Unang araw ni Selena sa trabaho bilang Personal Secretary ni Neyo San Miguel.
"Ang ganda talaga ng personal secretary ko.Bagay sayo ang binili kong outfit pang office Mrs.San Miguel."kanina pa sinisinghot ni Neyo ang leeg ng asawa niya.
"Wag mong kalimutan di pwede special treatment ok.Sigurado ka bang ok itong suot ko.Diba masyadong maiksi naman itong palda ko.?"concious si Selena kung ano ang sasabihin ng mga empleyado ni Neyo sa kanya.
"Long at perfect mga legs mo bakit mo tinatago naman.?Para pag pagod ako titingnan ko lang magiging ok na ako."malanding hinimas ni Neyo ang makinis na legs ni Selena.
"Kakaiba itong boss ko nilalandi ang secretary niya.Behave ka nga baba na tayo Sweetie.Ay este Mr.CEO pala."hagikgik pa ni Selena naglalandian sila sa backset ng private car ni Neyo na may personal driver pa.
"Ok but I cant promise if hanggang kelan ako magpretend na bossing mo in working place."kinintalan ni Neyo ng mabilisan na halik si Selena sa lips.Baka kasi masira ang lipstick nito.
"Goodmorning Mr.CEO.Ah ito po ang schedule ninyo this whole day."salubong ni Jen na secretary ni Neyo na may pagnanasa sa bosing niya.
"Ah Jen turuan mo si Selena kung ano ang gagawin niya for whole day muna.Siya na ang personal secretary ko."utos agad ni Neyo sa secretary niya.
"P-po so paano naman po ako Sir Neyo.?"inis na ani ni Jen at palihim na inismiran si Selena.
"Will kung matuto na si Selena ipromote kita sa management department."matipid na sagot ni Neyo.
"Pero Sir biglaan yata ang gagawin mong paglipat sa akin sa management department."reklamo ni Jen kay Neyo.
"Kelan ka pa natutong magreklamo sa utos ko Jen.?Mahirap ba pinagagawa ko.?Kung mahirap ok your fired then.!"terror na boss si Neyo dahil ayaw niya sa papatay patay na empleyado.
"S-sir Im sorry tuturuan ko na po agad si Selena Matabungkay."tinawagan na si Jen kasi ni Neyo na magiging personal secretary nito ang wife mismo nito daw.Di siya naniniwala na may asawa na si Neyo San Miguel.Paano ang pantasya niyang makapag asawa ng mayaman.?
"Usap tayo mamaya."di nagustuhan ni Selena ang approach ni Neyo sa secretary nito mismo.
Sinimulan turuan daw ni Jen si Selena.Pero inutusan siyang maglinis sa opisina ni Neyo at pati sa table nito.
"Siguraduhin mong malinis mabuti ang office ni Sir Neyo at pati itong table ko ayusin mo.!"panimula ni Jen sa pag uutos.
"Teka lang Ms.Jen sabi ni bossing turuan mo ako di iyong utusan mo ako maglinis.Di janitress trabaho ko naman.Willing ako ayusin ang opisina ng CEO.Pero ang utos niya turuan mo ako."reklamo ni Selena sa utos ni Jen.
"Yon ang gawain mo dahil first day mo pa lang.Perfectionist si Sir Neyo kaya di ka muna pwede sa mga bagay na mahirap.Confidential yong mga papeles ni Sir.Kaya wag kang magkamali Selena."kung makapag utos si Jen wagas.
"Ok fine whatever."napipilitan si Selena sundin ang pinag uutos nito.Tingin niya sa opisina ni Neyo sobrang plain lang kaya lumabas muna siya para bumili ng maliliit na halaman.Nakakatulong ang halaman para sa fresh environment ng opisina nito.Bumili din siya ng magandang kurtina na rin.Ginamit na niya ang credit card na bigay ni Neyo.Biglang nagring ang celpon niya.
"Where are you Sweetie.?Sabi ni Jen lumabas ka daw ng walang pasabi.Video call dapat hmmpp."namiss agad ni Neyo ang misis matapos ang 2 hrs na maagang meeting niya sa board members.May bagong brand kasi silang ilalaunch.
"Ah nandito ako sa mall pinalinis niya ako sa office mo kanina lang.Tingin ko plain ang office mo kaya bumili ako ng mga maliliit na halaman.At tsada bumili ako ng bagong kurtina.Black and white lang yong opisina walang buhay naman."nakangiting sagot ni Selena.
"Ok ikaw na bahala if gusto mong palitan natin ang furniture sabihin mo lang din.Sasamahan kita sa mall.Use my credit card wag kang mahiya Mrs.San Miguel.Diba mabigat iyang mga dala mo.?"masayang ani ni Neyo pakiramdam niya ginagawa lang ni Selena ang wifey duty nito for him.
