29. Girlfriend
"Masaya ang isang babae dyan..."
Kanina pa ako kinukulit nitong si Lauren tungkol sa first date ever namin ni Eron. Gosh! bakit kapag-iniisip ko pa lang pakiramdam ko umiinit ang pisngi ko.
Fuck! I have a freaking hot boyfriend! Isn't amaziiiing?!
"Uy...nagbublush! dali na kasi kwento mo na! ang daya e!.."
Napapitlag ako dahil sa pagsundot nya ng tagiliran ko, wala naman akong kiliti dun kaso ang sakit maka sundot sa tagiliran!
Umirap na lang ako. Aasarin ko pa sya. Ayaw ko sabihin, baka mamaya di ko mapigilan ang sarili ko sa habang nagkukwento at makita pa nya paano ako kiligin!
"Wag ka nga magulo, kumain ka na lang kaya..."
Humaba naman ang nguso niya at puwede nang pagsabitan ng kaldero.
"Ang daya! hmmp! Iniisip ko tuloy kung kaibigan ba talaga ako. You don't trust me enough..." umarte sya na parang nagtatampo. Siguro nga di lang iyon arte! totoong nagtatampo sya at may hugot ang mga linya nya ah!
Crap! Kinokonsensya talaga nya ako?
"Okay fine! sasabihim ko. Pero kain muna tayo? okay lang?"
"Sure! yun naman pala eh! Bilisan mo lang pagkain ah!!! kain lang ng kain..." parang kanina lang? haay Lauren!
Kailan pa ako natakot sa isang kaibigan? Ngayon lang! Para bang ayaw ko syang magalit sa akin o kahit magtampo man lang.
May maingay na grupo ang pumasok sa loob ng cafeteria. Lahat na naman ng mga tao sa kanila nakatuon, mga scene stealer! hmmp! Kita ko naman yung mga kilig na kilig na babae sa kabilang table. Sarap tuloy pataubin ng table nila sa haharot mga ateng?
Bigla ko na naman naramdaman ang kakaibang pag-pump ng puso ko. MAGKAKAHEART ATTACK BA AKO?! YUNG TOTOO THIANA? MAY SAKIT KA?
Diosmiyo! tinangay na ata ng hangin ang lintik kong utak dahil hindi makapag-isip ng maayos nang tumingin sya sa pwesto namin at magtama ang mga mata naming dalwa.
Bumalik lang ako sa ulirat ng bigla akong sikuhin ng katabi ko.
"Bumabaha dahil sa laway mo... wag pahalata."
Bwisit na babae to! Umarte pa syang pinunasan ang baba ko at isinara ang bibig ko. Hinampas ko ang kamay nya at tinawanan lang ako ng bruhilda! Magkapatid talaga sila ano? may pinagmanahan talaga.
Umayos ako ng pag-upo at shit ngayon lang din ako na-conscious sa pagkain.
Teka, baka may dumi ako sa mukha?
"Hi." Umupo sya sa tabi ko at medyo naiilang ako.
Jusko naman kasi, bakit ba ako kinakabahan? eh katabi ko lang naman ang boyfriend ko.
"Hi Thiana! Uy dyan ka pala Laureng."
"Wala ako dito. Ilusyon mo lang ako Brix, and please stop calling me Laureng!."
Mukhang magkakaroon pa ata ng world war 24, imbento ko lang syempre yan. Paano pansin ko na mainit masyado ang mata nitong dalawa sa isat' isa.
Naestatwa naman ako bigla dahil sa pag-akbay sa akin ni Eron, sinimangutan ko sya at mabilis na tinanggal ang kamay nya.
"What? what's wrong with that?"
Tatawa tawa pa sya, lalo tuloy akong napipikon. Hindi pa nga alam ng mga tao sa paligid na kami e!
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
ActionCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...