Perfect ang uniform ni Selena at maaga siyang nasa kusina nilulutuan niya ang alaga niya ng almusal.At naisip niya magluto ng isa pa para sa Madam niya.Magaling siya mag imbento ng kung ano anong pagkain.Nakagawa siya ng pangmayaman na sandwich.Fried egg at hotdog para sa almusal ng alaga at Madam niya.
"Darcey,Madam ito na po ang almusal ninyo."sinerve na ni Selena ang gawa niya.
"What about mine.?"taas ang kilay ni Neyo nakatingin sa gawa ni Selena na sobrang masarap yata.
"Sir ito na po almusal ninyo."nakasunod naman ang katulong na simpleng almusal lang ang dala.
"Sir di po ako cook dito yaya po ako ni Darcey."hinihiwa pa ni Selena ng maliliit ang sandwich at sinusubuan si Darcey.
"Bakit ginawan mo si Mama ako di mo naisip na mag aagahan din ako.?"nakasimangot si Neyo ke aga aga.
"Neyo di mo sinabi ahead naman kay Selena.Sobrang harsh ka na sa kanya di ka na nakakatuwa.Wala siyang ginawang kasalanan naman.Hinahanapan mo ng mali lahat ng mga katulong.Kaya walang tumagal na yaya ni Darcey.Healthy ang sandwich na ito at sobrang sarap.May mali ba si Selena doon.?"galit na si Imelda sa anak niya.
"Daddy sobrang yummy say ah."sinubuan bigla ni Darcey ang ama para matigil sa kakasalita.
"Ito talagang masarap hati na lang tayo."binigay naman ni Imelda ang kalahati ng sandwich sa anak.
"Next time gawan mo ako ng almusal."malumanay na saad ni Neyo sabay tapos sa huling pagkain niya.Sobrang sarap pala nito ideal type niya yong marunong sa kusina.Si Sabrina asa lang sa mga katulong din.Kahit pagtimpla ng kape di alam nito.Kaya mabilis siyang nakamove on sa relasyon niyang iyon.
"Darcey tayo na ready na mga gamit mo.Sineparate ko mga books mo sa shoulder bag na ito.Para magaan ang backpack mo.Ako na magdadala ng mga libro mo.May baon na din tayo kung di mo kakainin.Ishare ko na lang sa iba baon natin.Teka sa susunod dapat may konting style buhok mo.Bibili ako ng maraming ipit para maging bongga ang alaga ko.Wear your shoes and lets go."sobrang organize si Selena sa lahat ng gamit at kikay din siya.
"Yaya frozen ang shoulder bag mo.I like it tapos yong case ng phone mo barbie.Kikay din ako yaya but I cant tirintas may hair by my own."magaan agad ang loob ni Darcey kay Selena.Aloof at sobrang harsh ito sa ibang tao lalo na di nito gusto.
"Next time idesign natin ang buhok mo.Wish ko magkaroon ng kapatid na babae.Pero uro boys mga kapatid ko.Kaya barbie na lang kalaro ko madalas.Binili ko ito for you talaga I like frozen too.At young barbie na karakter."panay kwentuhan nina Selena at Darcey sa backset ng kotse ni Neyo.Unang araw ok ang mood ng anak niya.Baka sa sandwich na sobrang sarap.
"Nga pala ano yong recipe ng sandwich mo.Para ako na gagawa para kay Darcey."sumabad si Neyo sa usapan medyo trapik at 30 mins sila bago makarating sa skul nila Darcey.
"Sir pinaghalo halo ko lang iyon.Wala pong exact recipe mahilig ako mag imbento ng kakainin."casual na sagot ni Selena.
"Turuan mo ako pag may free time."dahil sa di nagtantrums si Darcey ngayon araw ok din ang mood ni Neyo.
"Ok po."kibit balikat na lang ni Selena may mood swing yata amo niya.Sanay na siya dahil matandang maysakit ang inaalagaan niya sa Dubai.Ganun ang ugali like her boss right now.
Samantalang maagang nakaabang si Sabrina sa gate ng skul ni Darcey.Dahil di ni Neyo pinapansin ang text at tawag niya kagabe lang.
"Neyo you did not reply sa text message ko.At iniignore mo ang tawag ko."inis na salubong ni Sabrina sa ex bf niya.
"Do I have an obligation to do that Sabrina.?Ayaw nga kitang kausap diba.?Pwede kang pumunta sa mansion diba.?Dont bother me anymore Sabrina."uminit agad ang bunbunan ni Neyo sa demanding pa rin na si Sabrina.
"Kung pupunta ako papahiyain lang ako ng mother mo.Anyway inimbitahan ko si Darcey sa birthday party ni Richard.If you want to go its up to you Neyo."inabot ni Sabrina ang dalawang invitation card.
"Kung pupunta kami dapat apat ito including Darcey's yaya."may binabalak si Neyo gusto niyang maging partner si Selena sa party na iyon.Pinapakalat kasi ni Sabrina na di pa siya nakamove sa relasyon nila noon.Dahil until now wala pa asawa si Neyo.Feeling dyosa naman si Sabrina at siya naman bitter daw sa buhay.Kulang lang sa konting ayos ang yaya ni Darcey naman.Tamang tama ang tinanggap ng Ina niya.Di papatalo ang looks ni Selena kung siya ang tatanungin.
