ZACH'S POV
Sht. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang nasasaktan rin akongnakikita si Gaile nang ganun?
"Zach. Can we talk?" - Zheiyne
"About what?"
"Ano bang nangyari sa inyo ni Zwiesel? Parehas kayong tahimik. Tapos mugto pa ung mata ni Zwiesel last week"
Shet talaga. Nasaktan ko ba talaga siya?
"Bakit sa akin mo tinatanong yan?" Pagsisinungaling ko.
"Don't make me stupid. I know you know something. Akala mo ba hindi ko napansin? Everytime na tumitingin ka sa kanya I see pain in your eyes. Alam kong nahihirapan ka rin sa situation niyo. So please. Just tell me"
"She confessed to me. Sinabi ko na gusto ko rin siya. But as a friend. Ikaw ung gusto ko. That's all"
"What do you feel for her?"
"Friend. Period"
"Hindi ka ba masaya kapag kasama mo siya? Hindi ka ba kinikilig everytime na babanat siya sayo? Kahit na sabihin niyang joke lang un? Hindi ka ba nag aalala sa kanya kapag hindi siya nagtetext or nagrereply sayo?"
Hindi nga ba? Maraming beses ko nang naramdaman lahaat ng sinabi ni Zheiyne. Kaibigan nga lang ba ang tingin ko kay Zwiesel?
"Kita mo. Napapaisip ka. Siguro confused ka lang sa nararamdaman mo. You should evaluate your feelings bago ka magbitaw ng mga salita. Hindi mo alam may nasasaktan sa mga sinasabi mo. "
After she said that, umalis na siya. I think tama siya. Kailangan ko ngang ievaluate ung feelings ko.
--
It took me a month para lang malaman ang tunay kong nararamdaman for Gaile. And I miss her so much.
Maaga akong pumasok sa school. I want to surprise her.
Pagpasok ko sa room wala pang gaanong tao. Usually ung maaaga lang.
"Aga natin ha. First time" - Zheiyne
"Na evaluate ko na eh. Tsaka may surprise ako sa kanya"
"Ano un?"
"Wala ka na dun. Haha . By the way salamat sa words of wisdom mo. Nakatulong sa akin un"
"Haha Welc--" hindi niya na naituloy ung sasabihin niya dahil nadistract kami sa mga tawanan na narinig namin.
Right after I saw them. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.
"Oh eto na gamit mo. Ingat ha? Mamayang uwian na lang ulit. Bye . Ingat!" - Liam
"Ok po sige po. Haha. Babye" - Gaile
Kailan pa sila naging close? Akala ko ba ? Tsk. I saw smile drawn in Gaile's face. Mukhang masaya siya.
"Good Morning guys. Si Xen? Wala pa?"
"Wala pa siya"
"Woah. Perstym. Naunahan ko siya. Haha"
"Ang saya mo ata? Is it because of Liam?"
Ngiti lang ang tanging sinagot niya.
Paano ba yan? Mukhang may something na ata sa kanila.
"So kayo na?"
"Na ah. Haha. Masaya lang akong kasama siya. We're good."
"So lagi ka na niyang hinahatid sundo?"
"No. Malapit lang pala sila sa house namin. Kaya nagkasabay kami kanina."
"Oh."
*kriiiing kriiiing*
"Wait lang ha? May tumatawag eh"
"Haha. Yan kase. Close na tuloy sila. Geh. Pagpatuloy mo yang katorpehan mo"
Torpe? Ako? Kailan pa? Tsk
BINABASA MO ANG
Player Vs. Coach
Teen FictionHello :) This is my new story . Uhm . pure imagination lang po ito .