CHAPTER 25: Drunk in Love

4 0 0
                                    

ZHEIYNE'S POV

I Love You..

I Love You..

I Love You..

* kriiiiing kriiiiing *

Daryl Calling

Arrrrgh . Panira naman ng moment to oh .

"Hello"

(Baby saan ka na?) Sht! Oo nga pala may lakad kami. Damn!

"Nag aayos pa lang Baby. Nandyan ka na ba ?"

(Yes baby)

"Sorry baby . Promise bibilisan ko na . See you bye"

(Bye Baby I Lo---) *toooot toooot*

Inend ko na . Ayokong marinig pa un. Aaah . Kailangan ko na talagang magmadali.

Paglabas ko ng gate, Siya namang dating ng magaling kong pinsan .

"Oh. San ang gyera? At ganyan ang itsura mo?" Gyera ? Pinagsasabi neto? Hmp. Yaan na nga .

"Wala. Sige babye na . Lasing ka lang . Itulog mo na yan. Kaw na bahala sa bahay . " hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil nagmamadali na talaga ako .

Pagdating ko sa meeting place namin, hingal na hingal ako . At alam kong medyo haggard looking na ako. Pero kyeme lang. Maganda naman. Hahaha .

"I'm sorry I'm late " sabi ko sa kanya as I reach our table

" It's ok baby . Atleast you came" okay?

" Thanks baby . Uhm . So what's your plan?"

" Let's watch a movie. "

"Okay . Leggo?"

"C'mon"

Ewan ko kung imagination ko lang ito or what . Pero, Mycko and Xenia ? Together? Well . I'm happy naman to see them each other .

"Hi Guys!" Bati ko sa kanilang dalawa nung makasalubong namin. At para lang naman silang nakakita ng multo .

"Hey . I know I look like a goddess but sana kausapin niyo muna ako Hahaha"

"Che! Yabang mo . Hahaha" great! Nakarecover agad si Xen.

" Hey Mycko . Happy birthday ulit . "

" Uhm. Thanks Zheiyne. "

" Sige mauna na kami . I know kailangan niyo ng quality time together . Hehe . Bye guys ! See you around " then umalis na nga kami. Nakita ko pang namula sila pareho . Well . Siguro nga may something na sa kanila.

"Un ung ex mo di ba baby?"

"Yes"

"Si Xenia ba ung kasama niya ?"

"How'd you know her?"

"Siya ung gusto nung isa kong barkada. Si Jason"

"Ung top 2 last school year?"

"Yup"

"Oh . I see"

"He also likes you"

"You Look Jealous"

"Paano kung magustuhan mo rin siya?"

"I'm Yours"

"Yeah you're mine"

"Can we go now? Baka langgamin lang tayo dito"

"Haha . Okay "

Nanood lang kami ng sine. Kumain ng Dinner . Nag ikot ikot . And now, pauwi na kami . Pagod na rin ako . Haay.

And on our way, bigla ko siyang nakasalubong with his . Err Girlfriend .

"Baby, di ba sya ung bestfriend mo ?"

"Uhm. Oo siya nga" Bestfriend! Tss

"Bro!" Shet naman . Pinansin nya pa . Epal talaga neto eh .

" Oh. kayo pala . Hi Zheiyne! Hi. What's your name ?"

"Daryl"

"Ah ok. By the way . My girlfriend, Louise. Louise kilala mo naman na si Zheiyne di ba? Siya naman si Daryl . Boyfriend ni Zheiyne"

" Hello Zheiyne . Hello Daryl"

" Hi . Uhm. Sige bro una na kami . Pagod na rin kasi si Zheiyne. Bye . "

"Bye "

Hindi na lang ako nagsalita . Ewan ko ba . Naiirita ako kanina. Nung pinakilala niyang girlfriend niya ung Louise na un. Nakakainis talaga . I admit it . I'm freakin' Jealous! At ayoko talaga ng ganto kasi hindi ako nakakatulog agad ng hindi niya ako nilalambing pag gantong selos na selos ako .

"Ah Zheiyne? Ok ka lang ba? Kanina pa ako nagsasalita pero parang simula kanina di ka pa rin nagsasalita"

"I'm sorry Daryl. Siguro pagod na talaga ako . "

"Ganun ba? Sige . Magtaxi na lang tayo . Ihahatid na kita sa inyo. Para naman safe ka . "

"Thanks"

--

Pagdating ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kusina. I need energy . Kailangan ko ng pagkain para pansamantalang kalimutan ang nararamdaman ko.

Pagkatapos kong kumain, naisipan ko munang magshower bago maligo.

After that . Tsaka ko lang naalala na kanina pa pala naka off ung phone ko . So i opened it . And kamusta naman diba? Sabog na inbox ko .

As I browse the messages, karamihan sa mga ito ay text galing sa kanya. So inopen ko ung pinakaunang message niya.

' Hey babe . Can we go out tonight? I'll pick you up '

' Where are you? Wala ka daw dito sa bahay niyo sabi ng pinsan mo. '

' Babe ? Please reply '

' So you're with him? Kaya pala hindi ka nagrereply sa akin. It seems na mas may time ka na nga sa kanya . Na ako minsan na lang . Well it's ok. Atleast kasama ko na si Louise '

His Last message made me cry . Bakit kailangang ganun ung isipin niya ? Nakalimutan ko lang namang icheck ung phone ko eh .

I'm pissed! Hindi na talaga ako makakatulog nito . So I decided na uminom na lang .

Habang umiinom ako, tuloy tuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Para na talaga akong tanga dito . Medyo nakakarami na rin ako . Pero hindi pa rin ako makaramdam ng pagkahilo .

Bakit ganun? Sobrang hirap ng sitwasyon namin. Sobrang complicated . Hindi ko na alam.

Hanggang sa naubos ko ung dalawang bottle ng wine . Medyo nahihilo na rin ako . Naramdaman ko na parang may nagbuhat sa akin.

Bago ko ipikit ang mga mata ko , tinignan ko muna kung sino siya. Na sana hindi ako nagkamali. At tama nga.

" Babe "

Player Vs. CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon