Mr.Kupido ☆ Part 18

69 3 0
                                    

Tuloy tuloy sila sa conference room.They have a meeting ulit na dadaluhan daw.
"G-goodmorning po Maam Selena.Kumusta na po kayo.?"trying hard naman si Jen magpapaimpress siya sa client nila na kasama ni Selena ngayon.
"Nagpapatawa ka ba Jen.?Ngayon mo lang ako kinumusta na nakikita mo naman akong ok na.?Nong naconfine ako di mo nga ako dinalaw diba.Kahit isang bulaklak di ka nagpadala.Bakit mo ako tinatawag na Maam ngayon.Nakalimutan mong inuutusan mo ako noon diba lage.?Siguro dahil lang sa mga kasama ko Jen diba.?Wag ka ngang trying hard ayoko sa mga pekeng tao na kagaya mo.Tabi ka nga sila dapat binabati mo wag ako."malditang hinawi pa ni Selena ang secretary ni Neyo na nag utos sa kanya kumuha ng ice tea para kay Sabrina.Dahilan kinaladkad siya ng isang lalake sa lobby.At ang masakit pa nakunan siya na di niya alam na buntis pala siya.Si Selena ang taong rumeresbak kung inaapi siya.Isa na nang aapi sa kanya ang secretary lang ni Neyo San Miguel.
Napahiya si Jen at namumutla siya.Nababasa niya na kapatid pala si Selena ng isang bussinessman na big client nila.Bibili din ito ng shares ngayon daw sa company nila.
"Ms.Selena Johnsons balita ko nakunan ka daw.Condolence pala iha."lumapit talaga si Mr.Venzuela kay Selena.Di pala basta basta ang misis ni Neyo.
"Pardon me po Im Mrs.San Miguel.Middle name ko po Matabungkay.Nagkakamali ka lang po ng nilapitan lolo.?"kumunot ang noo ni Selena di niya kilala ang matandang kaharap niya ngayon.
"Selena is right she is Neyo's wife kaya Mrs.San Miguel dapat.Selena lolo siya nina Steffi at Fatti.Kasexy ng outfit mo baka luluwa mata ni Neyo mamaya."masayang niyakap ni Gail si Selena.
"Ganito pala ang mga tao dito kahit di kilala binabati at nilalapitan.Hoy Joshua kelan ko ba binago ang apleyido ko.?Gusto ko lang tanggapin ang pagiging model.Di ko tinatanggap ang apleyido ninyo."baling ni Selena sa kapatid niyang tahimik lang naman.
"Ewan di ko alam kung bakit ka tinawag niyang Ms.Johnsons Selena."hugas kamay agad si Joshua sobrang maldita pa naman daw ng sister niya.
"Ate Seling may regla ka ano highblood ka na naman."birong ani ni Romy na bantay muna kay Selena 24/7.Dahil si Rodel di pa graduate sa pagiging pulis nito.Siya ganap na HRM at may offer na trabaho siya kay Neyo mismo.May bar and hotel daw ito at siya gagawin manager soon.
"Buti alam mo kaya ikaw Joshua umayos ka sasampalin kita ng napkin na may dugo makikita mo.!"banta pa ni Selena sa kapatid.
"Kuya dapat Im 5 yrs old older than you."napakamot na lamang sa batok si Joshua.
"Si Sunny lang ang kuya ko.Sa ibang bansa naman di uso ang kuya.Kasing edad mo ang mister ni ate Gail.Larry lang ang tawag ko sa kanya.Kaya wag ka lang magreklamo.!"mainit ang bunbunan ni Selena dahil may regla nga siya ngayon.
"Para lumamig ang ulo mo.Binilhan kita ng strawberry shake."biglang abot ni Neyo kay Selena ng shake.
"Thank you itong matanda na ito di ko naman kilala.Tinawag akong Ms.Johnsons.Ei married na ako sabi diba.?"nagsumbong pa si Selena kay Neyo.
"Its ok calm down maupo ka sa upuan ko Sweetheart.Enjoy mo na lang shake mo ok."malambing na ani ni Neyo binibaby niya si Selena talaga.
Di iyon nagustuhan ni Mr.Venzuela.Paano na ang isa sa mga apo niya.?Paano na ang plano niyang maging mister either ni Steffi or Fatti si Neyo San Miguel.?Mahinang dumiskarte ang mga apo niya.Di nila makuha kuha ang loob ng anak ni Neyo mismo.Di din naman nila inaasahan na biglang asawahin ni Neyo ang isang caregiver lang naman.Masyado lang silang kampante dahil nga sosyalera ang mga apo niya.Motto ng kagaya niyang matapobre.Ang tulad nilang mayayaman ay para lang sa mayayaman.
Tahimik lang si Selena habang nag uusap about bussiness ang mga ito.Nagpirmahan pa sila Neyo at Joshua.Di naman niya maintindihan ang mga pinagsasabi ng mga ito.Nagdrawing lang siya mukha ni Neyo na nakasuot ng Amerikana suit ang drawing niya.
"Sweetie pumirma ka dito.Ito dapat gamitin mo wag iyang pencil."natatawang binigyan ng ballpen ni Neyo si Selena.
