Mr.Kupido ☆ Part 28

87 3 0
                                    

Nataranta si Sabrina dahil wala ang anak niya sa hotel.At pati ang yaya nito nawawala.
"Tang ina naman oo Sabrina.Bakit ka pa sumunod kay Neyo kahapon.?Anong sasabihin natin kina Mama.Di ko man anak si Dello pero talagang magagalit ang parents ko kung nakidnap si Dello.!"bulyaw ni Richard kay Sabrina.
"Ikaw ang ama ni Dello pero iba ang inaatupag mo Richard.Wag mo akong sisihin sa pagkawala ni Dello.Tatawag ako ng pulis."napamahal na din ni Sabrina ang ampon niya kaya nataranta siya ngayon.Biglang nagring ang cp niya.
"Hello Sabrina Munoz nasa amin ang anak at yaya mo.Gusto namin ng 2 million ransom ngayon din.!Kung gusto mo pang makitang buhay ang anak mo."si Jen iyon sa kabilang linya.
Samantalang kay ganda ng wedding venue sa simbahan.Talagang pinaghandaan iyon ng pamilya ni Selena.Double wedding pa ito at marami din bisitang dumalo sa wedding nila sa church.Solemn iyon at ng magmartsa sina Selena at Gracie sa aisle.Di maiwasan di mapaiyak sina Neyo at Joshua.Di akalain ni Neyo na sasaya siya ng ganun.Matapos siyang gawin basura ni Sabrina noon.Ngayon si Selena ang nagbibigay ng kaligayahan sa buhay niya.At kinalimutan na talaga ni Neyo ang nakaraan nila ni Sabrina.Kahit may anak pa silang dalawa.Maayos na naidaos ang double wedding na iyon.Bagamat biglang may mga lalake na nakabonet humablot kay Darcey.
"Mommy Daddy help me.!"gilalas na sigaw ni Darcey.
"Darcey anak ko.!Neyo iligtas mo ang anak natin."nanginginig si Selena takot na takot mapano si Darcey.Umiiyak at humihingi ito ng saklolo.
"Anong kelangan ninyo.?Kahit magkano ibibigay ko.Pakawalan nyo lang ang anak namin."nakaready na sila Neyo para sagipin ang panganay na anak.
"Neyo San Miguel pagkakamali mong pinili mo si Selena Matabungkay.Papatayin ko ang dalawang bata na ito.Kung magmamakaawa ka sa akin pakawalan ko si Darcey."lumitaw si Jen na karga ang anak ni Sabrina na umiiyak din.
"Jen binayaran ko kayo para kidnappin ang bunsong ampon nila Selena.Bakit mo hinohostage ang mga anak ko.?"binuking tuloy ni Sabrina ang sarili niya.
"A-ano ikaw din ang nag utos na kidnapin ako 1 year ago.?Sabrina wala kang kasing sama.Namatay ang baby ko ng dahil sayo bruha ka."sinampal ni Selena ng pagkalakas lakas si Sabrina.At umaksyon agad sila Rodel at ang mga taga FBI.Di nakaporma ang mga nakabonet na lalake dahil di ito bihasa sa paghawak din pala ng baril.
"Gagu kayo laruang baril lang ang hawak ninyo."sinipa ni Rodel ang humablot kanina kay Darcey.
"K-kuya di totoo ang baril ninyo.?"gilalas na ani ni Jen wala pang isang oras naposasan na silang lahat.
"So mga kamag anak mo pala ang mga iyan Jen.?Hindi ko alam na may empleyado pala akong ahas."gigil na ani ni Neyo.
"Ipakulong ko din itong babae na ito.Siya ang mastermind sa lahat.Wala siyang kasing sama nakunan ako dahil sa kanya."impit na hiyaw ni Selena.
"Mommy dont cry na ok."niyakap naman ni Darcey si Selena at pinapatahan.
"R-richard hindi ko inutos sa kanila na ihostage ang mga anak ko.Help me Richard please for once."hingi ng saklolo ni Sabrina sa mister.
"Wala na akong pakialam sayo.Liz iuwi na natin si Dello."umalis agad sina Richard doon baka madamay pa siya sa krimen na ginawa ng asawa niyang demonya.
"N-neyo patawarin mo ako parang awa mo na ayokong makulong.!"lumuhod si Sabrina sa paanan ni Neyo ang gustong gawin niya kay Selena ay nagback fired sa kanya ngayon.Talagang parang kidlat ang tinatawag na karma.Biglang hahagupit na di mo inaasahan.Di nakaligtas si Sabrina sa hagupit ng karma.
"Di mo na maibabalik ang buhay ng anak namin.At kamuntikan ng malagay sa panganib si Darcey.Dahil sa inggit mo sa asawa ko makukulong ka ngayon.Dalhin na ninyo iyang babae na iyan kasama silang lahat."maawtoridad na deklara ni Neyo San Miguel.Kahit awa wala na siyang maramdaman para sa ex gf niya kumbaga.Pasalamat siya di niya ito naging asawa talaga.Baka maging impyerno ang buhay niya ngayon.Dahil isang demonya si Sabrina.
"S-selena please ayokong makulong.!"nagpupumiglas si Sabrina.
"Huli na ang pagsisi mo Sabrina.Ginusto mo iyan kaya wag mong tawagin pangalan ko.Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan.!"gigil na pahayag ni Selena.
Dahil sa pangyayari ipinagpaliban nila ang celebration ng kasal nila.Dahil nashock pa silang lahat.Pinapadalhan na lamang ni Anastacia ng bring house ang mga bisita nila.Dahil sayang din ang mga handa nila.Naintindihan naman ng mga tao iyon.Dahil sa gulo sa mismong simbahan.Di makapagcelebrate ang bride at groom sa kasal nila kumbaga.
