim nila Inay.Para po ito kay Madam di ito para sa inyo."binuksan ni Selena ang sako.
"May banana pa favorite ni Daddy.Here Daddy ang cute ng banana na ito."tuwang tuwa naman si Darcey binalatan pa ng saging si Neyo at sinubuan.Para di na makapagsalita pa.
"Manang hiwain nyo itong langka.Kakain kami ni Darcey at yong iba pakilagay sa refrigerator.Salamat iha nag abala ka pa.Tanggap ka na wag mo ng pansinin si Neyo.Ako naman magpapasweldo sayo."magiliw na ani ni Imelda sa mataray na yaya ni Darcey.May katapat na yata ang anak niya.
"This banana is so sweet."nilantakan na ni Neyo ang saging na maliliit lang pero sobrang tamis.Kung tutuusin di siya tutol maging yaya ni Darcey ang Selena na ito so far.Pero syempre titingnan niya kung ano performance nito bilang yaya ng anak niya.
YOU ARE READING
Mr.Kupido
Humora story between kasambahay at ng amo niya na magkakainlaban sa isat isa