"Wag kang gumastos ng gumastos.Nauubos din ang pera Sir Neyo.Tinawagan ko si kuya Sunny siya na ang magbubuhat nito.Di naman mabigat ang maliliit na halaman.Balak ko bumili ng maliit na aquarium.But isasama na kita mahirap pumili maraming magaganda."nagcheck out na kasi si Selena kaya pinatay na niya ang celpon.Daming miss call ni Jen pero di niya sinasagot ang tawag nito.Kay Neyo lang siya magrereport di kay Jen mismo.Feeling ni Selena kakaiba ang ugali ng secretary ni Neyo.In her woman instinct ayaw nito sa kanya dahil siya ang inasawa ni Neyo.Feeling niya may gusto din si Jen sa boss nila ngayon.Pero oobserbahan muna niya ito.Bago conprontahin dahil matagal na itong empleyado daw ni Neyo.What if kung nagkakamali lang naman siya.Ayaw niyang magiging katawa tawa.
"Selena unang araw mo palang di mo na ako sinusunod.Ang sabi ko maglinis ka di iyong magshopping ka ng mga halaman.Saan mo naman ilalagay ang mga ito aber.?"bulyaw ang salubong ni Jen kay Selena.
"Hoy Jen si boss lang pwedeng bumulyaw sa akin.Nagpapaalam ako sa kanya naman.Ok lang sa kanya kaya wala dapat na problema ka.!"ganting bulyaw ni Selena kay Jen.
"Babae first day mo palang talagang magagalit siya sayo dahil nagmall ka.Dapat magpakumbaba ka sa mga senior mo.Magsorry ka na dali na."saway agad ni Sunny sa kapatid.
"So nakikipagkita ka sa bf mo pala.Di pala totoong asawa ka ni Sir Neyo.Kung totoo di ka sana maging personal secretary lang.Siguro nilalandi mo siya noh Selena Matabungkay."tuloy tuloy ang bunganga ni Jen.
"Hoy Ms. di ko ito type noh.Driver lang ako ni Sir Neyo.Yong bunganga mo miss dinaig pa ang armalyt kung makatalak.Siguro kawawa ang bf or asawa mo dahil sobrang bungangera mo.Buti na lang yong asawa ko di bungangera.Take note mas maganda ang asawa ko kay Selena.Ayaw ko din sa may tuyo ang utak kagaya niya."pagbibiro ni Sunny.
"As if magugustuhan din kita lalake ka.Kahit pa suhulan ako ng pera never kitang papatulan noh."ismid ni Selena kay Sunny.
"Selena dumating ka na pala.Bakit di ka dumeretso sa loob.?"kinuha agad ni Neyo ang mga pinamili ng asawa niya.
"Sir Neyo nakikipagdate pala si Selena sa may asawa din.Wag kayong magpapalandi sa kanya Sir Neyo.Gold digger ang mga kagaya niyang taga probinsya."biglang sabi ni Jen sinisiraan nito si Selena.
"Are you kidding me Jen.?Tinatawag mo ang wife ko na gold digger.?Bawiin mo ang sinabi mo ngayon din mismo.!"biglang bukyaw ni Neyo sa secretary.
"W-wife pero may kadate nga siya sa mall Sir."giit naman ni Jen.
"Tanga ka palang secretary ei brother ko iyang hinayupak na iyan.Gwapo ba iyan para sabihin mo na bf ko yang mokong na iyan."tinaasan ng kilay ni Selena si Jen.
"Bro aalis na ako susunduin ko pa ang mga bata.Wala akong panahon makinig sa bangayan ng mga babae.Hectic ang schedule ko."makulit na paalam ni Sunny agad sa brother in law niya.
"Thank bro kayo ng letson manok at baboy.Para ulamin natin lahat mamaya."bilin pa ni Neyo sa inlaws niya.
Natigalgal si Jen at namutla ayaw niyang mawalan ng trabaho.Ginalit niya ang terror na CEO.
"Awayan namin ito Sir Neyo wag mo siyang tanggalin sa trabaho.Magtutuos pa kami ipapakita ko sa kanya mas deserving akong maging secretary mo."nahamon ni Jen ang kakayahan ni Selena mismo.Caregiver nga siya pero sa tingin niya matalino at fast learner naman siya kahit papaano.Magresearch na lamang siya kung ano ang kelangan niyang gawin para maging magaling na secretary ni Neyo San Miguel.Through hard working naniniwala siyang makakaya niya iyon.
"Ok pero tutulungan kitang palitan ang mga kurtina."ayaw ni Neyo din masira ang araw niya dahil lang sa secretary niya.Magaling sa trabaho si Jen pero di niya gusto ang trato nito sa mismong asawa niya.
Save by the bill naman si Jen.Pero pasimple siyang isabotahe ang trabaho ni Selena.Para mapahiya ito ng husto sa buong company building.Feeling niya sisiw na kalaban si Selena kesa kina Fatti at Steffi.Dahil di nga nanggaling sa angkan ng mayayaman si Selena Matabungkay.
YOU ARE READING
Mr.Kupido
Humora story between kasambahay at ng amo niya na magkakainlaban sa isat isa