Nahatulang ng habang buhay na pagkabilanggo si Sabrina.Si Jen naman ganun din magsasama silang dalawa sa kulungan.Dahil sa nangyayari natakot sina Steffi at Fatti.Pero si Neyo talagang tinanggal sa pagkaboard member si Mr.Venzuela.Binili ni Joshua ang shares nito at naging bussiness partner na silang dalawa ni Neyo.Sinibak ni Gail sa pwesto si Fatti Venzuela matapos ang project nila.Successfull ang launching ng brand nila.At naging ordinaryong model na lamang si Steffi.Dahil na din nabankrupt kabuhayan nila ng tuluyan.Di na kilala ang mga ito sa alta syudad.Kabilaan ang endorserment ni Selena.At dinamay pa niya si Gracie maging model.
"Babae kay laswa ng pose mo sa magazine.Buntis ka ng 1 month sweetie ko.Baka mausog ka misis ko."reklamo ni Joshua ayaw niyang makikita ng mga tao na nakabikini lang ang asawa niya.
"Hayaan mo anak paluin ko sa pwet ang babae na iyan.Bundat ka na Gracing bawal ka ng magpanty at bra lang sa magazine."pinagalitan ni Anastacia ang pamangkin.
"Try ko lang naman ang pakiramdam na maging model.Promise titigil na ako."hagikgik ni Gracie tawang tawa siya sa mister niyang sobrang conservative.
"Foreigner iyang ayaw nakabikini ang misis niya.Palibhasa si Neyo ko proud pa sa ganda ng legs ko."pang aalaska ni Selena sa kuya Joshua niya.
"Concervative lang masyado si kuya mo Honey.Pasok na tayo doon nandun na ang mga bata nabusog na sila kanina pa sila kumakain."victory party iyon na para sa successfull ng launching ng brand nila Neyo San Miguel.Profitable ang ganda ng asawa niya.At gagawin na din nilang ambassador si Selena sa company nila.Sa lahat ng products nila si Selena ang main model na daw.
Nagulat si Selena at kumunot ang noo na naging ambassador siya sa company nila Neyo.
"Honey di ka masaya na naging ambassador ka na.?"tanong ni Neyo sa misis na nakakunot ang noo.
"Di ko naman alam ang ibinigay ninyong trabaho sa akin.Paano ako sasaya.?"napakamot sa ulo si Selena inosente talaga siya about bussiness.
"Representative ka ng company natin Selena.At dapat kasama ka sa lahat ng mga event na dadaluhan namin ni Neyo."explanation ni Gail naintindihan nila clueless si Selena sa bussiness world ginagalawan nila.
"Dont worry manager mo ako cousin.Sasamahan naman kita lage.Para di ka maout of place kumbaga."inakbayan naman ni Jerry si Selena.
"Buti naman ayoko ngumiti sa mga taong di ko naman kilala.Kahit sabi ninyo na kilala na ako bilang model.Isa pa rin akong probinsyana na misis ni Neyo at ina sa mga anak ko."ayaw ni Selena maadopt ang pagiging kilalang model na sa alta syudad.Mailap din siya sa mga media.Gusto niyang pribado ang buhay nila ni Neyo lage.Di niya pinangarap na maging sikat na model naman.Gusto nga niyang maging simpleng ina at asawa lang sa mag ama niya.
Lumipas pa ang tatlong taon lumalaki na din ang mga bata.Ready na din magbuntis ulit si Selena.Kaya nagpatanggal na siya ng IUD.Isang araw naging bugnutin siya.Inaway niya si Neyo ng walang sapat na dahilan.Dahil galing ito sa party at nakainom pa ito.
"H-honey sorry promise di na ako iinom pa."natakot naman si Neyo dahil minsan lang magalit ang misis niya.Naisip niya baka galit ito dahil nakainom siya na umuwi.
"Ikaw na lalake ka naging buhay single ka ulit.Sawa ka na ba sa akin.?"biglang iyak ni Selena dahil emotionally ang mga buntis.
"No no di mangyayari iyon.Im sorry ok gusto mo ako magleave sa trabaho.?Para magdate din tayo.?"natataranta naman pinapatahan ni Neyo si Selena.
"Neyo naghanda ng dinner si Selena for both of you.Pero lumamig na lang.Gagu ka papaluin kita masama ang buntis na naiyak."bitbit na ni Imelda ang tsinelas niya.
"B-buntis ka honey omg may baby na ulit tayo.?Teka mabaho yata ako maligo muna ako at magtoothbrush."inaamoy pa ni Neyo ang sarili.Kaya napatawa na lamang si Selena sa inasta ni Neyo.Larawan ang mukha nito ng excited na ama.Ibig sabihin masaya ito na may baby ulit sila.
Mabilis lumipas ang mga buwan lalake ang anak nila Selena at Neyo.Pinangalanan nila na Davey ang anak nila.Sobrang saya silang mag asawa sa tatlo nilang mga supling.Si Darcey na anak ni Neyo sa ex gf nito.Si Dairey na ampon nila.At si Davey na anak nila na talaga.Naranasan man nila ang unos ng buhay ng makunan si Selena minsan.Pero kaligayahan at naging matatag ang pamilyang binuo nila nina Selena Matabungkay at Neyo San Miguel.

SA PAG IBIG WALA DAPAT MAHIRAP AT MAYAMAN.DI IBIG SABIHIN NA ANG MAYAMAN AY PARA SA MAYAMAN LAMANG.WALANG PINILI ANG PAG IBIG...!!

T------H--------E         E----N-----D
           [Selena ❤️ 🧡 Neyo]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr.KupidoWhere stories live. Discover now