"Will ok see you in the party Neyo San Miguel."pero tiningnan ni Sabrina ng pang iinsulto lang si Selena bago umalis.
"Yon ba ang Mommy mo sobrang feeling yata.Mayaman lang kamo pero Im sorry to say this.Kulang yata sa sex appeal siya Darcey.Anyway pupunta ka ba sa party pwede bang di ako sasama.?"allergic si Selena sa mga party ng mayayaman.Kung nakauniform lang naman siya wag na.
"Yeah at kelangan mo ng damit.Dadalo kami kasama ka."yon lang at mabilisan umalis din si Neyo.Oras na harapin niya ang bully na sina Sabrina at Richard.Pinagtatawanan siya ng mga ito daw sabi ng ilang kakilala niya.Inlove na inlove pa daw siya kay Sabrina.Kahit di iyon ang totoo naman.He ignore them but its time to go out of his shell right now.
Nasira na tuloy araw ni Selena kaya wala siya sa mood nagsusukat ng damit.
"Neyo ayaw niya yata sa damit na pinipili mo."puna ni Imelda sa walang gana na si Selena.
"Madam ayoko pumunta sa party ng mayayaman.Pwede po bang di na lang ako sasama.?"talagang wala sa mood si Selena ngayong araw.
"Ganito na lang babayaran kita pagsasama ka."strategy iyon ni Neyo bilang bussinessman.
"Yaya pumayag ka na pag di ka sasama di din ako pupunta."biglang nagmaktol din si Darcey.
"Oo na yong bayad kalimutan mo na Sir.Will sa gilid gilid lang naman ako titingnan ko lang si Darcey doon."napipilitan si Selena pumayag na lamang.
Perfect ang looks ni Selena red and black semi gown ang suot niya.At tamang tama lang ang taas ng takong niya.
"Lets go kumapit ka sa akin."yaya sana ni Neyo.
"Ayoko po tayo na Darcey if gusto mo nang umuwi agad must better."medyo dumistansya sina Selena at Darcey kay Neyo.
"Alam ko may binabalak ka Neyo.Wag mo nang ituloy.Binabalaan kita di matatawaran ang dignidad ni Selena.Wag mong idadamay siya sa issue ninyo ni Sabrina.Ako makakalaban mo talaga Neyo."pasiuna na ani ni Ismeralda sa anak.First time nitong gawin ito na bihisan ng maayos ang yaya ni Darcey.Si Selena kasi ang perfect match sa ex gf nitong si Sabrina Llanez.Gagawin ni Neyo shield sa ego nito si Selena mismo.Kaya kumokontra siya sa gusto ng anak niya mismo.Inosente ang yaya ni Darcey wala itong alam sa history nina Neyo at Sabrina mismo.
"Buti naman nakarating kayo Neyo.?Where is Darcey ipakilala ko lang sa mga inlaws ko."maarteng salubong ni Sabrina kay Neyo.
"Bakit Sabrina dont pretend na ulirang Ina kay Darcey.May nahanap na akong maging mother ni Darcey soon.She right there kasama si Darcey mismo."taas noong ani ni Neyo at pumunta sila sa daku nila Darcey at Selena.
"So isang yaya ang gusto mong maging asawa mo Neyo.?Are you playing a game right now.?"pinagtatawanan lang ni Sabrina si Selena.
"Excuse anong sabi mo.?Maging step mother ako ni Darcey.?"nanlaki mata ni Selena talaga at napanganga.
"I love you yaya."yumakap naman si Darcey sa mabait na yaya niya.
"I love you too but di ako nainform Sir.?Madam bago di ko makontrol ang sarili ko pwede ba akong umalis.?Ayoko din mag eskandalo dito."umakyat ang dugo ni Selena sa utak niya.Mahigh blood na yata siya sa ama niyang feeling.
"Di ka pwedeng umalis Babe."biglang hapit ni Neyo sa beywang ni Selena at walang ano anung hinalikan niya ito.
"Tang ina mo di ako kaladkarin babae.Kaya siguro walang tumatagal na yaya ni Darcey dahil kay basto mo Neyo San Miguel."isang malutong na sampal ang ginawad ni Selena kay Neyo.
"Yaya calm down."out ni Darcey kay Selena.
"Bitiwan mo ako tang ina ninyo kung may issue kayo wag ninyo akong dinadamay.Madam pumunta ako ng Manila para magtrabaho.Di yong bastusin lang ako ng anak mo.Lubayan mo nga akong bata ka di naman mo ako kaano ano.!Aalis ako sa mansion ninyo ngayon din.!Tang inang heels na ito di ko ito kelangan.!Wala kayong karapatan insultuhin ako at bastusin ako Neyo San Miguel.Ito ang tandaan mo Dyos lang kinatatakutan ko."binato pa ni Selena ng heels si Neyo at nakapaa itong lumabas ng venue.Wala siyang pakialam mapahiya ang mga ito.May dignidad siyang pinaglalaban.At alam niyang siya ay para sa mahirap lamang tulad ng status niya sa buhay period.
YOU ARE READING
Mr.Kupido
Humora story between kasambahay at ng amo niya na magkakainlaban sa isat isa