Nagkaroon ng katahimikan ulit ang buhay ni Selena sa pananatili niya sa ospital.Kaya mabilisan ang paggaling niya.Pero problemado siya parang tuko na itong alaga niya.Plano sila ni Anne na mag apply sa iba ng pagiging yaya.Yong amo ni Anne nagmigrate kasi sa America.Kaya wala siyang trabaho na ngayon.
"Isuli na natin itong bata na ito paglabas mo Seling.May alam akong mapapasukan ninyo.Di pwede dalhin mo Seling itong bata baka kasuhan ka ng kidnapping nila."realtalk ni Sunny sa kapatid.
"Yaya pupunta na lang ako sa Tarlac.Doon na lang ako titira please.Wag mo ako ibalik sa Daddy ko."mahigpit na yumakap si Darcey kay Selena na umiiyak.
"Selena iha di ka dapat magresign sa trabaho mo.At tatanggapin ko na din si Anne sa trabaho.Doublehin ko ang sahod mo Selena.Di mo na kelangan maghanap pa ng ibang mapapasukan."biglang dating ni Imelda at may mga katulong nililigpit na ang mga gamit nila sa kwarto na iyon.
"Madam paano po iyong anak ninyo.?Hate ko po iyong lalake na iyon."dahil na rin kay Neyo ayaw bumalik si Selena sa mansion.
"Busy siya masyado iha at nangako siya di ka na daw pakikialaman.Kaya pumayag ka na kung kulang pa ang sahod mo triplehin ko pa Selena.Please maawa ka kay Darcey lage umiiyak siya sa skul daw.Gusto niya agad pumunta dito.Baka daw aalis ka na di siya isasama."pangungumbinse ni Imelda talaga kay Selena.
"Pumayag ka na Seling para magkasama na tayo sa trabaho.Kung aawayin ka nong father at mother ni Darcey.Reresbak tayong dalawa.Kelangan namin mag ipon ni Sunny para magpakasal na daw kami."ani naman ni Anne praktikal lang itong nilalang.At maganda ang offer ni Madam Imelda naman.
"Seling iwasan mo na lang yong amo mo na lalaki.At pwede ba bawasan mo pagkamaldita mo.Kasalanan mong magbasag ng vase.At karma iyon dahil tanga mo nagdive ka sa bubog."harsh din si Sunny pero nagsasabi lage siya ng totoo.
"Kung sabagay maguilty ako kung itong alaga ko yong nasugat sa bubog.Payag na ako Madam malaki naman mansion ninyo.Makakaiwas ako kay Sir Neyo."bumuntonghininga na lamang si Selena.Swerte na yata siya sa amo niya ngayon.Di na lang niya papansinin yong anak ng Madam niya.Total di ito nagpapasweldo sa kanya.
Subalit naghihintay pala si Neyo sa mansion.Nagpahanda pa siya sa pagbabalik daw ni Selena.
"Manang pakialyat ninyo sa kwarto ni Darcey ang maleta ni Selena."utos ni Neyo at di makatingin ito ng deretso sa kanya.
"Madam sa servant quarter dapat po ako.Ayoko pong umakyat sa second floor."malamig pa sa yelo si Selena kay Neyo.
"Seling yong yaya dapat kasama sa kwarto ng alaga niya."bulong naman ni Anne dahil yon ang rules sa yaya sa Pinas.
"Ganun ba first time ko kasi maging yaya sa isang bata.Sa Dubai sa ospital naman ako nag aalaga ng mga matatanda."payag na lamang si Selena makasama si Darcey sa iisang kwarto.
"Kain na tayo ng lunch tamang tama pagdating ninyo."magiliw na si Neyo sa pakikitungo kay Selena.Hiyang hiya siya dito dahil sa isang buwan ito naghirap sa sugat na natamo.
"Darcey kumain ka na sa kusina lang kami kakain ha.Di pwede kasalo pa ako sa inyo kakain."malumanay na ani ni Selena sa bata.
"From now on sa kitchen na din ako kakain lola at Daddy."nakahawak pa si Darcey sa tshirt ni Selena parang takot itong tatakbo bigla ito ng malayo.
"No Darcey sa dinning ka kakain dapat."kontra ni Neyo sa anak.
"Daddy umiiwas si yaya sayo.Kung sa dinning kami kakain.Doon ka dapat sa kitchen kumain."malditang ani ni Darcey sa ama.
Napatawa tuloy sina Selena at Anne.Pinipigilan nila ang wag tumawa ng malakas.Lihim naman napangiti si Neyo.
"Ok maglunch kayo first mamaya na ako."naupo na lamang si Neyo sa di kalayuan.Sinisipat niya palihim si Selena.Gumagaan talaga pakiramdam niya pag ngumingiti ito.Nagchickahan na ulit sina Selena at Darcey.Naririnig niya din ang hagikgik na ng anak niya.Siguro si Selena ang bigay ng Dyos for her daughter.Masigla ito sa piling ni Selena Matabungkay.Para ngang ito ang Nanay mismo ni Darcey.Kung papalarin asawahin na niya si Selena.Di na siya maghahanap pa nang step mother ni Darcey.
Galit naman dumating si Sabrina kasama ang lawyer na pinadala ni Richard Munoz yata.Talaga yatang ilalaban ng mga ito ang costudy ng anak nila.