"Para saan ba ito bakit kay dami naman papel pipirmahan.?Kahapon para sa contract modeling diba.?Eh ano naman ito tamad ako magbasa.Explain mo na lang sa akin."tanong ni Selena habang pumipirma.
"Isa ka na sa stockholder ng company.10 percent ang hawak mo.Kung di mo maintindihan kami na lang bahala ni Gail ok."biglang saad ni Neyo.
"Gagu ka talagang German dog ka.Sabi ko sayo kahit ibigay mo sa charity ang pera ng tatay mo wala akong pakialam."sinugod ng sabunot ni Selena ang kapatid niyang natatawa lang naman.Hinahayaan siyang sabunutan niya ito.
"Sayang naman teka para sa future iyan ni Darcey.At may natira pa ibinigay ko kay Jerry para sa mga expenses mo everyday."nakangiting ani ni Joshua kahit nagulo na ang buhok nito.
"Ay oo nga noh mahal ang tuition fee pag nagcollege na si Darcey.Ok may point ka doon.Magshopping din kami mga bata.Bibili kami ng madaming barbie sa mall.Ano tapos na ba ang meeting.?Susunduin ko pa ang anak ko sa skul."nakalimutan ni Selena na di na rin siya ang yaya ni Darcey.
"Sweetie nasa skul naman sina Anne at Glenda.May lunch meeting pa tayo mamaya.Tapos magtitingin pa tayo ng magandang tela para sa ilalaunch na mga damit at bikini.Mayang gabi may bussiness party tayong dadaluhan ni Gail."winiwelcome ni Neyo si Selena sa busy na mundong ginagalawan niya.
"Kahit maglunch nagmemeeting pa rin.Sobrang busy ninyo pala di na ako makalaro nito ng candy crush sa celpon ko."ngayon pala napapagod na si Selena sa schedule nila ni Neyo.
"Sis ML laruin mo tuturuan kita."gusto ni Joshua mapalapit ang loob niya sa kapatid niya.Kahit sa mga kapatid nito sa Ina.
"Mahirap iyong ML pero nabaliw silang tatlo sa laro na iyan.Nga pala birthday ni Papa Romeo.Sumama ka sa amin sa Tarlac.Welcome ka na daw sa pamilya namin.May binebentang malaking bahay daw malapit sa mansion.Tiningnan namin maganda modern ang datingan.Dream house namin ang ganun diba Romy.?Bilhin mo na bibisita lang kami araw araw doon."biglang chicka ni Selena sa half brother.
"Tamang tama pala naghahanap kami ni Joshua ng matitirhan dito sa Pinas Sis.Pakisabi sa kapatid mo kausapin ang nagbebenta bibilhin na namin ni Joshua."excited si Jerry sobrang close na kasi sila ni Selena.
"Romy itext mo si kuya Sunny now na.Baka maunahan pa tayo bilhin iyon.Tataniman ko ng mga mga halaman doon ha."inakbayan na ni Selena si Joshua.Kay saya naman ni Joshua dahil si Jerry na lamang ang tinuturing niyang pamilya kasi.Mga Tita at Tito niya walang pakialam sa kanya emotionally.
"Sweetie bakit di ka sa mansion magtanim.?"nakikiepal si Neyo sa usapan dahil tinapos na nila ang meeting.Papunta na sila sa opisina muna niya.Kasama din sina Joshua at Jerry sa lunch na iyon.
"May mga bata sa mansion pag maraming pananim madami ding mga lamok Neyo.Mas ok sa mga bata may malawak na matatakbuhan na bakuran.Excercise nila din iyon."pagpapaliwanag ni Selena.
"Selena ok na ba talaga.?Sorry di kita naabutan agad."biglang nalungkot si Gail kung maalala niya na namatayan ito ng anak.
"Mahirap ang process ng acceptance diba ate Gail.Pero sabi ni Inay talagang ganun ang mapaglarong buhay.May malas na preggy na Ina at may hindi.Pasalamat pa rin ako ok pa ang ovary ko."seryosong ani ni Selena.
"So may plan ka pang mag anak kayo ni Neyo in the future.?"curious na tanong ni Gail alam niya na gustong itanong iyon ni Neyo kay Selena mismo.
"Will sa ngayon pokus muna sa pagmomodel daw.One day if di kami maghiwalay oo naman ate Gail.Gusto ni Darcey ng kapatid.At talagang masaya kapag maraming kapatid si Darcey.Sana mga babae lahat.Kasi pag si Darcey lang babae.Ayoko matulad sa akin na boring ang life.Maglalaro ako ng barbie ako lang mag isa.Sasabihin nilang tatlo sige babantayan na lang namin mga manika mo.Buti na lang mga anak ninyo ate Gail mga babae may nakalaro si Darcey kahit papaano."kay daldal na ni Selena ngayon sa wakas nagbalik ulit ang sigla niya.Mahirap tanggapin sa puso niya ang pagkamatay ng baby niya.Pero inisip niyang may plano ang Dyos para sa kanya.At pagsubok lang iyon sa buhay niya.Mas lalo siyang naging matatag at naging matapang ngayon.

Mr.KupidoWhere stories live. Discover now