Tatlo na ang kalaban ni Selena sa company ni Neyo San Miguel.Sina Jen,Steffi at Fatti plus pa ni Sabrina.Nahawakan ni Sabrina agad sa leeg kasi si Richard.Sisirain niya daw ang reputasyon nito kung patuloy siyang saktan nito.Dahil baliw din si Richard kay Sabrina.Kinasal talaga sila sa civil lang.Tago sa pamilya ni Richard.Mahihirapan na silang kunin kasi si Darcey dahil nangingialam na ang taga DSWD.Pinadalhan ng notice sina Sabrina na wag ng lalapitan pa ang bata.Dahil emotionally abuse daw ito sa real mother nito.Makukulong daw silang dalawa kung patuloy nilang guguluhin ang pamilya ng batang si Darcey San Miguel.Kaya mag iimbento sila ng kwento na may naanakan si Richard at inako daw ni Sabrina.Nakahanap sila nang aampunin.At naging mabango ulit ang image ni Sabrina sa pamilya ni Richard.Kaya lumakas ang loob ni Sabrina na harapin ulit si Selena.Gamit ang naipon na pera mag iinvest daw din siya sa company ni Neyo.Kaya andun siya sa company building nito.Dala dala pa ang ampon nitong batang lalake na.Kasama ang yaya tulak tulak ang stroller.Sexy na ulit si Sabrina at sopistikada itong tingnan.May appointment siya kay Neyo daw.Kaya nakaakyat siya sa opisina nito.
"Hello pasok po kayo Maam Munoz."di kilala ni Jen ang ex gf ni Neyo na ina ni Darcey.
"Bring me an ice tea please."maarteng umupo si Sabrina nagtanggal ng shades at naka cross legs pa.
"Selena kumuha ka ng ice tea sa baba dali na."baling naman ni Jen kay Selena.
"Tse siya ang inuutusan pero sa akin ang bagsak."padabog na ani ni Selena wala siya sa mood dahil nasa opisina ni Neyo si Sabrina.Inaatake siya ng selos for the first time.
"Where are you going.?Idedeliver na yong sopang pinili mo Sweetie.Hintayin mo na lang tayo na."hinila ni Neyo si Selena pero ayaw itong magpahawak.Iniismiran siya nito tapos tuloy tuloy ito pumasok sa elevator.Di na niya ito naabutan pa.Nagtaka siya kung bakit wala sa mood si Selena.Naisip niya baka may period or buntis na ang asawa niya.Excited niyang tinawagan si Gail para magpacheck up sila sa OB.
"Kung may period si Selena di na kelangan ipacheck up Neyo.Will kelangan niyang matingnan ang ovary niya kung ok ba.Kung may problema dapat maagapan pa."ani naman ni Gail kaya sinundan niya si Selena sa cafeteria.Sabi ni Jen kumuha daw ng ice tea.Pero laking gulat niyang may kumakaladkad kay Selena sa exit.Tinatakpan nito ang bibig para di makasigaw.Sinundan ni Gail sa may hagdan si Selena.Naitulak ng nakamask na lalake si Selena kaya nahulog ito sa hagdan.Duguan ang binti nito at nawalan ng malay.Dali daling tinawagan ni Gail si Neyo at tumawag ng ambulance.
Samantalang tuwang tuwa si Sabrina dahil success ang plano niya.Di man napatay si Selena pero nasa ER ito ngayon.Mayamaya pa lumabas ang doctor.
"Im sorry Mr.San Miguel nakunan ang misis mo.3 weeks preggy na sana siya.Di niya yata alam kasi 3 weeks pa lang naman.Di na namin nasalba ang fetus niya.Ooperahan ang matres niya para malinisan ito."malungkot na pagbabalita ng OB.
"No makakaanak pa ba siya ulit Doc.?"umiiyak na tanong ni Neyo.
"I think kelangan ng 1 year bago magkababy ulit kayo.Di advisable sa mother na nakunan na mag anak ulit agad agad.Para walang problema sa pagbubuntis niya."ani ng doctor.
"Thanks god walang problema kung maghihintay ako ng maraming taon.Basta ok lang ang misis ko Doc.Thank you naisalba mo ang asawa ko."nagpapasalamat pa rin sa Dyos si Neyo dahil walang masamang nangyari sa misis niya.
"Neyo itutuloy ba natin ang pirmahan ng contract.?Kanina pa ako naghihintay dito.!"reklamo na ni Sabrina naiinis siya dahil di tuluyan nabaog si Selena tulad niya nong makunan siya sa second baby niya.
"I said mas mahalaga ang asawa ko Sabrina.Bakit atat kang makapag invest sa company namin.?Siguro may kinalaman ka sa pagkidnap sana kay Selena noh.?Galit siya sa akin dahil siguro nakita ka niyang pumasok sa opisina ko.Wala akong panahon sayo aayusin ko pa ang room ng misis ko."tinalikuran ni Neyo agad ang bruha niyang ex gf.
"Sabrina ito ang tandaan mo isa ka sa suspect sa nangyayari kay Selena.Binabalaan kita Sabrina wag mo nang ituloy ang balak mo.Dahil sisiguraduhin ko din luluha ka ng dugo."matinding banta ni Gail kay Sabrina bago sumunod kay Neyo.
"Damn you Selena Matabungkay.May lahi ka yatang mangkukulam.Kinulam mo yata ang mga malalapit kay Neyo.Di ako papayag na tuluyan mong maagaw ang mag ama ko."gigil na bulalas ni Sabrina sa kawalan.
Nang malaman ni Selena na namatay ang baby niya.Tulala siya at ayaw kumain.Ayaw niyang kausapin ang mga tao sa paligid niya.
"Mommy ayaw mo na ba sa akin.?Good girl na ako Mommy ko."umiiyak si Darcey kaya biglang natauhan si Selena.
"M-malungkot lang si Mommy namatay ang first siblings mo.Nasa heaven na siya Darcey.Di na natin siya makikita."hagulgol ni Selena nailabas niya ang emotion niya.
"Dont worry Mommy Im here naman diba.?I always here for you no matter what."mahigpit na niyakap ni Darcey si Selena.Lalong umagos ang luha ni Selena na tila isang baha.Si Darcey lang ang pwedeng lumapit sa kanya.Di niya pinapansin lalo na si Neyo.May narinig siyang chismis na kinahihiya daw siya nito.At madami talagang naging gf or fling si Neyo San Miguel.Pakiramdam ni Selena inasawa lang siya ni Neyo dahil kay Darcey.Nagself pitty siya ngayon lalo namatayan siya ng anak.
"Anak talagang masakit ang makunan.Kaya intindihin mo na lang si Seling ha."malungkot na ani ni Linda sa manugang niya.
"Opo atleast kumakain siya kung sinusubuan ni Darcey.Naiintindihan ko po ang kalagayan ni Selena."awang awa si Neyo sa misis niya.Naospital ulit ito ngayon emotionally depress pa ito.
"Ano bang klase kang mister ha Neyo.?Pinabayaan mo ang manugang ko.Tang ina security system sa company.Lahat sila dapat mawalan ng trabaho."maawtoridad na deklara ni Imelda.
"Lunch break na kasi iyon Tita Imelda.Kaya wala yatang bantay sa security CCTV."inaamin nina Gail na nagkulang sila ng security nga.
"Next year makukuha ko na ang diploma ko.Kunin nyo na lang akong bodyguard ninyo ni ate Seling kuya Neyo.Sa tingin ko yong mga babaeng naghahabol sayo ang may utos na kidnapin si ate Seling.Delikado ang buhay ng ate namin."galit si Rodel kay Neyo dahil nasaktan na naman ang ate nila dahil sa pamilya nito.
"S-sorry naging kampante ako sa lagay na iyon.Sige tanggap ka kaagad ngayon pa lamang Rodel."agree si Neyo sa sinabi ng kapatid ni Selena.
"This year di muna ako magtatrabaho babantayan ko si ate sa company ninyo mismo.Galit kaming dalawa sayo Neyo alam mo ba iyon.?Una nasugat si ate sa bubog dahil sayo.Tapos ngayon nakunan siya.Baka sa susunod mamatay na talaga si ate Seling.Nawawalan kami ng bilib sayo Neyo San Miguel.Dahil kay Darcey di namin susulsulan si ate na hiwalayan ka.Pero dapat hiwalay na kayo ng kwarto or tirahan.Pabibisitahin lang namin si Darcey doon.Dapat secretary na lamang ang papel ni ate sayo Neyo San Miguel."biglang saad ni Romy di sila natutuwa ng makunan si Selena dahil kay Neyo.
"Pati ako galit sayo Neyo.Nasa malapit na si Seling sayo.Pero di mo kayang protektahan.Nagrenta na ako ng apartment.Doon muna kami titira lahat.Si Anne ok lang stay in sayo ayaw niyang iwan si Darcey daw."pati si Sunny galit kay Neyo.
"Intindihin mo na sila Neyo.Sila ang tagapagtanggol kasi ni Seling.Pahupain mo muna ang galit nilang tatlo."walang nagawa din si Romeo sa desisyon ng tatlong mga anak niya.
"No si Selena dapat magdesisyon ng bagay na iyon.Tatanungin natin siya kung aalis ba siya sa mansion."sobrang nasaktan si Neyo wala pa silang 1 year nagsasama ni Selena.Pero ilalayo ng mga kapatid nito ang misis niya.
"Tama kelangan si Selena magdesisyon sa bagay na ito mga dude."tinulungan ni Larry ang kaibigan.Mahirap iyon para kay Neyo talaga.
Nagdesisyon nga si Selena na sumama na sa mga kapatid niya muna.Tsaka na niya iisipin ang ibang mga bagay.
"Selena please dont leave me Im sorry namatay ang baby natin.Pakiusap wag kang umalis please."lumuhod si Neyo sa paanan ni Selena.
"Dahil ba kay Darcey kaya lumuhod at umiiyak ka ngayon ha Neyo.?Dont worry di ko iiwan si Darcey kahit pa hiwalayan mo ako."walang kangiti ngiti na sambit ni Selena kay Neyo.
"Nong isang araw ok ka pa diba Selena.?Bakit bigla ka na lang naging malamig sa akin.?"maang na tanong ni Neyo.
"Tanungin mo ang sarili mo Neyo San Miguel.Binale mo ang pangako mo sa akin na di na makipagkita kay Sabrina.Paano ako maniniwala sayo kung sincere ka ba ngayon or hindi.?Naging katawa tawa ako sa company ninyo.Dahil kay dami mo palang ex gf.Baka pati yong Jen natikman mo din Neyo San Miguel.Kaya magreresign na rin ako sa trabaho.Ayoko pinagtatawanan ng sinuman.Di ako maghahabol din sayo dahil lang mahal na kita Neyo.Di ako KSP tulad sa mga babae mo.Ayoko pumipila mapansin mo lamang Neyo San Miguel."puno ng galit ang mga mata ni Selena.Di siya din martyr na nilalang.
Sinunod na lamang ni Neyo ang sinasabi ng mga byenan niya.Palipasin niya muna ang galit ng mga ito.Pero pati ang anak niyang si Darcey sumama kay Selena.Buti naman para atleast may alibi siya mabisita lage ang misis niya.
YOU ARE READING
Mr.Kupido
Humora story between kasambahay at ng amo niya na magkakainlaban sa isat isa