Mr.Kupido ☆ Part 5

62 3 0
                                    

"Tse bilisan na natin Anne.Para maaplyan mo na ang sugat ko ng ointment.Mag iipon ako para mangderma sa likod ko.Marami ng piklat diba.?"bilang babae concious din si Selena sa looks niya.
"Ako na mag aaply ng gamot ay este ako na ang magpaderma sayo pagtuluyan ka nang gumaling Selena."natataranta si Neyo ngayon sa harapan ni Selena.
"No thanks makakautang na loob pa ako sa inyo Sir."binilisan ni Selena ang kilos dahilan medyo kumirot ang sugat niya.Napangiwi siya at lumapit agad si Neyo.
"Di pa fully ang recovery mo rest ka muna Selena."pinaupo ni Neyo ang dalaga at dali dali ang ibang katulong tumulong kay Anne sa mesa.
"Diba kanina lang sabi ninyo Sir di kami ni Anne binabayaran para magchismisan.Kaya dapat kumilos ako dahil malaki ang sahod ko."makirot pa rin ang sugat niya nakabenda pa ito.Ayaw niyang magstay pa ng matagal sa ospital.Bored na siya doon at kelangan ni Anne magtrabaho para sa pagpapakasal nito sa kapatid niya.
"Makirot na nga pero nagtataray ka pa rin."hinalungkat na ni Neyo ang kikay bag ni Selena.Organize talaga ito sa gamit nakita niya agad ang mga gamot nito.
"Hulaan ko naguilty ka no Sir.No need na thanks lumayo ka sa akin.Mas lalong kikirot ang sugat ko."binalik na ni Selena ng maayos ang mga abubot niya na nilabas ni Neyo.
"Hate mo talaga yong isang halik na iyon ha Selena.?So Im sorry for being rude.Im sorry na naoffend kita.But di naman yata masakit iyon kiss ko diba.?"seryosong tiningnan ni Neyo si Selena eyes to eyes.Mas maganda ito sa malapitan pala.
"Neyo San Miguel you dont understand.Sagrado para sa akin yong unang halik.Pagtawanan mo man ako aside sa Inay ko.Ikaw ang nagnakaw ng unang halik ko.Mahighblood yata ako sayo.Palibhasa di mo maintindihan ang virgin na kagaya ko.Wag mo ako masundan I hate you to the highest level."padabog na tinalikuran ni Selena si Neyo.
Nong gabing iyon parang nabaliw na yata si Neyo.Siya pala ang nakauna sa mga labi ni Selena Matabungkay.Kinilig siya kahit 30 plus na siya.Yong relasyon nila ni Sabrina parang college life lang.Attracted siya kay Sabrina kala niya true love na ito.Ngunit ng makasama niya ito.Tama ang Mama niya nightmare sa buhay niya ng makilala niya si Sabrina Llanez.
Kinabukasan maluwag na tshirt ang suot ni Selena para di masasagi ng husto ang sugat niya.Si Anne na naghahatid kay Darcey sa skul.Siya naman kelangan magaan lang na trabaho lang muna gagawin niya.While nagdidilig siya ng mga halaman.May pusang nakapasok sa bakuran nila.Tingin niya mayaman ang may ari nang pusa na iyon.Maamo iyon kaya kinarga na niya.
"Sino kaya ang amo mo.?Baka sa kabila ang may ari sayo.Ihahatid na kita ha."pet lover din si Selena kaso OFW siya yong mga kapatid lang niya nakapag alaga ng aso at pusa sa bahay nila.Nagdoorbell siya sa kapitbahay para tanungin kung ito ba may ari ng pusa.
"Mimi oh my god nakalabas ka pala.Di yata sinara ni Manang ang pinto agad.Nangapitbahay ka pala."kinuha agad nong binatang nakasalamin ang pusa.
"Di ba pwede talian yong pusa.Baka kasi manakaw kay ganda pa naman niya.Ako nga pala si Selena yaya sa kabilang mansion na iyan."nakangiting pagpakilala ni Selena sa sarili.
"Nice meeting you Im Mark Vergara.Thank you if may free time ka can I invite you inside.?Mag isa lang ako galing ako sa LA.Kaya wala pa akong gaanong kakilala dito."magiliw na ani ni Mark.
"Ok kung may day off ako mangangapitbahay ako.Taga Tarlac ako kaya wala din ako kilala dito kundi kuya ko at gf lang niya.Sige babalik na ako sa loob."paalam na ni Selena sana.
"Wait pwede ko ba makuha number mo.?"nilabas agad ni Mark ang celpon sa bulsa.
"Ok itype ko na lang hihingi ako sayo minsan ng pasaload ha bye."kumaway pa si Selena matapos maibigay number niya sa binata.
Umuwi si Neyo dahil may kukunin siyang papeles sa kuwarto niya.
"Where have you been.?"nakita ni Neyo na may kausap si Selena sa kabilang bahay.