"Neyo anong ibig sabihin ng notice na ito.?So gusto mo paglalabanan natin ang costudy ni Darcey.Makinig ka sa attorney na kinuha ni Richard.!"malditang naupo naman sa sopa si Sabrina at nag cross legs pa ito na parang dyosa.
"Mr.San Miguel ayon sa batas magkalevel kayo ni Maam Sabrina kung status ang pagbabasehan.At pareho kayong may partner din naman.Kaya sana kung pwede ibigay na lang ninyo ang bata sa Ina.Mas maalagaan ng mabuti ni Maam Sabrina ang anak niya diba.?"strategy ng atty na dala ni Sabrina.
"First of all yong yaman pinagmamalaki ni Sabrina ay kay Richard Munoz.Live in partner niya ito kaya paano ko ipagkatiwala si Darcey sa kanya.?Matanong lang kita kung may anak kang babae gustuhin mong manirahan kasama ang step father niya.?Sinong matinong ama papayag sa ganun set up.At lastly hindi ko partner si Selena Matabungkay.Yaya lang siya ni Darcey na kinuha ng mother ko.Atty. ka diba at logically mas may laban ako sa costudy ng anak ko.!"matatag na ani ni Neyo sa atty. na kaharap niya.
"Wag kang magkaila Neyo.Para makapag asawa ka ng matiwasay ibigay mo sa akin si Darcey.!Bibigyan kita ng visiting rights naman."atat si Sabrina mapasakanya ang anak dahil yon ang demand ni Richard mismo.Ayaw nitong mag ampon pa sila ng bata.Di siya papakasalan nito kung di niya makuha full costudy ni Darcey.
"Makikisabat lang atty. ang alam ko inoperan ng anak ko ng kasal yang babae na iyan.Ang ginawa niya nag impake ng gamit dahil sobrang kinokontrol daw siya ni Neyo.Tama bang ke lakilaki na ng tiyan niya pupunta siya sa bar at mag iinom doon kasama mga kaibigan niya.?Kamuntikan pang makunan siya dahil sa alcoholic iyan.Kaya tama lang di ibigay ng anak ko ang apo ko sa kanya.Sabrina tatawagan ko ang DSWD kung ano ba dapat kay Darcey.Pareho kayong busy ni Neyo.Kung pwedeng ako na lang maging guardian ni Darcey papayag ako.Di pa rin kayo mananahimik na dalawa.May trauma na ang apo ko.Siguro naman mangingialam na ang DSWD sa bangayan ninyong dalawa.Hihilingin ko sa korte na mapapasaakin costudy ng apo ko.Makakaalis na kayo Atty. kung gusto ninyo kausapin si Neyo wag sa pamamahay ko.Neyo kagagaling lang ni Selena tapos madadamay na naman siya.Diba sinabi ko na wag kang mandamay ng sinuman.Kung di mo paalisin ang babaeng ito itatapon ko sa labas ng gate mga damit mo Neyo San Miguel.Wala akong pakialam sa nakaraan ninyo ni Sabrina na yan.Pero bakit pati ako di matahimik tang ina.Neyo tandaan mo gaano man katigas ulo mo ako pa rin ang Ina mo.!"maawtoridad na ani ni Imelda sa mga ito.
"Neyo di ako makakapayag na mapasayo ang costudy ni Darcey.!"pahabol pa ni Sabrina bago tuluyan umalis.
"Manang wag na ninyo basta papasukin ang babae na iyon sa pamamahay ko.At kahit sinong babae dapat sabihin ninyo sa akin.Neyo nightmare ang relasyon ninyo ni Sabrina.Sana matuto ka na sa pagkakamali mo.!"yon lang at umakyat na si Imelda sa kwarto nito.
"Anne mahirap ang mag asawa ng mayaman kay daming problema pala.Kaya tama asawahin mo si kuya Sunny.Wala iyong problema na nilalang.Masyadong makulit nga lang.Kung may kilala kang single ireto mo sa akin ha.25 yrs old na ako sabi ni Inay at Papa.Panahon na mag bf na daw ako.Saan ko naman hahanapin ang single na loyal sa panahon na ito.?Sa dubai mababaho yong Arabo.At takot ako sa mga foreigner malaki daw yong ano sabi ni Inay."malakas ang chismisan nila Selena habang nagliligpit ng pinangkainan sa mesa.
"May kilala ako yong bagong lipat sa kabila.Professor daw na nerd sabi nila single daw.Yong beauty mo di pang magsasaka lang Selena.Sobrang gwapito Selena pag may time abangan natin pasimple kung lumabas.Dapat sunggaban mo ang grasya.Maganda ka kaya lang nauunahan ka lage sa malalandi yata.Dapat medyo lumandi ka din para makahanap ka ng fafa."sulsol pa ni Anne kay Selena.
"Di kayo binabayaran para magchismisan lang."naiinis na pinatigil ni Neyo ang usapan mas lalong sumakit ang bunbunan niya.Malabo yata mata ni Selena di siya nakikita na gwapo din naman.Infact maraming pumipila maging mother lang ni Darcey.Pero bakit hate na hate nito ang isang halik lang niya.?Sobrang nasaktan ego niyang sa isipin wala siyang kaamor amor sa pagtingin ng isang Selena Matabungkay.
YOU ARE READING
Mr.Kupido
Humora story between kasambahay at ng amo niya na magkakainlaban sa isat isa