5. Snake

236 15 0
                                    

5. Snake

Never. I will never ever let you win.

Ang isang ahas kahit anong mangyari ahas parin, kaya nga ahas e, traitor. At ang isang ito ay napakalaking ahas.

Gamit ang nanlalabo kong mata ay pinakiramdaman ko lang sya. May biglang sumakal sa akin galing sa likod ko.

fuck!

Pinipikit kong kumawala pero nahirapan ako, ubod lakas ko syang siniko sa tagiliran kaya nagkaroon ako ng chance na makaganti, I use that thing para sya naman ang masakal ko, namilipit sya pero nahablot nya bigla ang buhok ko kaya napabitaw ako.

darn it! magpapagupit nga ako after this effin fight!

"Huh! you still have that strength hu?"

May bigla syang nilabas na baril, mabilis naman akong umiwas at nagpagulong gulong para hindi matamaan! Mabuti na lang at hindi sya magaling mag asinta. Binunot ko din nakatagong baril mula sa katawan ko.Pinilit kong asintahin ang tuhod nya kahit nanlalabo ang mata.

"Ah! "

bullseye!

Tinago ko ulit ang baril at lumapit sa ahas, sinipa ko muna sya sa tiyan sunod ang kanyang mukha. His face is now full of blood.

"Taste your own blood snake." i gave him a smirk. Matalim ang tingin ng mala ahas nyang mata pero hindi nya ako matatakot.

I still couldn't see clearly, parang may ulap sa paningin ko. Damn him! hindi ko alam anong sinaboy nya sa mukha ko kapag lang talaga masira ang kutis ko sa mukha I'll make sure he's gonna pay for it big time!

Sunod kong nilabas ang katana, masyado ng tumatagal ang laban. Itinutok ko iyon sa kanyang leeg.

"Finish him!"

"Kill him!!"

"Finish that goddamn fight now!!!"

I can hear people shouting my codename, sinisigaw din nilang tapusin ko na ang laban at tapusin na ang kalaban, but Im not a killer nor murderer, I'm just a fighter. And an Angel.

"Bakit di mo pa ako tapusin? huh? natatakot ka bang pumatay? hindi mo ba sila naririnig? Haha, wag mo lang akong bigyan ng butas at baka ikaw ang matuluyan ko."

"Wag kang mag alala, hindi mo ako kagaya. At lalong hindi ako pumapatay. Pero wag ka ng mag assume na mananalo ka sa akin. I wont let that happen. "

Sinuntok ko ng ubod lakas ang kanyang sikmura at may pinindot sa kanyang batok para mawalan sya ng malay.

sleep tight

Bulong ko sa tenga nya.

This fight is over. I put a mark on him, para pagkagising nya hinding hindi nya malilimutan ang araw na natalo sya sa akin.

BAS

***

"Kailangan mo lang ipatak ito sa mata mo pagkagising at bago matulog. Hindi agad mawawala ang panlalabo ng mga mata mo so kailangan mo parin isuot ang salamin mo. Okay ba na Miss Lopez?"

"Yes Doc. "

"Next time be careful, that chemical can make you blind for the rest of your life kung madaming pumasok sa mga mata mo."

"Yeah, I understand doc. Magiging maingat na ako."

Tsk! Walang hiyang silver snake na yon may balak pa akong bulagin. Pagkatapos ng laban nagpahinga lang ako ng ilang araw, hindi ako pumasok ng dalawang araw, si Tay Warren na ang nagpaliwanag sa mga prof ko. Pinatingin ko din ang mata ko. Bwisit talaga.

Papasok na ako ngayon dumaan lang talaga ako dito sa clinic para ipacheck kung okay na ba.

Pagkatapak na pagkatapak pa lang ng paa ko sa university ay ilang pares na ng mga mata ang naramdaman kong nakatingin sa akin. Duh?! what's new? Plus factor pa ang salamin ko na bago.

Narinig ko din agad ang ingay ng grupo nila--sino nga ulit sila? Ow bahala na kung sino nga sila, hindi naman sila ganun ka importanteng tao.

Nagdiscuss na ang teacher pero ang katabi ko ay nakatingin sa akin. I gave him a dark cold look tingin ko naman ay natakot ko sya dahil umiwas ng tingin. Itong Eron na to at mga kasama nya ang sarap turuan ng leksyon. Nakakabanas sila.

Break. Palabas na ako pero hinarang ulit ako ng grupo nila. Kalmado lang akong nakatingin kay Eron, kahit ang totoo gustong gusto syang baliaan ng mga buto.

"Anong kailangan nyo sa akin?"

"Hey Chillax wala kaming balak na guluhin ka. " hindi ko alam if ito ba yung Brix o Zick basta mga gago sila.

Nakikita ko na sa mga mukha nila ang salitang LIAR mga hinayupak sila, ako pa talaga niloko nila?!

"The truth is , we just want to apologize for what we did. " it was Eron who said that. Apologize my ass!

Hinayaan ko lang sya magsalita,

"Babae ka parin at hindi dapat binabastos, we just wanna say sorry."

Tinitigan ko ang mga mata nya, straight from his eyes. Siguro sanay na sanay syang magsinungaling, dahil kung babasahin mo sa mga mata nya, he looks sincere and telling the truth. But, I know drama lang nila yan. Well wala naman masama kung sasakyan ko ang trip nila. Hindi ba nila alam na I'm a good actress?!

He stretch his arm para makipag shake hands. Sandali ko iyon tiningnan, wala na yung nakabalot sa kamay nya, at mukhang hindi ata sya natatakot na balian ko ulit sya ng mga daliri e.

"Fine." tinanggap ko ang kamay nya.

"So we're cool?."

"Whatever. Just stop bugging me." nagawa ko pang umirap sa kanilang lima.

"Hey friends?"

Nagpahabol pa talaga sya? at kailangan pa isigaw sa maraming tao? Samot' saring bulong bulungan na naman ang narinig ko, akala mo pa kakainin na nila ako ng buhay.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko papunta sa cafeteria. Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin na may nakaharang pala sa harap ko kaya nang iiwas na ako ay nadali ko ang braso nya.

"Fuck!"

Nagulat ako sa naging reaksyo ng lalaki, pagtingin ko ay may dugo sa braso nya. Hindi ko pinahalata na nataranta ako.

"I'm sorry...sorry, hindi ko sinasadya. Nagdudugo yung sugat mo, dadalhin kita sa clinic."

Agad nyang binawi ang braso nya at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Shit, mag iingat ka nga next time. Tatanga-tanga kasi. " hindi nakalampas ang sinabi nya sa pandinig ko.

His wound, reminds me of someone, his voice sounds familiar too. Para bang nakausap ko na sya o nagkita na kami.

I watched him walked away, pwedeng tama ang nasa isip ko, pero maari din naman nagkataon lang. Kailangan kong malaman, dahil hindi matatahimik utak ko kung hindi ko malalaman ang totoo. Hindi magiging panatag ang loob kung may mga katulad nyang ahas na nasa paligid ko lang.

Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon