Mr.Kupido ☆ Part 11

48 4 0
                                    

Dumating naman sina Fatti at Steffi na nagbabangayan pa.May kasama pa itong mga empleyado kabilang sa design team.
"Neyo di totoong may asawa ka na diba.?Nagsasalita ng nonesense si Steffi lang naman.Isa lang sa ambisyosang yaya lang iyong maid ninyo diba.?"sunod sunod ang tanong ni Fatti.
"Fatti Venzuela watch your languange nasa pamamahay kita.Ako mismo ang may gustong asawahin ni Neyo si Selena.Dahil gusto siya ni Darcey maging Mommy.!"bulyaw na ni Ismeralda sa mga ito.
"T-tita naging kami din ni Neyo.At willing din akong alagaan naman si Darcey."pamimilit din ni Fatti sa kanyang sarili.
"Pareho pareho lang kayong yaman lang ni Neyo ang habol.Matapobre at mayabang din kayong magpinsan.Ayokong magkaroon ng manugang kagaya ninyong walang respeto man lang sa sarili.Tingin ko binaba ninyo ang dignidad ninyo.Para ipagpilitan ninyo ang sarili sa pamilya namin.Di pala kayo naturuan ng mabuting asal."dismayado si Ismeralda sa dalawa dahil kaibigan niya ang mga Ina nito.
"Hoy babae sabihin mo nga kung anong lamang mo sa amin.?Kinulam mo yata ang anak ni Sabrina noh.?"malditang baling ni Steffi naman kay Selena.
"Aba malay ko tanungin ninyo si Neyo.Marahil mabango at mas masarap puday ko sa inyo yata.Yon siguro lamang ko sa inyo."taas lang ang kilay ni Selena patuloy ito sa ginagawa.
Naibuga ni Neyo ang iniinom na kape at namumula sa katatawa.Halagpak din ang tawa nina Jigz at mga kasambahay na tumulong kay Selena sa decoration sa birthday party ni Darcey.Sabi ni Selena wag na daw magastos na maghire pa ng magdecorate.Snacks lang daw ang dapat bilhin ni Neyo.Total madami naman daw sila doon.Mahilig sa art si Selena di niya napursue ang hilig dahil kelangan niyang magtrabaho para tumulong sa pagpapatayo ng two storey na bahay nila.
"Bunganga mo talaga Seling di mapipigilan.Pero congrats naranasan mo na sa wakas ang ganun."natatawang proud pa si Sunny sa kapatid.
"Hoy kayo di ko kayo dinala dito para tumawa.Kumilos na kayo ako dapat magdesign sa birthday party ni Darcey."walanghiyang ani ni Fatti talagang kay yabang na nilalang.
"Kayo umalis na kayo ngayon din sa pamamahay ko.Marami pa kaming gagawin.Wag nyo kami abalahin next week na ang birthday party ni Darcey.!"bulyaw na pagtataboy na talaga ni Imelda sa magpinsan na sobrang yabang.
"At mga employee namin kayo hindi ba.?Bakit kayo naging sunod sunuran ni Fatti.?May extra bayad ba kayo ha.?Kelangan kayo sa company bakit kayo sumama sa kanya aber.?"nakapameywang na si Gail siya ang vice president ng company nina Neyo San Miguel.Magulang niya pangalawa sa may malaking shares sa company.Nagkamabutihan sila ni Jigz kaya they are married for 10 yrs.At may anak kasi silang 1yr at a half kaya nagmaternity leave si Gail.Tulad ni Neyo ngayon sa bahay siya nagtatrabaho.
"Maam Gail sabi kasi ni Maam Fatti birthday ng anak ni Mr.CEO.Kelangan daw ng magdesign sa mansion.Siya po ang head designer namin kaya di kami makareklamo po."inosenteng pagpapaliwanag ng isang empleyado.
"Fatti kung gusto mong manatili sa posisyon mo wag mo ng utusan sila outside sa company or di related sa company.Sobra ka palang makatrato sa nasasakupan mo.Gusto mo silang maging alipin lahat.Di ikaw ang nagpapasweldo sa kanila right.?"galit na ani ni Gail kay Fatti.
"Gail Meranda di nga nagagalit ang CEO.At isa pa importante ang birthday party ni Darcey diba.?"giit pa ni Fatti.
"Call me Maam Fatti Venzuela matuto kang tawagin ako ng Maam.Gusto mo bang palitan ako sa trono ko ha.?Kaya gusto mong asawahin si Neyo.?Mr.CEO ano may karapatan ba akong ilipat si Ms.Venzuela sa mababa na posisyon right now.?"maawtoridad na tanong ni Gail kay Neyo.
"Of course you are the Vice President Gail.Di mo na kelangan tanungin iyan.At isa pa hanggang CEO ako walang sinuman ang papalit sa pwesto mo.Kay dami mo ng naitulong sa akin.Ei iyang babae na iyan lage na lang palpak ang team nila lately.Siya ang walang pakinabang sa totoo lang.Fatti at Steffi uulitin ko fling lang namagitan sa atin.Kaya mas matimbang sa akin si Selena San Miguel compare sa inyong lahat."deklara na din ni Neyo kelangan nilang umaksyon ni Gail para di mamihasa itong si Fatti sa company na pinaghirapan nila ng maraming taon.
"N-no I mean give me a chance Mrs.Meranda.B-babalik na kami sa trabaho ngayon.Just give a last chance Maam please."biglang bumahag buntot ni Fatti kararampot lang ang share ng lolo nila sa company nila ni Neyo.Kaya dapat isa daw sa kanila ni Steffi maging asawa ng CEO.Pero di na mangyayari ang inaasam nila.Di pala si Sabrina ang karibal nila.Di sila nainform na matindi ang laban ng isang yaya na kagaya ni Selena.Biruin nila gusto ni Imelda at Darcey ito.Samantalang sila ni Steffi halos magpatayan na.Maging asawa lang ni Neyo San Miguel.
