14. Gun

187 10 0
                                    

14. Gun

Halos pataubin ko na ang cabinet ko sa paghahanap ng damit.

Ugh!

Wala kasi akong mapili na susuotin sa birthday ni Lauren, though hindi nga ako sigurado sa mangyayari, at hindi ako siguradong makakahabol ako, but I'm hoping. Yeah that hope.

Binagsak ko na lang ang sarili ko sa bed. Nakakabuang, dati naman hindi ko kailangan mamroblema sa mga ganitong bagay. Tangin iniisip ko lang ay kailan ang sunod na laban, sinong sunod na makakalaban, paano ko ipapanalo ang laban, at paano hindi mamatay habang lumalaban. Siguro, there will always be first time.

May kumatok sa pinto. Himala! kumatok sya?

"Bukas. Pasok lang."

Pumasok si Tay Warren na may isang box na dala. Hinagis nya yun sa bed. At nag-cross armed pa at seryoso akong tiningnan.

"May nagpadala nyan. Para sa'yo."

Kumunot ang nuo ko. Wala naman akong maalalang may inorder ako online para may mag-deliver sa akin ng package.

Binuksan ko ang box na may ribbon pa talaga.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang bloody red dress.

shit!

May maliit na card sa gilid kaya binasa ko.

I can't wait to see you wear this dress.

E.King

"May pupuntahan kang party? bakit hindi ka nagsasabi Ana?"

Crap! Andyan nga pala si Tatay.

"Hindi naman ako sigurado kung makakapunta ako, kaya hindi ko na sinabi. Ngayong weekend yun...may laban. Birthday ng kaibigan ko."

Sumandal sya sa pinto at ganun parin ang intensity ng tingin nya.

"Kaibigan? Hindi ko alam may kaibigan ka na ngayon?"

"Well, normal lang siguro sa isang estudyante ang magkaroon ng kaibigan." simpleng sagot ko.

"Normal. Normal sa ibang tao pero...hindi yun normal kung sa iyo. Ana..." alam ko na kung ano ang ibig nyang sabihin. "Mag-iingat ka lang. Alam mo kung anong mga pwedeng mangyari, tandaan mo yan." saka nya ako iniwan.

Normal. I can never be as normal like other students. I may act like one of them, normal, pero arte lang iyon.

Hindi ko na matandaan kung kelan ko pa huling naramdaman maging normal. Simula ng insidenteng iyon, hindi na ako naging normal.

Binuhos ni tay ang oras nya para lang turuan ako, humawak ng baril, kutsilyo o kahit anong bagay na matulis at matalas, tinuruan nya akong bumali ng mga buto ng tao gamit ang sariling lakas. Lahat ng bagay tungkol sa pagiging malakas. Kahit na nasasaktan ako noon ay hindi ako pwedeng umiyak, simula noon hindi ko na hinayaan na tumulo ang luha ko.

Hanggang sa may mga dumating sa bahay, tinutukan ng baril sa tay warren, lumaban ako. Nakita nila kung anong kaya kong gawin. Papatayin nila si Tatay Warren, pero hindi ko iyon pinayagan. Hanggang sa ipinakita nila sa akin ang isang Death Contract.

Death Contract.

Hindi nila pinatay si tatay pero naka-kontrata na ang buhay ko kay kamatayan. I was destine to fight underground.

Hindi ko parin alam kung ano ang kailangan nila kay Tay warren ng araw ba yun, at wala naman akong balak na alamin.

Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kailan ko ito gagawin. Hanggang kamatayan ba?

Pero gusto kong maging normal.

***

Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Lauren, busy siguro sa pag-aasikaso ng birthday nya. Minsan sa lunch ko lang sya nakikita tapos ayun wala na.

Gusto ko sanang iwasan ang kumag na Eron, kaso ewan ko at may pagkalahing aso na nga siguro sya, paano sunod ng sunod! nakakatuwa na nakakairita!

Parang ngayon lang kailangan ko pang tumakas para lang hindi nya ako makita.

Dito tuloy ako dumaan sa medyo mapunong part ng university.

Sobrang tahimik kung dito ka dadaan dahil wala namang mga tumatambay dito.

Napatigil ako ng may kakaiba akong naramdaman. Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang lalaking nakatalikod na may hawak na baril, nakatutok sa ulo ng isa pang lalaki.

Kailangan ko pang lumipat ng pwesto kung saan ko sila pwedeng makita.

Silver Snake! at...at Mart?!

Tahimik lang akong nagtago sa likod ng malaking puno. Hindi ko alam kung anong meron, continuation ba ito ng naudloy nilang transaction?

Alam kong kayang kaya niyang pumatay, pero hindi ko aakalain na kailangan ko itong masaksihan.

Kahit naman na gustong gusto kong saktan si silver snake dahil sa laban namin ay ayaw ko syang makitang mamatay.

"I warned you before. But, you didn't listen."

"Wala na kayong paki sa mga ginagawa namin. Labas na kayo dito!" may takot sa boses ni Steve. Halatang halata ang takot sa boses nya kahit pa gaano kalakas ang pagsigaw nya. Fear is slowly eating him.

"Nagpapatawa ka ba?" tumawa sya na parang demonyo. "You are inside our territory, are you forgetting that?"

Hindi na makapagsalita si Steve.

"I don't care about your issues with your boss. But I'm cutting it all here."

Pagkasabi nya dun ay akala ko ipuputok na nya ang baril, turn out tinakot nya lang si Steve.

"I want you stop. No drug selling inside my university, or even with our student. You can say I'm evil but never a drug user. "

My university? fudge! is he a member of the mafia?!

"I'm giving you chance to run. You know I can kill you right here, right now...so go!"

Hindi maintindihan ni Steve kung saan sya tatakbo dahil sa takot.

Ibinaba nya ang baril at tinago iyon sa likod nya.

"Kanina ka pa nanunuod. How was the show? " he show me his evil smile.

"Evil." nanggigigil ako na gusto ko syang kalabanin.

I know na good thing na hindi nya tinuluyan si Steve, but still he is an evil one.

Unti unti syang lumapit sa kinatatayuan ko. I didn't move a muscle.

"Hindi na pala kita kailangan hanapin pa..." tinapik ko agad ang kamay nyang humawak sa aking pisngi.

"Don't touch me!"

"You are really strong huh?" Ipinakita nya ulit sa harap ko ang baril at pinaglaruan iyon. "Hindi ko naman ito gagamitin sayo...but your dog is really annoying the shit out of me. I might use--"

Kinilabutan agad ako sa sinabi nya! shit.

"You son of a bitch! don't dare!"

"Woah, woah! the nerdy is now mad. "

I swear if he touch him he'll regret.

"I want to see your unmasked face. And I just figure out how."

He left me there standing.

Not Your Ordinary Angel: Black Angel SeraphimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon