Mr.Kupido ☆ Part 3

77 3 0
                                    

Hinabol sana ni Neyo si Selena sa labas pero mabilis itong nakasakay ng taxi.At umuwi na din sina Imelda dahil nagsisigaw si Darcey sa loob.Nagbabasag na ito dahil pinipilit ni Sabrina na wag umalis.Baka masira nila ng tuluyan ang party no choice si Sabrina pumayag siyang umuwi ang anak.Samantalang nag iimpake si Selena  agad agad.Walang oras siya sa drama ng pamilyang ito.Baliw ang amo niya dinadamay pa siya sa issue ng ex gf nito.
"Yaya dont leave me wait sasama na lang ako sayo.I pack my clothes right now ok."patakbo si Darcey sa kwarto nito mag iimpake daw.
Pero walang pakialam si Selena tuloy tuloy siya bumaba ng hagdan.
"Where is Darcey.?Selena di ka pwedeng umalis."kinuha ni Neyo ang maleta ni Selena ng mabilisan.
"Ibigay mo sa akin iyan kundi magwawala ako sa sala ninyo.!"sigaw na ni Selena kay Neyo.
"Calm down ok manang saan si Darcey.?"ayaw bitiwan ni Neyo ang dalawang maleta ni Selena.
"Nag iimpake ng gamit Sir."naiiyak na din ang mayordoma nila.
"Neyo aatakehin ako ng highblood sayo gagu ka.!"galit din bulyaw ni Imelda sa anak.
"Sinabi nang ibigay mo sa akin ang maleta ko.!"nagbasag na ng flower vase si Selena.
"Mahal iyan you cant afford that Selena.!"ani ni Neyo na natataranta kung sino uunahin niya.Isang pagkakamaling hinalikan niya si Selena.Tatlo kalaban niya ngayon.
"I dont care sinabing aalis na ako dito.!"hinahablot ni Selena ang maleta niya.
"Yaya wait for me.!"nahihirapan si Darcey humihila din ng maleta nito.
"Apo saan ka pupunta.?"napaiyak ng tuluyan si Imelda maglalayas din ang apo niya.
"Sasama na ako kay yaya ko.She treated me so will.Kaya I think siya lang nagmamahal sa akin.I hate you all ginagalit ninyo ang yaya ko."bulyaw ni Darcey kina Neyo at Imelda.
"Bata wala akong maipapakain sayo sa Tarlac.Akin na iyang maleta ko sabi.!"pero nakita ni Selena na aapakan sana ni Darcey ang bubog.Nagdive talaga siya doon para di masugatan lang ang bata.
"Oh my god ano bang ginagawa mo.?Tumawag kayo ng ambulance.!"gilalas si Neyo puro dugo na kasi si Selena.Niyayakap pa nito si Darcey bago mawalan ng malay.Saksi ang lahat na naging heroine ito.Kung di si Darcey ang maospital ngayon.
"Maraming sugat ang pasyente.Pinakamalalim sa likod banda.Pero ok na siya nasalinan na siya agad ng dugo.Papagalingin na lang sugat niya sa likod."ani ng doctor kaya nakahinga sila ng maluwag.
"Madam umuwi na kayo kami na po ang bahala sa kapatid ko.Kung gagaling siya iuwi na lang namin siya sa Tarlac.Di alam ni Inay naaksidente si Seling.Tiyak na nerbyusin iyon.Sana po di na ninyo pinigilan siya dahil sobra talaga siya kung magalit."ani ni Sunny na kasama ang gf niyang si Anne na nakakita sa eksena.Sinalba ni Selena ang bata kaya nagdive ito sa maraming bubog.
"Sasama po ako sa yaya ko.Aalagaan ko po siya Tito."haplos haplos pa ni Darcey ang buhok ni Selena na nakadapa pa.Backless ang suot nito dahil yong mga sugat sa likod ang madami.
"Iuwi nyo na po ang anak ninyo Sir.Baka sabihin ninyong ginayuma siya ng kapatid ko.Di siya pwedeng alagaan ni Seling ngayon."ayaw magalit si Sunny sa harap ng bata.Pero galit siya kay Neyo San Miguel.Tama ang mga katulong na pinaalis nito masama ang ugali ng lalake.
"No ayoko sasama ako sa yaya ko.Dont you dare Daddy kahit pigilan ninyo ako lalayas ako papunta Tarlac.!"buong determination saad ni Darcey.
"Sunny maawa ka sa bata wala siyang kasalanan naman.Hayaan mo na Sunny."mabait din itong si Anne tulad ni Selena maawain sa mga bata.Pag bata yon ang kahinaan nilang dalawa yata.
Nagpaiwan si Darcey talaga kasama yong gf ni Sunny.Dahil namamasada pa ang kapatid ni Selena.Dahil sa sugat sa likod di makahiga ng maayos si Selena.Mahapdi din iyon kung wala ng bisa ang pain relever.Ganun pa man mas ok iyon para sa kanya kesa si Darcey ang nasugat sa binasag niya.Magiguilty pa siya forever.
Samantalang pumunta si Sabrina pumunta doon sa ospital.May dalang pamalit siya kay Selena bilang yaya ng anak daw.
"Sabrina kung wala kang malasakit sa babaeng nagligtas sa anak mo.Pwede bang wag kang magpakita sa akin.?Ayoko layasan ako ng apo ko dahil sa pag aaway ninyo ni Neyo.Nandadamay kayo ng tao alam mo ba iyon.?Wag mong hintayin na isumbong ko kayo sa DSWD.Emotionally traumatized si Darcey.Yon ang sabi ng psychologist na tumitingin sa kanya.Baka kayo ni Neyo tanggalan ko ng karapatan sa anak ninyo mismo.Yong bangayan ninyo di matapos tapos.At nadadamay pa si Selena kahit clueless sa history ninyo ni Neyo."galit na litanya ni Imelda.