"Last chance mo na ito Fatti.At kayo kung aabuso pa itong si Fatti.Sabihin ninyo directly sa akin maliwanag ba.?"naniniwala si Gail na pwede bigyan ng last chance si Fatti.Baka aapila yong mayabang na lolo nito.
"Umalis na kayo mga bata lang imbitado di kayo matatanda.Ayan ganito dapat Neyo yong design na mga bulaklak na kakabit natin sa gilid gilid."madami ng nagawa si Selena while nagbabangayan sila.
"Ang ganda nag aral ka ba ng design Selena.Tamang tama may allergic ang bunso ko sa totoong bulaklak.Mas mabuti ito diba Babe.?Turuan mo ako kung paano."biglang kumalma si Gail at tumabi kay Selena.
"Oo Babe busy kami sa pagpalobo ng mga balloon.Tingnan mo bunso mo tumulong sa paghihip sa balloon."si Jigz parang nasa ibang dimension naman.Nakatuka sila sa pagpapalubo ng balloon.
Na out of place ang magpinsan.At iniwan na si Fatti ng kanyang mga empleyado.Tiyak na tampulan siya ng chismis sa working place nila.Sobrang yabang kasi niya dahil daw may tendency daw siya ang maging asawa ni Neyo San Miguel.Pero iba ang nakaupong reyna sa kahiraan ni Neyo pala.Will di pa publicly sinabi ni Neyo iyon.Baka sabi sabi lang iyon.Baka may pag asa pa silang magpinsan.
Samantalang nag away na naman sina Sabrina at Richard.Silang dalawa di imbitado sa birthday party ni Darcey mismo.
"Richard banned na ako sa mansion nila.Kung pupunta ako baka kasuhan ako ng tresspassing nong mother ni Neyo.Isa din balakid yong yaya ni Darcey.Ang sabi sabi kasal na daw sila ni Neyo sa civil.?Damn it talagang malandi iyong babae na iyon."sa loob loob ni Sabrina nasasaktan siya sobra.Dahil tuluyan nang mawawala sa kanya si Neyo.Dahil kinarma na yata siya pinili niya si Richard over him.
"So bitter ka Sabrina dahil may asawa na si Neyo ganun ba.?Diba mas pabor sa atin iyon makukuha na natin si Darcey.!"ideya ni Richard dahil parang tagilid siya sa angkan nila.Wala daw siya ni isang anak man lang.Wala daw magmamana sa pagiging CEO balang araw kung mananatili siya sa position.Sa company nila madami siyang mga pinsan na gustong angkinin ang position niya.Dahil di sila magkaanak ni Sabrina talagang tampulan sila ng chismis din sa mismong angkan nila.Gusto ng lola at lolo niya ang anak ni Sabrina.Kaya kahit anong paraan dapat makuha ni Richard ang bata mula kay Neyo San Miguel.
"So sinasabi mong ilalaban natin si Darcey ha Richard.?Baka di totoong ikinasal si Neyo.Nagpirmahan na kami na di ko na siya guguluhin pa Richard.At isa pa kelangan ko pang makumbinse si Darcey na sumama.Wag mo kasi ako pinipressure.!"reklamo na ni Sabrina sa partner niya.
"Iba yata ang gusto mong mangyari Sabrina.Kahit pa mapunta ako sa kangkungan isasama kita doon Sabrina.Akin ka lang naintindihan mo.I invested a lot to you.Wag mong pangarapin pa bumalik sa kandungan ni Neyo."biglang sinabunutan ni Richard si Sabrina.Possesive na tao siya at competitors.Gusto niya pati ang anak ni Neyo nasa sa kanya.Para gagapang daw si Neyo sa putikan dahil sa kalungkutan.Subalit hanggang pantasya lang si Richard.Mabigat na kalaban si Neyo San Miguel.At ang katotohanan na baog siya pero si Neyo hindi.Malas pa dahil naputulan ng ovary si Sabrina.Di sila magkaanak kahit ibang lalake pa gumalaw kay Sabrina.Kung mabubuntis ito ok lang sana ipalabas nilang sa kanya ang bata.Madali lang magsinungaling kung makikita ng angkan nila na lulubo ang tiyan ni Sabrina.Pero pareho silang di magkaanak.Tanging si Darcey na lang ang pag asa nila.Pero paano nila makukuha ang bata kung ayaw nito sa real mother nito mismo.?Malaki na si Darcey kaya na nitong magsabi sa korte kung sino ang sasamahan nito.
"Oo na gagawa ako ng paraan Richard makuha lang si Darcey."umiiyak si Sabrina dahil nagsisi siyang pinili niya si Richard kesa maging asawa ni Neyo.Di ito nanakit kinokontrol lang nito bawat galaw niya noon.Pero itong si Richard dahil madami na itong naibigay sa kanya.Ginawa na siyang alipin nito lately.Dahil daw di nito makuha kuha ang anak niya.Takot din siyang ibasura siya ng parents nito.Kaya pipilitin niyang kunin si Darcey.Naisip niyang sindakin si Selena ang apple of the eye ni Neyo ngayon.Ayaw niyang tanggapin na kasal na sina Neyo at Selena.Umaasa pa siyang makabalik sa poder ni Neyo San Miguel balang araw.Feeling ni Sabrina malaking koneksyon nila ang anak nilang si Darcey.

Mr.KupidoWhere stories live. Discover now