"May pusa kanina nakapasok kaya hinatid ko na po sa kabila.Kakaiba yong nakilala ko sa kaharap ko ngayon.Sobra gentleman niya kumpara sayo lage nagagalit na walang dahilan.Nagdidilig ako ngayon lang ng halaman Sir.Di ako naglalakwatsa kung saan.Kakainis talaga kay laki ng mansion na ito.Bakit nagcross landas natin lage?."tinuloy ni Selena ang ginagawa.
"Im sorry sa kiss na iyon.Friendly ka sa iba pero sa akin bakit kay init din ng dugo mo.?"pinagpag pa ni Neyo tshirt ni Selena dahil maraming balahibo ng pusa.
"Dont touch me tsupe or else babasain talaga kita."banta pa ni Selena kay Neyo.
"The more you hate the more you love yata iyon."pilyong bulalas ni Neyo.
"Neknek mo Sir Neyo."sa inis niya binasa ni Selena si Neyo talaga.
"Selena babalik pa ako sa opisina."reklamo ni Neyo.
"Ei di magbihis ka problema ba iyon?."tinalikuran agad ni Selena si Neyo sa inis.
Ginawa ni Selena ang lahat makaiwas lang kay Neyo pero sinasadya nito na magtagpo talaga sila.
"Mama next month 10th birthday na ni Darcey.Ano ang gagawin natin.?Magtitingin ba ako ng venue sa children party.?"tanong ni Neyo sa Ina.
"Maam ayoko na pumunta sa bonggang party.Ayoko ulit magsuot ng masikip ng damit mahapdi pa yong likod ko po.Pass po dapat ako sa birthday ni Darcey."pasiuna na ni Selena umiiwas din siya sa mother ng alaga.
"Lola pwede sa house lang natin ang party diba.Para makasuot si yaya ng comfy na dress.?"ideya ni Darcey.
"Pwede iyon tapos yong ballon kami lahat gagawa.Sa decoration tulong tulong na lang kami.Maganda sa bakuran Madam pwede magkaroon ng palaro sa mga batang kaedad ni Darcey.Mababait ang mga kaklase at skulmate niya.Tinuruan ko si Darcey makipagkaibigan sa skul.Pwede niya imbitahan sila dito diba Darcey.?"segunda ni Selena sa alaga.
"Yes lola imbitahan ko mga klasmet ko.Sinasali na nila ako sa laro nila madalas lola."biglang naging excited agad si Darcey.
"Ok ano ang bibilhin ko Mama.?Maghire ba ako ng mascot.?"sumaya din si Neyo biglang naging excited si Darcey sa birthday party kasi nito.
"Selena ikaw na bahala sa decoration.Magshopping kayo ni Anne kung ano kelangan.Neyo dont bother ako na bahala sa catering at sa lahat.Ang gusto ko lang wag mo imbitahan iyong mother ni Darcey dito."di pa ok si Imelda sa anak hanggang may koneksyon pa ito kay Sabrina Llanez.
"Mama sorry kung nakikipagkasundo ulit ako sa kanya.Ayoko kasing guluhin niya si Selena."di kasi tinuloy ni Neyo ang harapan sa korte thats why galit pa ang Ina niya sa kanya.
"Ok lang po yong magkasundo ang parents ni Darcey.Mas ok din kung magkabalikan sila one day.Dahil maganda sa growth ng bata kung buo ang pamilya."casual na opinion ni Selena wala siyang pakialam sa bagay na iyon.
"Di iyon ang punto ko Selena.Di mo ba ako narinig ayoko lang awayin ka bigla ni Sabrina dahil sa issue namin sa anak namin."pagdidiin ni Neyo sa gusto niyang iparating kay Selena.
"Paano po nasali ako sa desisyon ninyo.?Yaya lang po ako ni Darcey.Or gusto mo lang talagang idamay ako sa komplikado na buhay ninyong dalawa.?Nag anak kayo tapos nandadamay kayo ng iba.?Bakit nong ginawa ba ninyo si Darcey kasali ako.?Kung di mo ako pinakilala sa party na magiging step mother ni Darcey.Payapa sana ang buhay ko ngayon.Masakit itong mga sugat ko sa likod.Di nadadala lang ito ng sorry Sir.Nanatili ako dito dahil sa trabaho.Kaya wag na ninyo ako idamay sa gulo ninyong dalawa.Madam bukas po ang day off ko bigyan nyo na lang ako ng pera para ako na bahala bumili sa kelangan sa dekorasyon sa party ni Darcey.Madam yong likod ko humahapdi ulit ipahinga ko lang ito ng maaga."pag iiwas ni Selena kay Neyo.
"Wag nyo imbitahin yong witch na iyon lola.Or else di na ako magpaparty."padabog naman umakyat na sa kuwarto si Darcey sumunod kay Selena.
"Neyo wag mo akong kausapin.Dahil pinapatunayan mo lang sa mga tao na bitter ka pa talaga hanggang ngayon.Kung umaasa kang magkakabalikan kayo ni Sabrina.Kalimutan mo ng naging Ina mo ako Neyo San Miguel.!"galit na nagwalk out din si Imelda paulit ulit lang ang gulo ng dalawa.Kung talagang mahal pa ni Neyo si Sabrina wala na siyang pakialam sa anak niya mismo.

Mr.KupidoWhere stories live. Discover now