28. The Yes game
Bumitaw sya sa pagkakahawak ng kamay namin.
Medyo malayo layo na ang nalakad namin hanggang makarating kami dito sa isang park. Nakakapagtaka lang at walang tao, tsaka ilaw na galing sa poste ang nagbibigay liwanag.
"Let's play a game."
Kumunot agad ang nuo ko. May game game pa na nalalaman kasi. Paano naman kami maglalaro? at anong laro naman?
"Anong kalokohan naman yan Eros?"
"Let's play 'The Yes Game'." nakangiti pa si kumag habang sinasabi nya iyon.
"Wala naman kasi akong alam tungkol sayo... this is my way of knowing you, as well as, you, knowing me. " patuloy nya pa. Humalukipkip lang ako sa harap nya habang nakikinig sa pagpapaliwanag nya. "In every questions, we are going to give our answer, then we'll say yes kapag tama ang hulang sagot. " Umalis naman sya at tumakbo palayo sa akin.
"Hoy! Anong kalokahan ba ito? bakit ang layo mo?" halos sigaw na iyon, para marinig nya.
"Here's the twist! In every correct answer, every yes, we move forward, at kada maling hula naman ay aatras tayo. Gets mo?!"
Ano daw? medyo na ge-gets ko naman kaso, grabe naman ang kumag na to! daming alam! why not simple ask? Haay!well, pagbigyan ang luho. Umirap na lang ako.
"Owkaay...okay. I get it!" isa pa ulit na irap.
"Let us start with simple question... Let's start with...Favorite color!"
Hah! so para itong slum note with a twist? okay mukha namang exciting ang yes game na to.
"Yours Blue!" hula ko.
"Black?!" hula nya naman.
I stepped forward. Tama naman sya, favorite ko ang mga dark colors lalo na ang black. Nagulat ako dahil nag-stepped back sya! mali ang hula ko?
"Wait! Hindi blue favorite color mo?!"
"Nope! Gray and red are my favorite colors."
Ugh! nakakainis naman! akala ko talaga blue dahil yung ang madalas na kulay ng mga gamit nya.
"Bawi ka na lang... Next favorite sport! "
"Basketball! " sabay pa kaming dalawa!!
We both stepped forward! Yes! Nag-air punch pa talaga ako. Kahit obvious naman ang sagot sa kanya, natuwa parin ako dahil tama ang sagot ko! Crazy right?
Nagkatalo talo na sa mga susunod na tanong! Ang hirap pala manghula! I didn't get his favorite food, which is tinola! biruin mo yun? Tinola lang pala ang paborito nya?! tapos sya nahulaan ang pabirito kong pagkain! Bakit alam nya na pizza ang paborito ko?! Stalker ko ata sya eh!
Nakaka-frustrate kapag lumalayo sya o ako dahil mali ang hula namin, parang kahit simple game lang ayaw ko magkamali! ayaw kong malayo sa kanya!
"Aaah! Ayoko na!" reklamo ko! Ugh!
"What?! Haha, come on! its fun! Now I know, you hate dancing and singing. Your favorite color is black you love pizza..."
"Ang hirap kayang manghula! ang layo mo na kaya!"
"So, you don't want me far from you? Yes or no? cause if you ask me same question, my answer is Yes. Move forward if yes."
Lumunok ako ng ilang beses, nauna syang humak bang palapit.
Ano? Ah, yes ba? Hahakbang na ba ako? Para na din akong umamin? Gosh!
Nakapikit akong humakbang, at nang dumilat ako ay nakita ko ang malapad na ngiti nya.
BINABASA MO ANG
Not Your Ordinary Angel: Black Angel Seraphim
AksiCodename: Black Angel Seraphim Weapon: Blades/Guns/Martial Arts techniques I'm Black Angel Seraphim. Seraphim is said to be the highest order of God's angelic servant, known as 'fiery serpent', angel of light, love and fire. But I'm no angel. I'm Bl...