"Kung magpapakasal na si Neyo.Ibigay na lang niya sa akin si Darcey.Hindi na ako manggugulo pa."demand pa ni Sabrina.
"Over my dead body Sabrina. Wag ka dito manggulo di pa magaling si Neyo."dumating si Neyo na marami ng pagkain at damit para sa anak niya.
"Di mo ako mapipigilan Neyo."nagpupumilit pumasok si Sabrina sa loob ng kwarto.
Nakikita nila ang paghihirap ni Selena while lagyan ng gamot ang mga sugat niya sa likod.
"Anne sobrang hapdi."napaiyak si Selena hawak hawak ang kamay ng gf ng kuya niya.
"Tiisin mo lang Ms.Matabungkay kelangan linisan at lagyan ng gamot ang sugat.Dont worry bibigyan ka namin ng high dosage na pain relever."sabi ng nurse sa sugat.
"Mga nurse pwede bang magrequest wag ninyong papasukin ang dalawang iyan.Mas lalong sasakit ang sugat ko."turo ni Selena kina Neyo at Sabrina.At mabilisan nagsign ng middle finger siya sa mga ito.
"Kung di po kayo ang kaano ano ng pasyente pwede po ba kayong lumabas.Fresh pa po ang mga sugat niya.Kung maraming bisita baka mainfection po pa Maam Sir."pinalabas ng isang nurse sila Imeralda.
"Pero anak ko iyong bata.Gusto ko lang makausap si Darcey."giit ni Sabrina talaga.
"Palabasin ko na lang po ang bata.Dapat isang bantay lang makakapasok sa pasyente.Yon ang bilin sa amin ni Doc.Humiling kasi yong pasyente ng katahimikan.Di po basta basta sugat yong natamo niya.Malalim po yong isa sugat at malaki po ang tahi.Kung magpupumilit po daw kayo.Pwede ang pasyente tumawag ng pulis at magsumbong sa DOLE.Kasambahay ninyo po pala siya.At kwento niya inaabuse ninyo siya Sir Neyo San Miguel.Gusto daw niyang umalis na sana pero pinipigilan ninyo.Dahil daw sa bata di sila magsusumbong sa DOLE.Marami daw nagrereklamong katulong sa ugali ninyo Sir.Ayon naman iyon sa bantay niyang kasambahay dati sa kapitbahay ninyo."mahabang saad ng nurse.
Natatahimik sila dahil talagang di biro pala ang sugat na natamo ni Selena.
"Ayoko sumama isa sa inyo.Dito lang ako sa ospital.Titingnan ko si yaya at kung uuwi siya sa Tarlac sasama na ako sa kanila."deklara ni Darcey na talaga.
"Darcey ako ang Mommy mo at hindi siya.Neyo baka under spell ang anak ko sa babaeng iyon.Ilang araw pa ni Darcey na yaya yong Selena na iyon.Bakit sasama ang anak ko sa babaeng iyon.?"di makapaniwala si Sabrina.
"Dahil sa wala kang kwenta na Ina.Bago pa lang dumating si Selena naman ayaw na sumama sayo si Darcey.Wag mong pagbintangan na kinulam niya ang apo ko.Yong pag aalaga bilang isang Ina pinaramdam iyon ni Selena mismo.Ikaw puro ka lang suhol Sabrina.Neyo lubayan mo na si Darcey.Kung patuloy pa kayong mag aaway nitong maldita mong ex gf.Mas mabuti pang lumayas ka na lang din sa pamamahay ko.Kukumbinsihin ko si Selena wag iwan si Darcey.At sa labas kayo ng mansion ko magbangayan forever.Nang dahil sa inyo naaksidente si Selena.Kung di niya sinalba si Darcey.Marahil ang apo ko yong nakaratay sa ospital bed.Nakikita nyo ba ang mga sugat ni Selena ngayon.?Sa tingin ninyo ba kung si Darcey iyon nasugat.Makakasurvive pa ba ang apo ko.Malamang hindi tang ina ninyong dalawa.Pareho lang kayo pataasan ng ihi.Si Darcey ang kawawa natraumatized siya sa pag aaway ninyo ng dekada na.Neyo kahit anak kita di maganda ang pag uugali mo.Sa tingin mo ba makokontrol mo sa pera mo ang pagkatao ng may dignidad na si Selena.You both are not deserving na maging parents ni Darcey.Darating ang personal bodyguard nila.Di na ninyo malalapitan pa sina Darcey at Selena.Gagawin ko ang lahat lumigaya lang ang apo ko habang nabubuhay pa ako Neyo at Sabrina."napupuno na ang salop ni Imelda kelangan niyang tapusin na ang pagdadamay ng mga ito sa mga tao sa paligid kung mag aaway sila ng walang humpay.
Natatahimik si Neyo tama ang Ina walang mangyayari sa buhay niya kung lage niyang papatulan si Sabrina.Dahil siguro doon itong ex gf niya namimihasa.Kakausapin niya ang attorney niya na ilaban na lamang full costudy niya kay Darcey.Ayaw na niyang magkaroon pa ng koneksyon kay Sabrina Llanez.

Mr.KupidoWhere stories live. Discover now